Chapter 14
***Mabilis akong lumuhod sa harap ng lababo ng makapasok ako ng bathroom. Agad akong dumuwal at nangilid ang mga luha ng parang binabaligtad ang sikmura ko.
"Solidad." Rinig Kong tawag ni Terron sakin habang sumusuka ako. Agad nyang hinimas ang likod ko at sinikop ang buhok ko.
Tumutulo na ang mga Luha ko habang sumusuka at nahihilong napasandal sakanya ng matapos.
Pumikit ako para mawala ang hilo. Hinimas ni Terron ang mukha ko Kaya dahan dahan akong dumilat.
Nagkatitigan kami ni Terron at parehas naming Alam Kung bakit ako naduwal.
Inalalayan ako ni Terron na tumayo at inalalayan na mag mumog. Pagkatapos, maingat akong binuhat ni Terron na parang bagong kasal.
Naglakad sya palabas ng bathroom at pumunta sa Kama nya. Dahan dahan nya akong hiniga at kinumutan ang hubad Kong katawan.
Nagkatitigan ulit kami pero saglit lang dahil agad akong umiwas. Naramdaman Kong tumayo si Terron at nakita Kong dinampot nya ang mga damit namin.
Pinanuod ko syang Isa isang tiniklop Yun at maayos na nilapag sa bedside table bago naglakad papunta sa closet nya at kumuha ng mga damit ko dun. Dito Kasi kami natutulog minsan.
Madiin nya akong tinignan habang naglalakad sya papunta sakin at umupo sa gilid ko.
Nakatingin lang ako sa gilid ko habang nararamdaman ko parin ang tingin nya.
Dahan dahan na nyang tinanggal ang kumot sa katawan ko at Hindi ko maiwasang panuodin sya.
Nilagay nya sa mga paa ko ang panty at dahan dahan na hinatak pataas at umangat ako ng unti para masuot nya ng maayos.
Bumangon ako Mula sa pagkakahiga para Hindi nya mahirapan at Todo alalay Naman nya.
Kinuha na nya ang bra ko at sinuot sakin at nilock nya sa likod ko. Kinuha na nya ang floral dress na binili nya sakin na Hindi ko sinusuot dahil maluwag sakin.
Inayos nya Yun bago dahan dahan na sinuot sakin at inayos nya ang nagulo Kong buhok.
Madiin nya akong tinignan. "Magbibihis lang ako at pupunta tayo sa hospital." Aniya Kaya napababa ako ng tingin.
Mabilis lang na nag bihis si Terron at kinuha ang heels ko at nakakunot ang nuong umupo sa gilid ko. "I'm not sure about this." Sabi ni Terron. "Paano Kung matapilok ka?" Nag aalala nyang tanong.
"Hindi pa naman sure." Sabi ko sakanya at tinitigan nya lang ako bago kinuha ang cellphone nya at may tinawagan.
"Slate? I need some flat shoes." Sabi agad ni Terron sa kabilang linya. "Size 8 and deliver it to my company. I'll just email you the money." Sabi ni Terron at binaba na ang tawag.
Napailing nalang ako at humiga nalang ulit at Todo alalay ulit si Terron.
Hindi pa nga sure.
"Are you hungry? Want something to eat?" Tanong ni Terron na agad Kong inilingan.
"Pagkatapos nalang ng check up." Sabi ko nalang sakanya at tumango sya.
Bumaba ang tingin nya sa tyan ko at tinignan nya muna ako bago dahan dahan na Hinawakan.
May naglalarong kasiyahan sa mga Mata nya at may maliit na ngiti sa labi nya habang hinihimas ang tyan ko.
"Hindi pa sure, Terron." Sabi ko sakanya.
Nag angat sya ng tingin sakin at madiin akong tinignan. "What if? Plus, we never did it with protection." Siguradong sigurado nyang Sabi.
Paano nga Kung totoo? Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
My Hot Gay Boss [COMPLETE]
Fiksi UmumWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #6: My Hot Gay Boss A man hater is being stuck with her Hot Greek god like Gay Boss that have lots of lover. Comfortable working as a secretary in the company with only women employee.. and her boss is by heart a...