Mas nauna akong nagising kaysa kay Noah. Tinungo ko ang kwarto niya pero natutulog pa ito kaya nagluto muna ako ng almusal sa kusina. Wala naman kasi siyang sinabi kung anong oras darating ang mga tuturuan niya. Hindi ko tuloy alam kung anong oras ako maghahanda.Maya-maya pa ay narinig ko ang yabag ng mga paa ni Noah pababa ng hagdan.
"Good Morning," bati ko at tinanguan niya lang ako pabalik.
What a nice response.
"Anong oras pala darating 'yung mga bata?" tanong ko.
"I'll just take a shower and susunduin ko na sila after," he said and went to the bathroom.
Sinabihan ako ni Noah na tsaka na lang ihanda ang pagkain pagdating nila. Pero dahil nagutom ako, kumain muna ako ng kaunti habang naghihintay.
Mahigit kalahating oras bago sila makarating dito at narinig ko na ang doorbell sa labas. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang isang babaeng matangkad, maputi at may mahabang buhok na medyo kulot. Mga ilang segundo akong napahinto dahil sa ganda niya nang biglang may apat na bata ang ngmamadaling tumakbo papasok ng bahay.
"You are?" she asked while offering her hand.
Ang ganda niya talaga.
"Megan," si Noah na ang sumagot para sa'kin nang mapansin niyang ang tagal kong tumugon at natawa naman yung babae. Nagtungo kami sa sala upang ihanda na ni Noah ang gagamitin sa pagtuturo at dumiretso naman ako sa kusina para ihanda na ang mga pagkain.
"You didn't tell me you have girlfriend na pala ha"
"She's my maid, Jenny," sagot ni Noah sa babae. Siya pala yung pinsan na sinasabi niyang si Jenny.
"Okay, okay. If that's what you said so," sagot ni Jenny at nagsimula na itong tumayo.
"I'll be back na lang para sunduin yung mga bata mamaya," dagdag nito.
Tumango naman si Noah at lumabas na si Jenny ng bahay. Nagulat ako nang may isang batang babaeng yumakap sa paanan ko habang nagtatago sa isa niyang kalaro.
"Ate itago mo 'ko," natuwa naman ako at lumuhod tsaka ito hinarap.
"Ang cute mo naman, anong name mo?" tanong ko sa kanya. Kulot ang buhok nito at purong kulay itim. Bilugan ang mga mata at mataba ang pisngi.
"Den-den po," sagot nito at ngumiti kahit pa may isang ngipin na nawawala sa harapan.
"Kids let's start. Mamaya na kayo maglaro," tugon ni Noah at agad nagsitakbuhan na ang mga bata sa kanya. Tanaw na tanaw ko kung paano magbago ang itsura ni Noah kapag kaharap niya yung mga bata. Naniningkit ang mga mata nito tuwing ngingiti at kakamot sa tainga kapag natatawa.
And that simple gesture makes him more attractive.
Nang mapansin kong medyo matamlay na ang mga bata, agad akong nagtungo sa kanila dala-dala ang mga pagkaing niluto ko kanina.
"Hep hep hep, break muna," saad ko habang papalapit sa pwesto nila.
Kitang kita ko kung paano magningning ang mga mukha nila nang makita ang dala kong pagkain. Nakita ko namang napangiti si Noah at tumango bilang pagsang-ayon.
"Kuya Noah, is she your girlfriend?" nabilaukan ako sa sinabi nung batang lalaki. Medyo maputi at bagsak ang mga buhok nito at may katabaan.
"No, no, no. She's my Tita," sagot ni Noah habang natatawa.
"Ang kapal mo naman," bulong kong sagot at nagtawanan ang mga bata.
"Ate anong name mo?" tanong nila sa'kin.
"Megan. Call her Ate Megan," inunahan na ako ni Noah na makasagot. Hilig niya ba talagang sagutin ang pangalan ng iba kapag mag nagtatanong o sadyang mabagal lang ako.
Habang nagtuturo si Noah ay nakisali na rin ako sa mga bata. Inaassist ko sila sa mga pinapaguhit at pinapasulat ni Noah. Mahigit tatlong oras na ang lumipas at tinapos na ni Noah ang pagtuturo. Hanggang 5pm lang kasi sila kaya hihintayin na lang nila si Jenny na sunduin sila dito sa bahay.
Saktong alas-singko rin dapat ang uwi ng mga bata pero nagtext si Jenny kay Noah na matatagalan daw ito sa pagsundo dahil traffic. At dahil hindi sanay ang mga bata nang walang ginagawa naglabas sila ng brush at pangpaint tsaka sila nagsimulang magpinta. Binigyan naman nila ako ng isang brush at nakisali na rin sa kanila pero nagulat ako ng pahiran nila ako ng pintura sa mukha.
Agad silang nagsitakbuhan nang hindi namamalayang pati ang mga mukha nila ay puro pintura na rin. Hinabol ko sila at nahuli ko si Den-den habang buhat buhat ito bago ko pahiran sa mukha.
At dahil tinatawanan lang kami ni Noah, may binulong ako sa kanilang maitim na balak. At maya-maya pa ay nagsitakbuhan na sila kay Noah at sabay-sabay silang nagpahid ng pintura dito. Kitang-kita ko kung paano magulat ang itsura ni Noah sabay tingin ng masama sa'kin.
Nang mapansin kong papalapit na siya habang bitbit ang brush na may paint ay agad akong tumakbo sa bakuran. Pati ang mga bata ay sumunod na rin sa'kin habang hinahabol kami ni Noah pero agad kong naramdaman ang mga braso nitong pumulupot sa baywang ko sabay pahid ng pintura sa pisngi ko. Pinipilit kong kumawala pero yakap na yakap ito sa'kin kaya't punong puno na ng pintura ang mukha ko.
Nang makahanap ng pwersa ay agad akong humarap kay Noah para pahiran din siya sa pisngi pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magtama ang mga mata namin.
Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti
Sana ay masilipRamdam na ramdam ko ang hininga niya dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam.
Para bang hinihiling ng katawan ko na manatili sa mga bisig niya. Yung mga titig niyang walang kakurap kurap.
Hindi nakakasawa, pero nakakalunod.Wag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa'yoSa pangalawang pagkakataon kong mabuhay, muli nanamang tumibok ang puso ko hindi dahil sa senyales ng pag-ulan. Kundi dahil sa mga titig ng lalaking kaharap ko ngayon na dinadala hanggang sa kalawakan.
Gusto kong itigil ang pagtakbo ng oras.
Dahil sa wakas, nakita ko na ang dahilan para manatili ako sa mundong 'to.
Nakita ko na si Noah.
Featured Song:
Torete by Moonstar88
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...