Days passed quickly and I'm enjoying here in Noah's place. Totoo nga ang sinasabi nila na kapag nag-eenjoy ka, hindi mo namamalayan ang takbo ng oras. Hindi mo namamalayan na mabilis nang dumadaan ang panahon.Mas napadalas din si Jenny dito sa bahay nila Noah dahil sa paghahatid-sundo sa mga bata. Naging malapit kami sa isa't isa at hindi ko alam kung bakit palagi niya akong inaasar kay Noah.
Jenny has a nice and pleasing personality. Parang nasa kanya na nga lahat. Mayaman, maganda, magandang katawan, lahat-lahat na. Sobrang friendly at tinuturing na niya akong kapatid. Nagkukuwento siya palagi sa akin about sa childhood nila ni Noah. Na hindi daw mahilig maglaro si Noah sa labas ng bahay at lagi lamang itong nakakulong sa kwarto at nagbabasa ng libro. Kung hindi pa raw nila pipilitin si Noah ay baka hindi nila ito close as a cousin ngayon.
Hindi ko alam pero puro si Noah ang kinukuwento niya sa akin. Bagay daw kasi kami but I beg to disagree.
Hindi p'wede.
Sunday ngayon at walang batang tuturuan pero pumunta dito si Jenny for me. Gusto niya daw kasi ng kachikahan at nabuburyo na raw siya.
Sa totoo lang, sobrang iba ng mundo ko ngayon. Walang advantage na kinukuha ang mga tao sa'kin and I can feel their sincerity.
Hindi ako natakot makisalamuha dahil iba nila ako ituring kumpara sa dati kong buhay. Sa sobrang palakuwento sa akin ni Jenny, lahat na yata ng sikreto nito ay halos alam ko na. Binalak kong sabihin sa kanya 'yung totoong ako at yung totoong nangyayari sa'kin pero tinawanan niya lang ako.
"Jenny what if I'm not existing? I mean, what if I'm just a lost soul and I will just disappear any time?" tanong ko sa kanya no'ng gabing uminom ito dahil diniktahan nanaman daw siya ng parents niya na sumunod sa ibang bansa kung nasa'n sila.
And the moment I told her those words, she just laughed at me. It's quite offensive but sino nga ba naman kasing maniniwala? Kahit ako tatawanan ko lang yung mga gano'ng tanong kung hindi 'to nangyayari sa'kin.
That night was also a risky night.
We're in the middle of talking about random things until she suddenly ask where am I.
"Megan? Megan where are you?" I really don't know what to do. I'm just infront of her and maybe she's drunk. But I suddenly stop when I looked at the full moon.
I'm too careless.
Nagpunta ako ng comfort room at doon ako natulog hanggang umaga. I'm lucky na lasing si Jenny that night kaya wala siyang naaalala na nawawala ako kagabi. Sa comfort room ako natulog para walang makakita sa'kin kinabukasan, and yes, I succeed.
Full moon came in two consecutive nights.
Nagkulong ako sa sinehan nila sa baba in 2 days dahil sa sobrang takot ko na may makakita ng nangyayari sa'kin. Palihim lamang akong kumukuha ng pagkain o inumin. Noah went somewhere para hanapin ako but I just came up infront of him all of a sudden. Nagdahilan ako na mayroon akong inayos sa loob ng dalawang araw and after that, he hugged me tightly.
Sobrang higpit ng yakap niya nang makita niya ako after two days. Yumakap ako pabalik sa kanya and I always feel my resting place when I'm doing this thing.
And I know, it's wrong.
You're hug is my resting place but I should not fall for you.
I should not let you love me the same way I do.
Ayaw kitang saktan pero gusto kitang ipaglaban.
Alam kong talo pero gusto kong subukan.
I cried all night realizing that I fell for him. Hindi ko inakalang hahantong ako sa ganitong punto. Napatagal na ako dito at napamahal na ako. To make it even worse, napamahal na rin ako kila Jenny, at pati na rin sa mga batang tinuturuan ni Noah na napalapit na rin sa'kin. When I always hear Ate Megan, I knew it was came from those kids na makukulit.
"Good Morning people!" nagising ako sa ingay ng mga boses at mga katok mula sa pinto. Babangon pa lang ako sa pagkakahiga nang makita kong si Noah na ang magbubukas nito.
Nag-iinat pa lang ako nang bumungad sa sala ang tatlong lalaki, isang babae at si Jenny.
"Wow! What the-chicks," gulat na tingin sa'kin ng lalaking matangkad at may bagong gupit na buhok.
"Nakakaistorbo ba kami bro?" tanong nito kay Noah na nagsisimula nang magluto sa kusina.
"Yes," sagot ni Noah out of nowhere na ikinagulat ko. What does he mean?
Umupo si Jenny sa tabi ko at ipinakilala sa akin ang mga kasama niya.
"Okay so this is Red, pinsan namin ni Noah," sabay turo niya sa lalaking pumuna sa'kin kanina. Kinindatan pa ako nito na nagpataas ng balahibo ko.
"This is Celeb," pakilala naman niya sa lalaking medyo maputi at may kapayatan. Medyo matangkad at may matangos na ilong. Nakipagkamay 'to sakin at tinugunan ko naman dahil mukha naman itong matino.
"This is Geya, pinsan namin and Celeb's girlfriend," tugon nito na ikinagulat ko dahil bagay na bagay sila ni Celeb. Parehong pareho sila na may magagandang itsura. Kumaway ito sa'kin at ginantihan ko naman ng ngiti.
"And this is Vince. He's also our cousin," pakilala naman nito sa lalaking moreno na may medyo kulot na buhok at may mapungay na mata.
Bakit ang gaganda't ang gagwapo yata ng genes ng mga Castino?
"We're here to ask you guys-oof no, we're here to let you know that,"
"We're going to Batangas!" sabay-sabay nilang sagot na para bang naeexcite.
"Yes, you! Kasama ka Megan! Baka walang makausap si Noah," dagdag ni Jenny.
"Ba't hindi ko 'yan alam?" tugon ni Noah habang naghahain na ng niluto niyang almusal.
"Kasi kahapon lang namin naisipan and we wanted to surprise you and you're girlfriend," tugon ni Red habang abot tainga ang ngiti sa'ming dalawa ni Noah.
"Hindi ko siya boyfriend!"
"She's not my girlfriend!" mas lalo akong nailang nang magkasabay pa kaming sumigaw ni Noah."Oh 'wag kayong mag-unahan makakaamin rin kayo agad," dagdag ni Red at wala akong magawa kundi mapairap sa kanya. Kitang kita ko naman kung paano tumawa si Vince na humahawak pa si tiyan niya. Magpinsan nga talaga sila.
Sabay sabay na kaming nagtungo sa kusina para kumain ng almusal na inihanda ni Noah at nagsimula nang pag-usapan ang pagpunta namin sa Batangas.
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Fiksi RemajaA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...