Chapter 18

46.3K 1.2K 97
                                    

Chapter 18
***

Pinanuod ko si Terron na mag lagay ng mga damit nya sa leather duffle bag nya habang nangingilid ang mga Luha ko.

Galit sya. Iiwan nya ako. Gusto ko syang pigilan pero parang inugat ang katawan ko at walang boses ang lumalabas sa bibig ko.

Sinarado na nya ang bag nya at tinignan ako. Wala paring emosyon ang mukha nya. Naglakad sya palapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Aalis na ako." Malamig nyang sabi sakin Kaya parang may sumaksak sa puso ko.

"Stay here. May nakuha na akong driver at pwedeng mag alaga sayo kung lalabas ka. Ibibigay ko lahat ng gusto mo kahit Wala ako." Aniya habang tinutusok ang puso ko.

May ilang segundong katahimikan ang namayani samin bago nya basagin. "Gusto Kong pag isipan mo muna tayo.. kami ni baby at ako na kasama Kayo." Aniya habang may sakit at pagkasabik akong nababasa sa mga Mata nya.

"At pag napag isipan mo na kasama ako, mag papakasal tayo." Aniya at tumibok ng mabilis ang puso ko.

Madiin nya muna akong tinignan bago tumayo na. Kinuha na nya ang duffle bag nya at lumabas na ng kwarto ng Hindi ako tinitignan.

Parang pinira-piraso ang puso ko. Gusto ko syang pigilan pero madami ng gulo sa gitna namin at Hindi ko Alam Kung saan mag sisimula.

Nangingilid ang mga Luha na sinundan ko sya at nag nasa hagdan na ako, ang papalabas nalang nya na ng mansion na bulto ang nakita ko.

Tumulo na ng tuluyan ang mga Luha ko at dahan dahan na napaupo. Kasalanan ko 'to.

I'm sorry baby na umalis si daddy. Umiiyak Kong Sabi sa baby namin.

"Solidad." Tawag ni Lola Aurora sakin at agad akong dinaluhan. Niyakap nya ako na mas nagpahikbi sakin at kinuwento ko sakanya ang lahat ng nangyari.

Hinihimas ni Lola Aurora ang likod ko para tahanin ako ng matapos kong makwento sakanya ang lahat.

"Solidad, parehas nyong nasaktan ang isa't isa. Nag sinungaling sya at may Masama ka namang nasabi. Nag kulang din Kayo sa maayos na pag uusap." Sabi ni Lola Aurora habang hinihimas ang likod ko.

Tama sya. Hindi man lang namin napag usapan ang tungkol sa pag papanggap nya at na napatawad ko na sya.

Biglang lumabas din si baby Kaya baka iniisip nya din na Hindi ko gusto ang baby namin.

"Kaylangan nyo muna ng Oras para mag isip isip at makapag pahinga." Sabi ni Lola Aurora at parang kumirot ang puso ko.

"P-paano po pag Hindi na nya ako Mahal dahil dun? Hindi ko rin po nasabi at naparamdam sakanya na Mahal ko sya. B-baka iniisip nya na Hindi ko sya Mahal na Kaya Kong ipaako sa iba ang baby namin." Humihikbi Kong Sabi Kay Lola Aurora.

Maliit na napangiti si Lola Aurora at niyakap ako. "Mahal na Mahal ka nun. Sya pa nga ang umalis para dito ka lang."





Lumipas ang ilang araw na Wala si Terron sa mansion pati narin sa kumpanya. Ilang araw na ding laging Masama ang pakiramdam ko.

Morning sickness buong araw at iiyak nalang para makatulog sa Gabi.

Sa posisyon ko, dapat lang na Hindi ako malungkot at ma stress. Lahat ng galaw ko ay may nakaalalay sakin at lahat ng gusto ko binibigay kahit na Wala si Terron.

Kung Sino man ang nasa posisyon ko, buntis man o Hindi ay Hindi malulungkot.

Tumatawag si Terron pero saktong tulog ako at si Lola Aurora lang ang nakakasagot na mas nag papaiyak sakin sa Gabi.

My Hot Gay Boss [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon