Chapter 4
***Mahina akong umuungol habang ginagantihan ang halik ni Terron. Nakahawak sya sa pisngi ko habang ang isang braso nya ay nakahapit sa bewang ko.
Madiin na gumagalaw ang malalambot na labi ni Terron sa labi ko.
Napakunot nuo ako at pilit na lumayo sa halik nya pero mas diniinan nya pa ang halikan namin.
Bakit nya 'to ginagawa? Akala ko ba bakla? Nagpapanggap lang talaga sya?
H-hindi. Baka Hindi naman talaga sya gay. Baka Bi sya at pwede paring magka gusto sa babae?
Edi gusto nya ako? I-imposible! Baka Hindi pa sya nakakahawak ng babae dati at nag ta-try lang ng bagong flavor.
Hinihingal kaming napahiwalay ni terron sa halikan at napaangat ako ng tingin sakanya. "B-bakit mo ginagawa 'to?" Naguguluhang tanong ko sakanya.
Natigilan sya at napaiwas ng tingin. "W-well your lips is so soft. I want to try some new things." Hindi makatingin nyang Sabi sakin.
In short, bagong flavor! Tama nga ako! Pero bakit parang kumikirot ang puso ko?
God! Solidad! It's not like you like him! Gusto mo lang ding mag try ng mga bagong bagay k-kagaya ng kagabi.
Baka ilibing kang Wala mang first kiss.
Napapikit pikit nalang ako sa masakit na sinabi ng utak ko pero Tama sya.. parehas lang kaming nag lalakbay.
Mabilis Kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog Yun at alarm pala Yun na mag sisimula na ang meeting.
"We should go now, boss-- hmn!"
Mukhang napaaga ang pasok namin sa meeting room dahil nag aayos palang ang unang team ng developers.
Agad silang napatalon ng Makita si Terron.
"S-sir?!" Natataranta nilang tawag at halatang natatakot.
"It's okay." Aniya sa mga developer at hinarap ako. "Bumalik nalang Tayo pag nakapag set up na sila." Sabi nya sakin at agad akong tumango.
"Okay boss." Sabi ko Kaya napangisi sya.
Agad akong natigilan. Hindi! Baka mamaga na labi ko dahil sakanya!
"No, Sir." Seryoso Kong Sabi Kaya kinunotan nya ako ng nuo. "Ang Sabi ay mag uumpisa ang meeting ng gantong Oras." Sabi ko sakanya at matalim na tinignan ang mga developers na agad na nag iwas ng tingin. "At Hindi pa sila nakaayos." Sabi ko Kaya nanginig sila sa takot.
"It's okay, Ms. Dela fuente. Bumalik nalang Tayo." Nakangiting Sabi ni Terron Kaya matalim ko din syang tinignan at natatakot din syang napaiwas ng tingin.
Umupo na kami ni Terron sa pwesto namin. Sya sa gitna habang ako ay nasa gilid nya.
Inaayos ko ang notebook ko para mag sulat ng notes nang mahina syang bumulong.
"They're not looking." Bulong nya Kaya agad na namula ang pisngi ko.
Malakas ko syang binatukan. "Boss, our deal is off pag may mga tao sa paligid natin." Sabi ko sakanya Kaya nakanguso sya sa buong presentation.
Nag susulat ako ng mga importanteng bagay habang nakikinig sa nag pe-present.
May bagong game Kasi na ilalabas ang Olympus at ngayon ipe-present ang mga hero at si Mr. Toretto ang pipili kaya sinusulat ko ang mga importante at magandang bagay para tulungan sya sa pag pili ng mga hero.
"Ang skills ng hero na ito ay may kakaibang sound effects." Sabi ng presenter at tinanguan ang bahala sa projector.
Parehas silang napakunot nuo ng Hindi tumunog. Mukhang may problema.
BINABASA MO ANG
My Hot Gay Boss [COMPLETE]
General FictionWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #6: My Hot Gay Boss A man hater is being stuck with her Hot Greek god like Gay Boss that have lots of lover. Comfortable working as a secretary in the company with only women employee.. and her boss is by heart a...