Sa isang tagong lugar ng isla ako nagpalipas ng gabi at nagising ako nang marinig ang mga pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko."Megan?" narinig ko ang boses ni Jenny kaya't agad akong lumabas sa nakatagong malaking bato na may espasyo sa loob kung saan ako natulog.
Saktong paglabas ko ay nahagip ako ng paningin ni Noah at agad itong tumakbo papalapit sa akin at sinalubong ako ng yakap na mahigpit. Nang mapansin ang senaryong 'yon ay napatingin na rin sila Jenny, Celeb, Geya, Vince, at Red.
"Saan ka ba nanggaling?" tanong ni Noah habang nahawak pa ito sa dalawang pisngi ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nila.
"May mahalaga lang akong inasikaso," saad ko at kahit hindi sila mapalagay ay napatango na lang ang mga ito.
"Movie marathon tayo?" sambit ni Jenny nang mapansin niyang hindi ako komportableng sumagot sa mga tanong nila ngayon. Sobrang swerte ko na kilalang kilala ako ni Jenny.
Alam niya kaya?
Kahit pa naguguluhan ay agad din namang sumang-ayon ang lahat at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa room namin nang biglang lumapit sa'kin si Jenny habang naglalakad.
"Ano ba talagang nangyari?" pabulong na tanong ni Jenny ngunit hindi ko pa rin naman masasabi sa kanya ang sagot.
"Mahabang kwento," tanging tugon ko bago magpatuloy sa paglalakad.
Nang makapanik kami sa room ay bumungad sa amin ang mga natuyong rosas na nakakalat sa sahig at mga lobong ang iba ay pumutok na habang ang mga kandila naman ay tuluyan nang nalusaw.
Hindi yata sila nagpalipas ng gabi dito dahil sa kakahanap sa'kin. Medyo nahiya naman ako at tumulong na lang sa kanila sa paglilinis ng kwarto.
Bigla ko tuloy naalala ang mga nangyari kagabi.
Will you be my girlfriend?
Napailing na lang ako at hindi na inisip pa 'yung nangyari. Napatingin ako kay Noah na ngayon ay winawalis ang mga natuyong rosas. Gusto kong mag sorry sa kanya pero ayoko nang ipaalala pa 'yung mga nangyari last night.
Nagsimula nang isalang ni Red ang mga papanuorin namin. Nagtatalo pa sila kanina kung ano bang papanuorin, kung action, romcom, o kung anu-ano pa kaya't nag horror na lang kami.
Bago manuod ay nagprisinta muna sina Celeb at Geya na magluto ng pagkain. Sinabi ko naman na maliligo muna ako saglit. Nang matapos ay naabutan kong nakalatag na ang mga pagkain sa harap namin. May easy foods, chips, pasta, mayroong sandwich at kung anu-ano pa. Nagsimula na kaming pumwesto at nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng lalaki sa tabi ko.
"Hi, p'wede bang tumabi?" pabirong tanong Noah sa malalim niyang boses. Napailing na lang ako sa kanya dahil akala ko ay may galit siya sa'kin. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Wala pa kami sa kalagitnaan ng movie nang kanya-kanya na silang takip ng unan sa mukha dahil sa takot. Si Vince at Red kanina na sobrang ingay ay biglang napatiklop. Si Jenny, Geya at Celeb naman ay patuloy lang sa pagkain habang ang lalaking katabi ko ay nakatulog nanaman.
Nabahala ako nang mapansin ang paghinga ni Noah. Masyadong mabilis na para bang laging may hinahabol na hininga. Madalas siyang ganyan tuwing matutulog at hindi ko na lang pinapansin. Pero kitang-kita ko sa mga mata niya kahit nakapikit na para bang lagi siyang nahihirapang huminga bago matulog.
Inabot kami ng hapon bago matapos sa mga movies na pinapanuod namin. Nag-aya sina Red ng boodle fight para sa maagang hapunan. Halos nanuod na lang kasi kami maghapon at hindi na napansin ang oras. Nagising na rin si Noah bago pa matapos ang movie at ending lang ang naabutan niya. Masyado kasi siyang antukin na laging tinatawanan nila Vince.
