Chapter 3

68.8K 1.8K 521
                                    

Chapter 3
***

"This situation is fucked up."

Nailang ako sa sobrang lapit namin Kaya mahina ko syang tinulak. "Oo nga boss. Kaya pag nakita mo ang mga lalaki mo sa mataong lugar, wag mo munang landiin. Sa office mo Kayo mag landian, boss." Nakangiti Kong Sabi sakanya.

Kinunotan ko sya ng nuo ng Hindi nya ako makapaniwalang tinignan at mas Lalo akong napakunot ng mag walk out sya.

"Boss?" Tawag ko sakanya.

"May kukunin lang ako." Aniya habang naglalakad palayo.

Napapikit pikit nalang ako. Ano Kaya Yun? Habang hinihintay ko si boss, inisip ko ang sinabi ko.

Hindi ba dapat ang sinabi ko ay hiwalayan na nya ang mga lalaki nya? Dahil Gaya ngayon, kawawa si chance pati na rin ang mga anak ng Iba nya pang lalaki.

Kawawa din ang mga asawa nila.. Matagal ko na tong naiisip. Mahal na Mahal naman nila ang mga asawa nila at mga anak nila.. pero siguro natutukso sila sa ganda ng boss ko.

Napahinga nalang ako ng malalim. Siguro sasabihin ko nalang Yun pag nakaipon na ako ng malaki dahil sigurado akong tatanggalin nya agad ako.

Tama! Dapat isipin ko kahit papano ang pamilya ko.

Napatingin ako Kay Mr. Toretto ng bumalik sya at napanganga ako sa dami ng in-can beer na hawak nya.

Balak nya bang magpakalasing?!

Nilapag ko muna ang malaking plastic bag ng ramen sa lapag at binuksan ang condo ko.

Malaki Kong binuksan ang pinto at binuhat ulit ang plastic ng ramen at pinasok muna Yun pati narin ang plastic bag ng honey butter.

Mabilis Kong binalikan si Mr. Toretto na mukhang lasing na habang nakapikit na naglalakad papasok at habang buhat ang mabigat na plastic bag ng beer.

Pero mukhang Hindi na mabigat Yun dahil kalahati na ata ang naiinom nya dun habang bumabyahe kami pabalik.

Inalalayan ko si Mr. Toretto na mag lakad papunta sa sofa at pinaupo sya. Napahinga ako ng malalim.

"Bwiset ka boss. Nawalan na tuloy ako  ng gana na kumain ng ramen ngayon." Sabi ko sakanya at kumuha nalang ng ilang honey butter at nag labas din ng ilang beer.

Inabutan ko si boss ng mukhang ubos na ang sakanya at kumuha ng para sakin at binuksan.

Uminom ako at mahinang napaungol ng dumaloy ang init sa lalamunan ko. Kumuha ako ng isang honey butter at binuksan.

Kumuha agad ako ng isang piraso at napapikit sa sarap kasama ang beer. Nilahad ko ang chips Kay boss at madiin nya lang akong tinignan bago maliit na binuksan ang bibig nya.

"Ahhh?" Aniya Kaya mas lumapit ako sakanya at sinubuan sya.

"Last mo na Yan." Natatawa Kong Sabi sakanya. Tahimik lang kaming nanuod ni Mr. Toretto ng TV habang umiinom ng alak at paminsan minsan ay sinusubuan ko sya.

"Solidad." Tawag nya sakin.

"Boss?" Tanong ko sakanya habang Hindi maalis ang tingin sa TV. Naka isang beer na ako at parang tinatamaan na ako. Hindi Kasi ako palainom.

"Fuck boss, Fuck Mr. Toretto." Aniya Kaya napatingin agad ako sakanya at namumula ang pisngi nya akong matalim na tinignan.

"Hindi lang ako ang Mr. Toretto. Si kuya din." Aniya at dumilim pa ang mukha sa huling sinabi.

"Call me Terron, Solidad." Seryoso nyang Sabi sakin. Hindi ko Alam Kung lasing ba sya o Kung ano.

"Boss." Tawag ko sakanya Kaya matalim nya akong tinignan.

My Hot Gay Boss [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon