Chapter 1
***Isa lang ang masasabi ko simula ng mag simula akong mag trabaho bilang secretary ni Mr. Toretto, Sobrang hirap!
Akala ko madali lang ang pagiging sekretarya dahil ikaw lang ang bahala sa mga papeles at tutulungan mo lang ang CEO pero Hindi!
Dahil gaming company ang pinag tatrabauhan ko, at least dapat may Alam ako na kahit unti tungkol sa gaming para pag meeting may maintindahan ako at mas matulungan si Mr. Toretto.
Pag natapos ko na ang mga trabaho ko at may free time ako, nag babasa ako tungkol sa gaming hanggang sa may paunti unti na akong natututunan.
"Good work! Good work!" Masayang bati ng mga development team sa isa't isa.
Sobrang saya ko kahit na Wala naman akong gaanong natulong. Kakatapos lang na magawa ang ilang buwan na pinag hirapan namin na MOBA game.
Ito ang unang laro na nagawa ng Olympus na kasama ako.
Enchanted Forest, a multiplayer online battle arena. Sa unahan ng game, Kayo ang gagawa ng sarili nyong character. Mula sa suot hanggang sa mahika o armas na gusto nyo.
Inspired to sa mga Greek gods at Kayo ang pipili ng dalawang god na gusto nyong paghaluin ang mga mahika.
Gaya ng pangalan ng laro, sa forest ang ganapan. Ang king ng underworld ang kalaban nyo, Hades.
Sa Enchanted Forest, kakalabanin nyo ang mga Titan na tauhan ni Hades. Sa bawat halimaw na mapapatay nyo, may makukuha kayong armas o di Kaya battle points.
Sa laro, pwede kayong mag chat at makipag kaibigan. Pwede ka ding makipag Laban kasama ang mga kaibigan mo.
Alam Kong magiging sikat ang laro na to Kaya sobrang saya ko na kahit papano kasama ako sa pag gawa nito.
"Good work, Sol." Bati sakin ni Jia na Isa sa mga developer kahit na unti lang ang natulong ko.
Namula ang pisngi ko at nag bow sakanya. "G-good work!" Masaya Kong bati sakanya at napangiti ako ng batiin ako ng iba pang mga babaeng developer.
Nag angat ako ng tingin Kay Mr. Toretto at nginitian ko sya ng nakatingin pala sya sakin. "Good work, Mr. Toretto." Bati ko sakanya Kaya napangiti sya.
S-sobrang gwapo nya!
"Good work, Sol." Parehas kaming napalingon ni Mr. Toretto sa bumati nun sakin at natigilan ako ng si Jonathan Yun at sa likod nya si David at parehas silang nakangiti sakin.
Natigilan ako at napuno ng takot. Mukha naman silang mabait pero naiisip ko sakanila ang mga lalaki Kong classmate na Pinag tangkahan ako.. actually, ganun ang naiisip ko sa lahat ng lalaking nakikipag kaibigan sakin sa kumpanya.
"Good work, everyone! Why don't we celebrate outside? My treat!" Biglang Sabi ni Mr. Toretto Kaya nag hiyawan ang lahat kasama sila Jonathan at David.
Isa Isa ng masayang nag labasan ang lahat habang nasa tabi lang ako ni Mr. Toretto dahil Hindi pa din sya lumalabas. pinapauna muna ang mga empleyado.
Nang kami nalang ni Mr. Toretto, nakahinga ako ng maluwag. Minsan Hindi ako makahinga ng maluwag pag may kasamang mga kalahi ni Adan.
"Are you coming?" Tanong ni Mr. Toretto Kaya napaangat ako ng tingin sakanya.
Sobrang gwapo nya talaga. Berde na may halong ng unting dilaw ang kulay ng mga Mata nya. Makapal at maganda ang mga kilay nya, sobrang tangos ng ilong nya, ang mapupula nyang labi at ang itim nyang buhok na kulot.
Syempre, ang sobra nya ding ganda na katawan na Hindi mo aakalain na bakla sya.
"Solidad." Tawag nya sakin Kaya namula ang pisngi ko at mabilis na umiling.
BINABASA MO ANG
My Hot Gay Boss [COMPLETE]
General FictionWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #6: My Hot Gay Boss A man hater is being stuck with her Hot Greek god like Gay Boss that have lots of lover. Comfortable working as a secretary in the company with only women employee.. and her boss is by heart a...