Tahimik akong bumalik sa room ni Noah nang patuloy na bumabagabag sa isip ko ang sinabi ni Manang Tanya kanina.Pagpasok ko ay nakita kong nakabalik na sila Red at may dala-dala itong mga gamit.
"Kanina pa kayo?" pambungad na tanong ko nang mapansing hindi yata nila nakita 'yung pagdating ko.
Nanunuod kasi sila sa laptop at medyo napatagal naman ako sa comfort room kakaisip sa sinabi ni Manang Tanya kanina bago ito mawala sa paningin.
"Oh Megan, nandiyan ka na pala!" bati sa'kin ni Geya at napatingin na rin silang lahat. Nanunuod kasi sila ngayon ng horror film kaya't tutok na tutok ang mga ulupong. Nakisali na lang ako at umupo sa extrang espasyo sa tabi ni Jenny.
"Okay ka lang?" tanong nito nang mapansing medyo iba ang pagkilos ko. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.
Hapon na ngayon at nagdesisyon muna akong umuwi para ikuha ng mga gamit si Noah. Dumaan muna ako sa drug store para bilhin 'yung mga gamot na nireseta sa kanya ng doktor. Ako na ang nagprisinta na bumili dahil alam kong magtutungo rin 'yung mga 'yon sa bahay nila.
Si Jenny ang naiwan sa hospital na magbabantay kay Noah. Kailangan daw kasing umuwi nila Vince at Red sa mga bahay nila, gano'n din sila Celeb at Geya. Hindi na ako sumabay sa kanila sa pag-uwi dahil iba 'yung way ng bahay nila sa bahay ni Noah.
Magcocommute na sana ako nang mapansing naiwan ko pala 'yung phone ko sa hospital. Lakad-takbo akong nagtungo pabalik doon dahil malapit lang naman ito sa drug store. Malapit na ako sa room ni Noah ngunit napahinto ako nang mapansin si Jenny sa tapat ng room nito habang kausap 'yung doktor. Nakayuko ito at pansin ko ang tahimik niyang paghikbi. Malumanay na tinapik ng doktor ang balikat ni Jenny bago ito mamaalam at agad naman akong nagtago nang umalis na ito.
Hindi na ako tumuloy pa para kuhanin 'yung phone ko dahil bigla akong nanghina dahil sa nakita ko. I tried my self not to think about things pero hindi ko maiwasan. Nagpipigil ako ng luha hanggang sa pagcommute at pagkauwi ko sa bahay ni Noah.
Nang makauwi ay agad kong isinara ang pinto at doon na ako tuluyang bumigay. Hindi ko alam kung anong nangyari sa usapan nila pero alam kong hindi 'yon maganda.
Huwag muna please
Kahit ngayon lang
Walang kahit anong lumalabas sa bibig ko. Wala akong ibang hinihiling kundi sana wala nang sakit pa sa pangalawang buhay ko. Kahit ngayon man lang maranasan ko 'yung tuloy-tuloy na saya. 'Yung walang kahit anong iniinda o kahit anong problema.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad akong nagtungo sa kwarto ni Noah para kumuha na ng mga gamit niya na dadalhin sa hospital.
Nang maihanda ko na lahat ng gamit ay nahagip ng mata ko 'yung letter ko na naka-ipit sa pinakailalim ng study table. Ito 'yung letter na sinulat ko para kay Noah habang natutulog siya bago kami magpunta sa Batangas.
Kinuha ko 'yung letter at saglit na umupo nang mapansing hindi pa pala 'yun tapos. Huminga muna ako nang malalim bago ko ipagpatuloy 'yung pagsulat.
Sabado. Kahit pa tirik na tirik ang araw ay naglakad ako papuntang hospital para bisitahin si Noah. Magdadalawang linggo na siyang nakaconfine and until now, I still don't know what's his illness. Tumawag ako kay Jenny at sinabing papunta na ako para makasunod na siya. Hindi kasi namin nabantayan si Noah for five days dahil panandaliang pinagbawalan ng doktor na bisitahin siya. Limang araw lang 'yun pero sobra na akong nababagot sa bahay at hinahanap-hanap ang presensya ni Noah.
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...