Chapter 20

55.3K 1.3K 131
                                    

Chapter 20
***

Tumayo na ako at inabot Kay Terron ang marriage certificate namin na pinermahan ko. Madiin akong tinignan ni Terron bago inabot ang papel.

Tinignan nya ang certificate at nag tagal ang tingin nya sa pirma ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko ng may dumaan na kasiyahan sa mga Mata nya.

Agad nya akong nilapitan at hinapit sa bewang. Dinampi nya ang labi nya sa labi ko at hinawakan ako sa pisngi at mas diniinan ang halik.

Napapikit ako ng igalaw na nya ang labi nya sa labi ko at ginantihan ang halik nya.

Mas hinapit ako ni Terron sakanya at naging mapusok ang halikan namin.

Dumadaloy na ang kiliti sa katawan ko at nag init ang pisngi ko. Kung gagawin namin Yun, Yun ang unang beses na gagawin namin Yun bilang mag asawa.

Dahil sa halikan namin, Hindi namin napansin na may dumating na speed boat.

"Oh yeah! You may kiss the Bride." Biglang Sabi ni Hiro Kaya mabilis kaming nag hiwalay ni Terron.

Naabutan namin si Hiro na masayang nakatingin samin at nasa loob na ng yacht.

Namula ang pisngi ko ng maisip na naabutan nya kami ni Terron na nag hahalikan.

"Bakit Hindi ka nag Sabi na nandito ka na pala?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Terron at sumilip sa labas ng yacht.

"Bakit speed boat ang gamit mo?" Galit na tanong ni Terron.

Napakunot ang nuo ko. Ano bang meron? Dapat ba magarbong yacht din?

Malakas na tumawa si Hiro Kaya mas naging singkit ang mga mata nya. "Terron, Hindi naman lilipadin ang marriage certificate nyo Gaya ng sa mga cartoon at aalunin." Natatawang Sabi ni Hiro at pinunasan ang gilid Ng Mata.

"Wag Kang mag alala, dala ko naman ang attache case ko at sigurado akong makakakuha ka naman ulit ng pirma Kay Sol." Seryoso ng Sabi ni hiro at nginitian ako.

Napaangat ako ng tingin Kay Terron. Natatakot syang may masamang mangyari sa marriage certificate namin?

Nag baba ng tingin si Terron sakin at Hinawakan ako sa bewang bago inabot na Kay Hiro ang marriage certificate namin.

Inabot na Yun ni Hiro at pinasadahan ng tingin. Nakangiting inayos ni Hiro ang unting gusot. "Baka Hindi tanggapin." Nang aasar nyang Sabi Kay Terron.

Nang aasar lang naman si Hiro pero nakikita ko ang pagkabahala ni Terron.

"Kidding. I'll go now. Ipapasa ko pa to sa munisipyo." Paalam ni Hiro at nilagay na ang certificate sa attache case nya.

Kinawayan muna kami ni Hiro bago lumabas na ng yacht at lumipat sa speed boat nya.

Nag angat ako ng tingin Kay Terron na binantayan ng tingin si Hiro na papalayo.

Tinignan ako ni Terron ng mawala na sa paningin namin si Hiro. Ano ng gagawin namin?

Namula ang pisngi ko ng bumaba ang tingin nya sa labi ko. "What do you want for lunch?" Tanong nya Kaya nawala ang Kung ano anong iniisip ko.

Naramdaman ko ang gutom. Gutom na kami ni baby.

Nag isip ako ng gusto naming kainin ni baby ngayon. Unang araw namin bilang mag asawa Kaya dapat engrande.

"Steak." Sagot ko sakanya.

Tumango si Terron at Hinawakan ako sa bewang at inalalayan ng maglakad papunta sa kusina ng magarbo nyang yacht.

My Hot Gay Boss [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon