Chapter 5: Do's and Don'ts

132 17 8
                                    


Maaga akong gumising upang magluto ng almusal para kay Noah. Tahimik akong naghahanda ng pagkain nang bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa puso ko.

Here it goes again.

Agad-agad kong isinara ang bintana sa gilid ng kusina. Nagtataka ako kung bakit pwede akong mabasa ng tubig pero kapag galing mula sa ulan bawal. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang umuusok na pala 'yung kawali. Agad kong nilagay ang hiniwa kong bawang at sibuyas at sinimulang magsangag ng kanin.

Tanghalian. Matapos kong makasabay si Noah sa pag-aalmusal kanina ay wala itong kahit anong binitawang salita habang kumakain kami. Sinabi lang niya na aalis daw muna siya saglit at ako muna raw ang maiiwan dito sa bahay. Mag-iisang oras na at wala man lang akong ginagawang produktibo sa araw na 'to. Gusto kong lumabas kaso wala namang maiiwan dito sa bahay, at naalala ko nanaman ang sinabi sa'kin no'ng babaeng matanda ba kung maaari ay 'wag daw akong makikisalamuha sa mga tao.

Alam kong p'wede naman.
Pero kailangan ko lang limitahan.

Mahirap na at baka may mapansin silang kakaiba sa ikinikilos ko. Kaya hangga't maaari, si Noah muna sa ngayon.

At napaisip ako bigla, ang loyal ko naman pala.

Sa sobrang bored ko ay nilibot ko muna 'tong bahay ni Noah. Kung tutuusin, halos kasing-laki rin ito ng bahay namin. Masyadong malawak ang sala, at may tatlong chandelier. Masisigla ang halaman sa bakuran nila, na mas sisigla pa dahil ako na ang mag-aalaga sa kanila. Tinuruan ako ni Manang Tanya kung paano ang tamang pag-aalaga sa mga halaman.

Sa kusina, malawak akong nakagagalaw kaya komportable akong magluto. Nabanggit niya rin na mayroon pala siyang maliit na place for watching movies or mini cinema place sa ilalim ng bahay nila. May hagdan pababa bago ka lumabas ng pinto, kapag bumaba ka sa hagdan na 'yon, mayroong couch na kulay itim, madilim ang loob at may malaking screen sa gitna. Sabi niya sa'kin, pinagawa raw ng Mommy niya 'yon para malibang ang sarili niya, pero hindi niya pa raw nagagamit.

Matapos kong libutin ang buong bahay ay wala pa rin si Noah. Naupo muna ako sa sofa at inisip kung paano ko nga ba papatakbuhin ang buhay ko sa mundong 'to?

Kinuha ko ang notepad at ballpen na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ko at sinimulang magsulat.

Una, kailangan kong maging maingat.
I should not widen my environment. Sobrang hirap nang magtiwala sa panahon ngayon, betrayal is a choice while people are happily choosing it.

Pangalawa, kailangan kong libangin ang sarili ko. Pwede naman akong lumabas nang hindi nagpapakita sa mga tao, maghahanap lang ako ng tagong lugar at doon ko aalisin ang kwintas ko. After that, wala nang makakakita sa'kin.

Pero sabi no'ng matandang babae na kahit hindi ako nakikita mararamdaman pa rin nila ang presensya ko, mahahawakan pa rin nila ako. Wala lang ako sa paningin nila pero my body is still existing. So erase sa pag-alis ng kwintas, magpapakita pa rin ako sa mga tao. Hindi na lang ako makikipag-communicate not unless if necessary. That's it.

Pangatlo, kailangan ay hindi ako magpaabot ng gabi sa daan. Well, hindi naman siguro mangyayari sa'kin 'to since hindi naman ako madalas gumala. Pero kasi wala namang sinabi 'yung matandang babae kung paano ko malalaman kung kailan darating ang kabilugan ng buwan.

It'll just come unknowingly.

Baka magulat ako hindi na pala ako nakikita ng mga tao, especially Noah. Nasa iisang bahay lang kaming dalawa. Mahirap na. Kailangan ko ng dobleng pag-iingat whenever I'm with him.

Pang-apat, I should limit my outdoor activities. Baka biglang umulan at wala akong mapuntahan, kailangan may pagkalibangan rin ako kahit nasa loob ng bahay. Pwede akong magbasa kasi wala naman akong phone, p'wede akong magsulat, gumawa ng cake, at kung anu-ano pa. Basta kailangan ko pa rin ng indoor activities pa rin para kahit papaano mas safe.

Last but not the least, kailangan kong iwasang mapalapit ang loob ko sa mga tao. We can be close but not to the point na masasanay na 'ko sa presensya niya. I'm not permanent in this world, sobrang risky na makasama ako. Masasaktan ko lang siya, at masasaktan niya lang din ako.

Mahirap magmahal sa gitna ng walang kasiguraduhan.

Gusto kong umalis sa mundong 'to nang hindi nasasaktan at walang nasasaktang tao.

Kagaya ng pagkamatay ko.

Matapos kong maitala sa notepad ang mga dapat kong gawin ay narinig ko na ang pagkatok ni Noah sa pintuan. Nagpunta ako sa pinto para pagbuksan siya.

"Sa'n ka galing?" tanong ko nang mapansin ko ang sobrang pagod sa itsura niya.

"Coffee Shop," tanging sagot nito.

Ang gandang sagot naman.

"Anong ginawa mo dun?" muli kong tanong.

"Nag-coffee?"

"Alam mo kung hindi lang kita amo baka tinuktukan na kita. Malamang coffee shop 'yon, nagkakape ka. Alangang mag beer ka dun at magpakalasing. My gosh John Noah Castino you're getting into my nerv-"

He cut my word.

"I just finished my module na ituturo sa mga bata," He said.

"What do you mean?" tanong ko dahil baka teacher na pala 'tong kausap ko.

"My cousin, Jenny, since wala naman daw akong pagkakaabalahan ngayong summer, tuturuan ko muna daw 'yung mga nakababata niyang kapatid," sagot ni Noah.

"Omg! Kids? Ilang taon?" tanong ko. Mas pinagkakatiwalaan ko kasi ang mga bata, mas magaan ang loob ko kapag kasama sila.

"I don't know maybe mga nasa 6-7 years old. Why? interested?" He asked.

I nodded.

"Okay. I'll ask Jenny na kung pwede dito ko sila turuan para mameet mo rin sila," He said to me, smiling.

"Really?!" natuwa ako sa sinabi ni Noah. Finally, hindi na mukhang haunted house 'tong bahay niya.

"Yes, ayaw mo? Sige babawiin ko na," tugon nito habang nakangiting nang-aasar.

He's annoying

"No! Paghahanda ko sila lagi ng pagkain! Ayoko kasing magaya sila sa'yo na puro aral lang," I said pointing out that he should not forget to eat his meal three times a day.

Natawa naman sa'kin si Noah at umakyat na sa taas.

"We'll start tomorrow," He said habang umaakyat ng hagdan.

"Noted, Sir!" I said smiling.

I can't wait to see them.

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon