Chapter 11
***Tinutulungan ko sila mama na ayusin ang mga gamit nila. Nag dalawang araw lang sila sa Manila at ngayon na sila babalik.
Hindi naman madami ang mga dala nilang gamit Kaya natapos agad kaming ayusin ang gamit nila.
Kaylangan agad nilang bumalik dahil Kay Rachel, ang kapatid ko Kay Papi. Iniwan lang nila si Rachel Kay Lola dahil mahiluhin Yun sa byahe.
Sigurado akong miss na ko nun. Napangiti ako ng maalala ang cute Kong kapatid.
Nagpapabili pala ng Barbie Yun. Mabilis kong nilapitan ang bag ko na nasa sofa at kinuha ang wallet ko sa loob.
Hindi ko narin kaylangan magpadala ng pera dahil nandito na din naman sila mama.
Napatingin ako Kay mama na saktong kakalabas lang ng kwarto. "Ma, nandito na po pala Sana ang padala ko." Sabi ko. "Dadagdagan ko po pambili ng Barbie ni Rachel." Dagdag ko at nanlaki ang mga Mata ko sa makapal na pera na nasa wallet ko.
Kay Terron ba to galing? At.. nandito din ang black card nya?!
"May problema ba anak? Nawalan ka ba ng pera?" Tanong ni mama at lalapitan Sana ako.
Mabilis na akong kumuha ng pera sa wallet ko at mabilis na sinarado. "M-ma ito po." Sabi ko sakanya at inabot sakanya ang pera.
Nag aalangang inabot Yun ni mama. "Anak, Hindi ba masyadong malaki ang 10k? Madami ka ding gastusin at mas Mahal ang mga bilihin dito." Nag aalalang Sabi ni mama.
"Ma, malaki naman po ang Kita ko." Sabi ko sakanya. At halos Hindi na ako pinapagastos ni Terron.
Kahit nasa meeting sya at mag Isa nalang akong kakain sa canteen, bayad na nya ang pagkain ko.
Bwiset ka Terron! Bakit nilagay mo ang pera mo sa wallet ko?
Saktong narinig ko ang boses nya. "Good morning po Tita, papi." Nakangiting bati ni Terron kila mama at nilipat ang tingin sakin.
Matalim ko syang tinignan Kaya kinunotan nya ako ng nuo. Hinawakan nya ako sa bewang ng nasa tabi ko na sya at ilang segundo akong tinignan bago tinignan ulit si mama.
"Tita, uuwi na po Kayo? Hayaan nyo po akong ipahatid Kayo." Sabi ni Terron Kay mama.
"Naku! Wag na. Nakakahiya." Nakangiting tanggi ni mama Kay Terron.
"Saan ba tong branch ng hotel ng kuya mo na to?" Tanong ni papi at may pinakitang business card Kay Terron.
"Ano ka ba Ricardo. Nakakahiya." Saway ni mama Kay papi.
"Inaya tayo ng libreng spa, Mahal. Palasyo Yung pangalan Kaya sigurado akong Hindi natin kakayanin yun. Hayaan mo na." Sabi naman ni papi Kay mama.
Nag tatanong Kong tinignan si Terron.
"Nakasalubong namin si kuya nung nag grocery kami ni papi." Sagot ni Terron ng maintindihan ang tingin ko.
"Malapit lapait lang po. Hayaan nyo pong ihatid ko Kayo." Suhestyon ni Terron.
Tatlo kami nila papi na nahulog ang panga ng pumarada sa harap namin ang Hindi ko inaasahang Makita sa personal.
Hindi ko Alam na meron sya nyan pero sa yaman nya na Yan baka may dalawa sya nyan.
"Pasensya na po. Pang dalawahan lang na sasakyan ang nadala ko. Sana okay lang po to." Sabi ni Terron kila papi.
"Limousine?!" Hindi makapaniwalang tanong ni papi Kay Terron. "Teka nga. Kami ba dinadaan mo sa yaman mo?" Tanong ni papi Kay Terron.
BINABASA MO ANG
My Hot Gay Boss [COMPLETE]
General FictionWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #6: My Hot Gay Boss A man hater is being stuck with her Hot Greek god like Gay Boss that have lots of lover. Comfortable working as a secretary in the company with only women employee.. and her boss is by heart a...