Bumaba na kami ng room at nag-ayos na para sa boodle fight. Kaming dalawa na ni Noah ang nagprisinta na mag-ihaw. Habang ang iba naman ay naghanap na ng dahon ng saging, nagluto ng iba pang kakainin at naghanap ng puno para kumuha ng mga buko.
Nang maisayos na ang lahat ay sabay-sabay na kaming nagdasal bago magsimulang kumain. Hirap kaming maubos ang mga nakahain sa harap namin dahil puro tawanan lang ang nangyayari. Mas mabubusog pa yata kami sa pagtawa kaysa sa pagkain.
Medyo matagal ang inabot ng pagkain namin at inabutan na kami ng dilim. Hindi na ako nababahala sa pagsapit ng dilim dahil nakatatlong full moon na ang lumipas. Iyon ang sabi ng matandang babae sa'kin. Mayroon lamang daw tatlong full moon ang darating.
Napagkasunduan naming lahat na maupo muna sa buhangin at panuorin ang malumanay na paghampas ng alon. Kumuha kami ng tig-iisang kahoy at bumuo ng bonfire bago namin ito palibutan. Naglabas si Red ng pitong bote at isa-isa kaming binigyan.
"Cheers?" saad ni Red at itinaas ang boteng hawak niya.
"Cheers!" sabay sabay naming tugon bago tumungga. Isa 'to sa pinakakomportableng senaryo sa buong buhay ko. Ang pagmasdan ang apoy sa gitna namin habang kani-kaniya sila ng mga kwento tungkol sa kanilang buhay.
Maya-maya pa ay may kinuha si Vince saglit sa room at bumalik itong may bitbit na gitara. Nang makabalik siya sa pwesto ay nagsimula itong tumugtog. Sumasayaw ang ulo namin habang kumakanta at sinasabayan din ang tugtog mula sa gitara.
Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko...
ay ikawNang matapos kumanta ay pinalakpakan namin ang sarili dahil sa tuwa bago pa magsalita si Jenny.
"Sana palagi tayong ganito 'no?" saad ni Jenny at napapansin kong medyo namumula na ito dahil sa iniinom niya. Ganun rin si Geya, Celeb at Noah. Nakakatatlong bote na kasi sila habang ako hirap na hirap ubusin 'tong isa.
"Pwede naman tayong paulit ulit na pumunta dito," sagot ni Vince sa kaniya sabay abot ng gitara kay Noah.
"Ikaw naman insan," sambit nito at kahit nag aalinlangan ay tinanggap ni Noah ang gitara. Tumingin ito sa akin bago siya magsimulang tumugtog at buong tapang ko namang sinalubong ang mga titig niya nang may halong sakit. Nagsimula kong marinig ang pilantik ng gitara at para bang may kung anung tumutusok sa puso nang lapatan niya ng napakakalma niyang boses.
She's always on my mind
from the time I wake up
'til I close my eyes
she is everywhere I go
she's all I knowHindi ko na muling mapigilan ang pagiging emosyonal. Sobrang sarap sa tainga ng boses ni Noah pero para akong unti-unting sinaksak dahil walang kasiguraduhan ang kapalaran naming dalawa. Hindi ko alam pero nang magpatuloy siya sa pagkanta ay kusa na lamang tumulo ang luha ko habang naririnig ang mala-anghel niyang boses.
Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knowsHindi ko na mapigilan ang sarili at agad akong tumayo upang yakapin si Noah at salubungin ito ng halik.
Na kahit man lang sa pagkakataon na 'to, masulit ko ang mga araw na kasama ko siya.
Na kahit man lang sa sandaling ito, hindi ko nilimitahan ang sarili kong mahagkan siya.
Na kahit man lang sa mga oras na ito, maiparamdam ko sa kanyang mahal na mahal ko siya.
Kahit alam kong bawal,
kahit alam kong hindi pwede.Featured Song:
Kundiman by Silent Sanctuary
Heaven Knows by Rick Price (Justin Vasquez Version)
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...