Chapter 10

58.6K 1.3K 431
                                    

Chapter 10
***

Napapailing nalang ako habang inaalalayan si papi na dalhin sa magiging kwarto nila ni mama dito sa condo ko.

Nakaangkla ang isang braso ni papi sa balikat ni Terron habang inaalalayan si papi na maglakad.

Ang plano ni papi na lasingin si Terron ay sya din ang nalasing. Sya din ang nag enjoy sa mga macho dancer.

"Hindi ako lasing. Sinong lasing?" Tanong ni papi sa panlalaki nyang boses at humarap Kay Terron na nakaalalay sakanya.

"Ayy pogi! Sayaw tayo." Tili ni papi at nanlaki ang mga Mata ko ng sayawan nya si Terron.

"Papi!" Sigaw ko at galit na pumagitna sakanila. Akin Yan papi! Sigaw ko sa isip ko.

"Ricardo!" Tawag ni mama sakanya na kakalabas lang ng kwarto nila Mula sa pag aayos ng Kama.

"Mahal!" Tawag sakanya ni papi sa lalaki na namang boses at inakbayan si mama.

"Wag ka ng mag selos Mahal ko." Malambing na Sabi ni papi Kay mama na matalim na nakatingin sakanya.

"Sabi ko naman sayo, kahit nasa harap ko pa ang pinaka gwapong lalaki sa mundo, ikaw lang Mahal ko." Sabi ni papi at napangiti ako ng lumambot ang mukha ni mama.

"Naku Ricardo! Tara na nga." Sabi ni mama at inalalayan ng maglakad si papi papasok sa kwarto nila.

Napahinga nalang ako ng malalim sa dami ng nangyari ngayong araw at napalingon sakanya ng yakapin nya ako Mula sa likod.

"Nagalit ang honey butter ko ng sayawan ako ni papi?" Asar ni Terron sakin Kaya namula ng parang kamatis ang pisngi ko.

"O-oo naman! Akin ka." Sabi ko sakanya at hinarap sya.

May sumasayaw na kasiyahan sa mga Mata nya habang Hindi nya mapigilan ang malaki nyang ngiti.

Hinawakan nya ang magkabila Kong pisngi at bigla nalang akong hinalikan.

Dahan dahan syang lumayo at nagkatitigan kami.

Matalim ko syang tinignan ng may maisip. "Dapat masanay na ako. Sigurado akong ganto din ang mangyayari satin, lalo na sa dami mong lalaki." Sabi ko sakanya.

Natigilan saglit si Terron pero ngumiti din.

Pinalupot ko ang mga braso ko sa leeg nya ng may pilyang maisip. "Terron, Hindi ako nagandahan sa sayaw ng mga macho dancer kanina." Sabi ko sakanya at napakunot ang nuo ko ng dumilim ang mukha nya.

Hinapit nya ako sa bewang ko mas palapit sakanya. "Pinanuod mo sila?" Tanong ni Terron habang magkasalubong ang kilay.

Napalunok ako. Bakit sobrang gwapo nya kahit na galit sya?

Asar ko syang tinignan ng matauhan ako. "Sasabihin ko sana, sayawan mo ko." Asar Kong Sabi sakanya.

Natigilan si Terron at agad akong binuhat ng maintindihan ang ibig Kong sabihin.

Binuhat nya ako na parang sako habang naglalakd papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok palang namin sa kwarto ko.. naramdaman ko agad ang init. Napakagat labi ako ng ihagis nya ako sa Kama ko.

Agad Kong pinakawalan ang labi ko ng akala ko ay hahalikan nya ako pero nakangising nilayo nya ang mukha nya.

Bwiset! Akala mo ha.

"Bakit Hindi mo na umpisahang sumayaw?" Tanong ko sakanya at bumangon para umupo Mula sa pagkakahiga at sumandal sa Kama.

Mas napangisi si Terron at lumuhod na sa Kama. "Wait." Pigil ko sakanya at kinuha ang wallet ko sa bag ko na nasa bedside table.

My Hot Gay Boss [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon