Kasalukuyan kaming kumakain nang simulan ni Red ang usapan. Hindi talaga siya nauubusan ng kwento sa katawan. Ultimo maliit na bagay at walang katuturan nagagawa na yata niyang ikuwento kahit kanino."So, how's my cousin?" tanong ni Red kay Noah kasama ang tingin na animo'y may binabalak itong paaminin.
"Nag-iimprove na ba?" dagdag na tanong nito.
Nakaupo ako sa gitna ni Jenny at Geya, katabi ni Geya sa kabilang side yung boyfriend niyang si Celeb. At katabi naman ni Jenny sa kabilang side si Noah. Nakaharap samin 'yung dalawa niyang pinsan na si Red at Vince kaya kitang-kita kung paano mang-asar ang mga titig nila.
"What do you mean? Para sa batangas ba?" pabalik na tanong ni Noah.
"So kailan niyo balak? Day after tomorrow?" tanong ni Jenny na siya rin naman ang sumagot.
"Pwede rin, what do you think, Megan?" baling na tanong naman sa'kin ni Geya. Hindi naman pala ako naorient na pasahan lang pala kami ng mga tanong dito. Tumango ako nang tipid kay Geya. She's really nice like Jenny. Medyo mahinhin nga lang pero sobra namang friendly. It's easy to have conversation with her. Magaan lang talaga siya kausap.
"Ayos lang, para makapag-ayos muna ng mga gagamitin," I said, avoiding Noah's stares.
Bakit ba 'to nakatingin sa'kin?
"Good! Mamimili na kami ni Red mamaya ng mga pagkain at gagamitin natin," saad ni Vince habang umaakbay pa sa pinsan. Sa aming lahat, silang dalawa talaga ni Red ang pinaka-excited.
"Kaninong sasakyan nga pala gagamitin natin?" tanong ni Celeb na kanina pa tahimik at ngayon lang sumali sa usapan.
"kay Noah," sabay-sabay na sagot ni Vince, Red at Jenny. Natawa naman ako nang halos mabilaukan sa kanila si Noah.
"What?! Bakit 'yung sa'kin?!" sagot nito at uminom ng tubig.
"Bro, kaya nga kami nandito hindi lang para ayain kayo kun'di para tanungin kung pwede yung sasakyan mo," paglilinaw ni Red pero hindi naman naconvince si Noah.
"Ha? Anong tanungin? Yan na talaga gagamitin natin," dagdag ni Vince bago magpakawala ng tawa.
"Ay oo nga pala ba't hindi ko naisip 'yun," gatong ni Red at napailing na lang kaming lahat. Magpinsan nga talaga sila.
Napailing na lang si Noah dahil wala naman na siyang ibang choice kundi sumang-ayon na lang.
Mabilis sanang matatapos ang pagkain namin kung hindi lang maingay ang mga pinsan at kaibigan ni Noah. They have that full energy na hinding-hindi magsasawang dumaldal.
Sabay mamimili ng gamit at pagkain si Vince at Red gaya ng sinabi nila kanina. Si Geya naman kasama s'yempre ang boyfriend niyang si Celeb at si Jenny ay hindi na raw mamimili since nasa bahay naman na daw nila lahat. She will just take a rest at mag-iipon ng energy for our trip.
Nang makaalis na silang lahat ay nagsimula na 'kong ligpitin ang mga pinagkainan.
"So what's your plan? Kaya ba ng budget mo?" Noah asked while helping me clean the table.
"Siguro? P'wede bang bumali?" pabiro kong sagot. Matatapos na rin naman itong month na 'to kaya malapit na rin ang sahod ko.
"No need, libre ko na lang." sagot nito na agad kong tinanggihan.
"Yung iba naghihirap para makakuha ng pera tapos sasayangin mo lang sa panlilibre" sagot ko habang pinupunasan na ang mesa.
"So?" sagot nito.
"Ah sino so, so mo na 'ko?" angal ko sa kanya pero bigla itong napahinto.
What?
"I mean, maka-so ka naman. You sounds like a bitchy type of woman." pang-aasar ko sa kanya.
"Megan," mahinang tugon nito na parang may ipagtatapat sa akin.
"Sa totoo lang," he said, walking towards me.
Nang makalapit siya sa akin, hinawi niya ang buhok ko at tinignan ako ng diretso sa mata. Lumapit ang mga bibig nito sa tainga ko at bumulong sa'kin.
I felt a beat inside my chest.
He moves closer at huminga nang malalim bago magsalita.
"I'm gay," saad niya at agad ko itong sinalubong ng malakas na hampas sa braso.
"Alam mo bwisit ka!"
Kabadong-kabado ako kanina tapos ayon lang naman pala sasabihin niya.
Well, wala naman akong dapat iexpect in the first place.
"Pero what if I'm gay, would you still love me?" he said and made a poker face.
"Yes, of course! I love gay boyfriend kaya!" sagot pero natawa namaman siya nang malakas at napahawak pa sa tiyan niya.
"Megan, as a bestfriend! I'm asking as a bestfriend!" sagot nito habang natatawa pa. Manang-mana talaga sa mga pinsan. Ang sarap niyang ibuhol kina Vince at Red.
"Okay, sabi ko nga. Why? Are you gay?" I asked pointing to him.
"No. I'm just trying to tease you," he said defensively.
"Tss. Maliligo na 'ko," wala na 'kong ibang naitugon dahil ayoko nang makipagtalo at mauubos lang ang oras ko.
"Good. Kanina ka pa tinatawag ng banyo," tugon nito at inirapan ko lang siya saka padabog na sinara ang pinto ng CR.
"Bilisan mo may pupuntahan tayo baka mag ritwal ka nanaman diyan," pahabol na sigaw nito.
"Oo! Gusto mo kulamin kita?" sigaw ko mula sa loob ng banyo at rinig na rinig ang pagtawa niyang nakaka-offend.
Bandang hapon ay napagdesisyunan naming bumili ng gamit at pagkain dahil stay-in kami sa Batangas. Paubos na rin ang pagkain na nakastock kaya hindi na kami nagdalawang isip bumili. Ginamit namin yung sasakyan niya papuntang mall.
"Saan tayo unang pupunta?" tanong nito habang kasalukuyan kaming naghahanap kung saan pwedeng magpark ng sasakyan.
"Pwedeng sa National Book Store muna? May isang book lang akong bibilhin para may babasahin din ako sa biyahe," I asked and he just nodded.
Dumaan muna kami sa National Book Store at nakahanap na ako ng isang libro na mababasa. Sabi ni Noah hihintayin niya na lang daw ako sa tapat ng NBS kapag nakabili na 'ko pero natawa ako no'ng nakita ko siya sa counter na may bitbit na tatlong libro. Bookworm talaga. I'm glad that we have the same hobby, reading. Escaping reality.
Dinukot ko ang phone ko na binigay ni Noah last month at sinimulan ko siyang kuhanan ng litrato. Ang haba kasi ng pila tapos puro babae pa, siya lang yung kaisa-isang lalaki sa mga nakapila, nasa harap pa.
Nagulat ako nang tumingin ito sa camera at nagtatakang tumingin sa'kin. Tinago ko na ang phone at lumapit sa kanya.
"Pasabay ako, isa lang 'to," sabi ko pero inirapan niya lang ako.
"Ayoko. Pumila ka," sagot nito sa'kin.
"Ang damot mo talaga kahit kailan," tugon ko tsaka nagsimulang maglakad sa dulo pero agad niya 'kong tinawag.
"Akin na nga. Pasalamat ka gentleman ako," sagot nito tsaka kinuha yung book na hawak ko. Natawa naman ako kasi naririnig ng mga babae 'yung sinasabi ni Noah. Gentleman pero siya 'yung nangunguna tapos puro babae sa likod.
Nice, Gentleman.
![](https://img.wattpad.com/cover/218419852-288-k26596.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...