Dedicated to: annonymous318
Natapos ang usapan namin at narealize kong hindi lang pala si Noah ang ikinababahala ko. May iba rin pala akong maiiwan na naging parte na ng buhay ko rito.
And it was also them.
Tabi-tabi kaming natulog dahil inakyat pa namin si Geya dahil sa pagkalasing. Habang natutulog si Geya ay inamin ko kay Jenny lahat ng nararamdaman ko para kay Noah. Sinabihan naman niya ko na if I'm going to take his love, I should prepare and get ready to take a risk. Hindi pwedeng magmamahal ka nang walang consequences.
Pero sa sitwasyon ko, not taking risk was never a choice, not even in the options. Alam ko nang hindi maganda ang kahahantungan kapag tinuloy ko 'to. I should act normal kapag kaharap ko si Noah at laging isipin na walang nangyari sa'min last last night. We should only be friends. Hindi na pwedeng humigit pa do'n. Masaya ako kapag kasama siya, pero mas masakit lang kapag iniwan ko na. Umpisa pa lang sinabi ko na sa sarili ko na bawal.
Na hindi talaga p'wede.Mahirap sumugal sa laban na walang kasiguraduhan.
Mahirap sumugal sa laban na umpisa pa lang, alam mo nang dehado.
Pero para kay Noah, kung siya lang din ang dahilan para manatili ako dito. Hindi ko pa sigurado kung kakampi sa'kin ang tadhana.
Kasalukuyan kaming naka-upo ngayon sa inuupuan namin kagabi. Ako, si Geya, at si Jenny. Ang mga boys naman ay nagsswimming except kay Noah. May inaasikaso raw ito sa room at wala raw munang papasok doon kaya nandito muna kaming lahat. Malapit nang mag alas-sais ng hapon at kulay kahel na ang paligid.
Maya-maya pa ay nagsi-ahon na ang boys at sinabing magbabanlaw lang daw sila. Mga ilang minuto ay sumunod si Jenny na nagpasama kay Geya na mag banyo kaya ako na lang ang mag-isa rito.
Napahinga ako nang malalim at dinama ang hangin at hampas ng alon. Para sa'kin, sa dagat ko lang matatagpuan ang paraiso. Kapag naririnig ko ang alon, biglang kumakalma ang pakiramdam ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni nang bigla akong makareceive ng text mula kay Jenny.
[Jennie]: Punta ka dito sa room. Noah needs your help, ASAP!
Agad-agad akong napatakbo papunta sa room pero napahinto ako nang biglang humarang si Vince sa daan ko at abutan ako ng isang rosas. Tatanungin ko sana siya pero sumenyas ito sa'kin na magpatuloy.
Ano nanamang trip ng lalaking 'yun?
Muli akong tumakbo at si Celeb naman ang humarang sa daan ko at kagaya ni Vince ay inabutan rin ako nito ng rosas at sinenyasan na magpatuloy.
Anong mayro'n?
Nang makarating ako sa hotel ay bumungad sa akin si Red at lumuhod pa bago ako abutan ng rosas. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila at takang-taka na ako kung ano bang meron.
Hindi ko naman birthday.
Nagpatuloy ako at sinalubong ako ni Geya at Jenny sa hagdan bago sa room namin at inabutan rin nila ako ng rosas bago yumakap.
"Bilisan mo, may naghihintay sa'yo sa loob," bulong ni Jenny at hindi ko na mapigilang magtaka sa nangyayari.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa tapat ng pinto bitbit ang limang rosas na inabot nila sa'kin.
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...