Chapter 17
***Nagising ako ng parang nakalutang ako sa ere. Dinilat ko ang mga Mata ko at nakasalubong ko agad ang madiin na tingin ni Terron.
"Terron." Tawag ko agad sakanya. Gusto Kong tanungin Kung saan sya galing pero may lamig sa mga Mata nya.
"Bakit dito ka sa sofa natulog?" Malamig nyang tanong.
Parang may tumusok sa puso ko sa malamig nyang boses. Galit sya sakin. "Hinihintay Kita." Mahina Kong Sagot sakanya.
Madiin nya akong tinignan. "Nakipag inuman ako kila Hiro." Malamig nya paring Sabi.
Tumango ako at naamoy nga ang alak sakanya. Nasaktan ko ba talaga sya ng sobra? Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko sinasadya.
"Have you eaten yet?" Tanong nya at naglakad na habang parang bagong kasal akong buhat.
Tumango ako. "Sabay kaming kumain ni Lola Aurora at sasamahan sana akong mag hintay sayo pero kaylangan din sya sakanila." Mahina Kong Sabi sakanya.
Hindi sya sumagot at madiin lang akong tinignan. Naglakad nalang sya pataas sa hagdan imbes na papunta sa kusina.
Walang nag sasalita samin habang naglalakad sya papuntang kwarto at habang mahigpit akong nakakapit sakanya.
Binuksan nya ang pinto at naglakad sya papunta sa Kama. Maingat nya akong hiniga at kinumutan.
"I'm sorry, Terron." Hingi ko ng tawad sakanya. Nag angat sya ng tingin sakin at madiin akong tinignan.
"H-hindi ko sinasadya. Nagalit lang ako." Sabi ko sakanya at nangilid ulit ang mga Luha.
Nag selos din ako.
Hindi nag salita si Terron at hinalikan lang ako sa nuo. Inayos nya ulit ang kumot ko. "Sleep. I'll just take a shower." Aniya bago tumayo na at pumasok sa bathroom.
Parang may tumusok ulit sa puso ko at pinunasan nalang ang nangingilid Kong mga Luha.
Hinintay ko na matapos si Terron at nakailang punas din ako sa mga Luha ko.
"Galit si daddy, baby." Malungkot Kong Sabi sa baby namin habang hinihimas ang tyan ko.
Pinunasan ko ulit ang nangingilid Kong mga Luha at maya Maya lang, lumabas na si Terron ng bathroom na nag pupunas ng buhok habang naka boxer lang.
Agad na nag Tama ang mga Mata namin pero agad din akong tumagilid ng higa, patalikod sa pwesto nya.
Kaylangan ko ng matulog. Lagpas na ng Oras ng tulog ko at baka mas lalong magalit si Terron.
Naramdaman Kong sumampa na din si Terron sa Kama at nararamdaman ko ang tingin nya sa likod ko.
Hinatak ko ang kumot ko pataas pa hanggang sa balikat ko at hinintay na hatakin ng antok.
Tahimik lang si Terron. Pinupunasan siguro ang buhok.
Agad akong pumikit ng lumubog ang Kama sa likod ko dahil sa kamay ni Terron na tinukod sa likod ko.
"Patayin ko ang ilaw?" Tanong ni Terron at nararamdaman ko ang madiin nyang tingin sa mukha ko.
Pinigilan kong dumilat dahil baka magalit sya na Hindi pa ako tulog. Dahan dahan lang akong tumango para isipin nyang hinahatak na ako ng antok.
Pinatay na nga ni Terron ang ilaw sa tabi ko at naramdaman ko ang tingin nya muna sakin bago dahan dahan ng humiga sa tabi ko.
Dinilat ko ang mga Mata ko at nalungkot. Baka Hindi ako makatulog kasi sanay na akong matulog na kayakap ni Terron.
BINABASA MO ANG
My Hot Gay Boss [COMPLETE]
General FictionWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #6: My Hot Gay Boss A man hater is being stuck with her Hot Greek god like Gay Boss that have lots of lover. Comfortable working as a secretary in the company with only women employee.. and her boss is by heart a...