Chapter 21
***Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang nasa byahe kami. Bumalik lahat ng nangyari sakin nung Bata pa ako.
Pinangako samin ni papa na poprotekrahan nya kami ni mama. Mabuting ama si papa sakin at pilit nyang binibigay ang pangangaylangan at gusto namin ni mama.
Tinuturing nya akong parang tunay na prinsesa. Prinsesa nya.
Hanggang sa lumipat sa lugar namin si Jesa. Mabait at maganda si ate Jesa. Sya ang pinaka maganda sa lugar namin at madaming nanliligaw sakanya.
Hindi ko akalain na kasama si papa dun.
Ilang beses ko silang nahuli pero nag bulag bulagan ako dahil Alam Kong Hindi kami sasaktan ni papa.
Pero Hindi ko Alam na ang unang lalaking mananakit sakin ay si papa.
Nagising nalang ako isang araw na Wala na si papa at kasabay din nun ang pagkawala ni ate Jesa.
Kita ko ang sakit Kay mama Lalo na ng naging usap usapan kami sa lugar namin.
Napilitan kaming umalis ni mama at araw araw nakikita ko na pinipilit ni mama na maging matatag.
Hanggang sa makilala ni mama si papi sa pagiging tindera nya. Tutol ako nung una dahil baka saktan nya lang din kami pero nakikita ko na nagiging masaya si mama pag kasama si papi.
Pumayag din ako sa huli na maging sila ni mama pero Hindi ko pinag katiwalaan si papi kahit na sinusuyo nya ako.
Nawalan ako ng tiwala sa mga lalaki sa murang edad at natatakot ako na saktan ni papi si mama. Bakla sya at baka iwan nya si mama para sa lalaki.
hanggang sa unti unti ko ng Makita na iba si papi. bakla sya pero handa syang magpakalalaki para samin ni mama para protektahan kami.
"Wife, you okay?" Tanong ni Terron at mahinang pinisil ang kamay ko na magkasalikop sakanya.
Nilingon nya ako pero binalik ulit ang tingin sa daan. Maliit akong napangiti dahil sa ayos namin. Kinikilig parin ako pag naiisip ko na mag asawa na kami.
Lalo't na sobrang gwapo ni Terron sa black shirt nya. Bakit nga ba nya ako mahal?
Kasi ako si Solidad Dela fuente! Proud Kong Sagot sa sarili.
"Terron, gusto Kong umupo sa kandungan mo." Sabi ko sakanya at tatanggalin Sana ang seatbelt ko.
"No, honey butter. I'm driving." Pigil agad ni Terron at Hinawakan ang kamay kong tatanggalin Sana ang seatbelt.
Napanguso ako. "Please?" Sabi ko sakanya.
Nilingon ulit ako ni Terron at binalik ang tingin sa daan at dahan dahan na pinarada sa gilid.
"Pwede naman kahit nag mamaneho ka." Nakanguso Kong Sabi sakanya at tinanggal ang seatbelt.
Umiling si Terron at binuhat na ako paupo sa kandungan nya. "No, wife. Not safe." Sabi ni Terron at binaon ang mukha sa leeg ko.
"Why? Gusto ba mag palambing ng honey butter ko?" Tanong ni Terron habang inaamoy ang leeg ko at nakikiliti ako.
"Terron." Saway ko sakanya. "Parang ikaw ang buntis." Nakasimangot Kong Sabi sakanya.
Gusto nya lagi na inaamoy ako dahil ang bango daw Kasi ng natural Kong amoy.
Nakangising tinignan ako ni Terron pero ang mukha ay nasa leeg ko parin. "Yeah. Baka nga nabuntis mo ko dahil sa ginawa natin kahapon." Nakangisi nyang asar sakin.
BINABASA MO ANG
My Hot Gay Boss [COMPLETE]
General FictionWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #6: My Hot Gay Boss A man hater is being stuck with her Hot Greek god like Gay Boss that have lots of lover. Comfortable working as a secretary in the company with only women employee.. and her boss is by heart a...