"Saan mo gustong mag-lunch?" tanong ni Noah habang naglalakad kami palabas ng National Book Store. Bitbit niya 'yung paper bag kung nasaan 'yung librong binili niya kanina at kinuha ko naman na 'yung sa'kin."Akala ko ba mamimili tayo?" pabalik na tanong ko dahil iyon naman talaga ang pakay namin kung bakit kami nagpunta ng mall.
"Let's eat first, nagugutom na 'ko," aniya pero bago pa ako makasagot ay biglang nag ring ang phone niya at agad niya rin itong sinagot.
Nilibot ko muna ang tingin habang hinihintay na matapos si Noah na makipag-usap sa phone.
"Sino 'yon?" tanong ko nang makabalik siya.
"Why? jealous?" sagot niya habang nakangiti nang nakakaasar. Kung hindi lang talaga 'to gwapo ngumiti baka nasapak ko na.
"Wish mo naman," sagot ko bago tumalikod at nagsimulang maglakad.
"It's Red. Bukas na raw tayo aalis," sagot nito sa likuran ko na ikinagulat ko.
"Ha? bakit daw?" tanong ko at hinarap si Noah. Wala na kasi kaming time makapaghanda kung bukas agad. Hindi pa kami naglulunch ni Noah at hindi pa rin kami nakakabili ng pagkain at mga gamit para sa Batangas. Tsaka 'yung budget ko hindi pa sigurado.
"Uuwi daw yung parents ni Jenny bukas kaya dapat wala siya bahay. Or else, pipilitin nanaman siyang pauwiin sa bahay ng parents niya," he explained at naintindihan ko naman agad kung bakit. Nakuwento na sa'kin to ni Jenny, ito yung iniyakan niya last night.
Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad para maghanap ng restaurant na kakainan.
"Saan mo gusto?" he asked, following my footsteps. Para siyang bata.
"Kahit saan," sagot ko na naghahanap rin ng pwede naming kainan.
"Okay sa McDo tayo."
"Ayoko diyan"
"What the?! Sabi mo kahit saan?!"
Natawa ako sa reaction niya at hindi na kami nagtalo. Sa Jollibee kami kumain. Medyo puno na kasi ng tao sa McDo at walang extrang table. Matatagalan pa kami kung maghihintay.
Nang makahanap kami ng upuan ay nagprisinta si Noah na siya na raw ang oorder.
Kasalukuyan akong naghihintay at patingin-tingin sa paligid nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babae. Kinusot ko ang mata ko at hindi nga ako nagkakamali.
Nakita ko ang sarili ko sa pinakadulong table!
Parehong-pareho pa kami ng suot ng damit, hairstyle at sapatos. Nagsusuklay ito at laking gulat ko nang tumingin ito sa direksyon ko.
Dali-dali akong tumayo para puntahan si Noah at hinatak ko ito sa braso palabas ng restuarant. Naghahanap ako ng pinakamalapit na comfort room habang tumatakbo at namamawis na ang mga noo ko. Tanong nang tanong sa'kin si Noah kung anong nangyayari pero hindi ko na ito magawang sagutin dahil sa sobrang kaba.
Hindi 'to pwede.
"Sa oras na makita o makasalubong mo ang sarili mo, hubarin mo ang kuwintas at lumayo sa lugar kung saan mo siya nakita."
Paulit-ulit naglalaro ang boses ng matanda sa isip ko. Nang makahanap ako ng comfort room ay iniwan ko muna si Noah sa labas at agad-agad akong naghanap ng bakanteng cubicle. Pagkapasok ko ay agad kong hinubad ang suot kong kwintas at huminga ng malalim.
Hirap na hirap akong habulin ang hininga ko sa sobrang bilis ng pangyayari. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magtama ang mga mata namin kanina.
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...