Simula

96.7K 2.1K 923
                                    

Simula
***

"Fred, ano bang naiwan mo sa condo mo?" Tanong ko Kay Fred habang hinahatak nya ako.

Nginitian ako ni Fred. "Basta." Sagot nya at pinag salikop ang mga kamay namin.

Napangiti ako habang tinitignan ang gwapong mukha ni Fred. Siguro Mali ako. Hindi naman lahat ng lalaki ay pare pareho. Iba si Fred.


"Hintayin nalang Kita dito." Sabi ko Kay Fred nang nasa harap na kami ng condo nya.


Napakunot ang nuo ni Fred pero ngumiti din. "Wag ka ng mahiya." Sabi nya at hinatak ako papasok ng condo nya.

"F-fred." Pigil ko sakanya pero nahatak na nya ako papasok. Nilibot ko ang paningin ko sa condo nya at nanginig ako sa takot ng may maalala ako.




Malakas ang ulan nun at naka uniform na akong nag hihintay na tumila ang ulan dahil akala ko may pasok.

Hindi ko Alam na suspendido na ang klase dahil tinext ako ng Isa sa mga lalaki Kong classmate na may pasok kahit umuulan.


Nasa gate na ako ng school at nag hihintay dun ang classmate ko na nag text sakin. Sabay kaming nag lalakad at nagtataka Kung bakit walang mga studyante sa ibang room. Ang Sabi nya lang ay maaga pa.



Nang nasa tapat na kami ng classroom namin, pinag buksan nya ako ng pinto at mag tatanong Sana ako Kung bakit ang mga barkada nya lang ang nasa loob ng itulak na nya ako papasok at mabilis syang pumasok at nilock ang pinto.


Nanginig ako sa takot ng pumasok sa isip ko ang maaari nilang gawin. Mas nanginig ako sa takot ng mag lakad papunta sakin ang mga barkada nya.

Tatakbo Sana ako palayo ng hawakan nila ang mag kabila Kong kamay at dinikit ako sa pader.


Ginawa ko ang magagawa ko lang ng mga panahon na Yun. Sumigaw ako ng tulong at agad na tumulo ang mga Luha ko ng agad nilang takpan ang bibig ko.


Masaganang tumulo ang mga Luha ko at pumikit nalang dahil Wala na akong magagawa pero ng marinig ko ang boses ni Mrs. Santos at namalayan ko nalang na umiiyak ako habang yakap ni Mrs. Santos ay nag papasalamat ako na Hindi na tuloy ang Plano nila.





Napailing nalang ako at winala Yun sa isip ko. Napahinga nalang ako ng malalim at nilibot ulit ang tingin sa condo ni Fred.

Unang beses Kong makapasok dito dahil sa labas lang ako lagi.


"Nasa kwarto ko Yung naiwan ko. Samahan mo ko." Sabi ni Fred at hinahatak ako papunta sa kwarto nya pero Hindi ko sya hinahayaan.


Napuno ng takot ang puso ko. "Fred, uuwi nalang ako." Natatakot Kong Sabi at pilit na binabawi ang kamay ko.


Masama nya akong tinignan. "Samahan mo Sabi ako!" Sigaw nya sakin at malakas akong hinatak papasok ng kwarto nya.


Mas napuno ako ng takot ng itulak nya ako sa Kama at agad na kinubabawan. Pilit ko syang tinutulak pero hinuli nya ang dalawa Kong kamay at diniin sa kama.



"Ilang months na tayo pero Hindi mo parin ako hinahayaang hawakan ka at halikan ka." Madiin nyang Sabi at nginisian ako.


Bumaba ang tingin nya sa dibdib ko at akmang hahawakan ng agad Kong sinipa ang pagkalalaki nya. Namilipit sya sa sakit Kaya agad akong bumangon at inabot ang picture frame ko sa bedside table nya at malakas na hinampas sa ulo nya.

Agad akong kumaripas ng takbo palabas ng condo nya at mabilis na pumasok ng elevator.


Hinahabol ko ang hininga ko sa takbo na ginawa ko at agad na kinuha ang cellphone ko ng tumunog Yun.


My Hot Gay Boss [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon