Chapter 13
***Pagkatapos ng nangyari na Yun, malamig ko lang syang tinignan at umalis ng opisina nya habang parang naestatwa lang sya.
Umalis agad ako kahit na Hindi pa uwian ng Hindi nag papaalam.
Tahimik lang ako habang nasa byahe at ng nasa condo na ako, dun lang ako bumigay.
Umiyak lang ako ng umiyak. Nilabas ang lahat sakit na nararamdaman. Hindi na ako nag abalang mag palit ng passcode dahil Kaya namang buksan ni Terron... pero naririnig ko syang nag mamakaawa sa pinto ng condo ko at Hindi pumasok.
Sa sumunod na araw, namamaga ang Mata ko. Parang Hindi gumagana ang utak ko pero isa lang ang naiisip ko, kaylangan Kong pumasok.
Dahil malelate na ako, mabilis lang akong naligo at nag bihis. Habang pinapatuyo ang buhok ko, nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin.
Napaiwas nalang ako ng tingin ng maalala sya at ang ginawa nya. Wag mo muna syang isipin, Sol. Sabi ko sa sarili ko at pinunasan ang isang butil ng Luha na tumulo.
Inabot ko ang concealer ko at tinakpan ang namumugtong mga Mata. Wala akong ganang maglagay ng make up Kaya nag lagay nalang ako ng liptint at tumayo na.
Hindi ko nararamdaman ang gutom at dahil late narin ako, inabot ko na ang bag ko at binuksan na ang pinto ng condo ko.
Hindi na ako nagulat ng sya agad ang nakita ko. Nakatayo sa labas ng condo ko si Terron at magulo ang buhok at mukhang walang tulog.
Suot nya din ang suit nya kagabi.
"Solidad." Tawag nya sakin at umiwas lang ako ng tingin at lumabas na ng condo ko ng tuluyan.
"Kausapin mo ko please." Nag mamakaawa nyang sabi habang chine-check ko Kung na lock ko ba ng tuluyan ang condo ko.
Parang hangin lang sya na tinalikudan ko at nakita ko pa ang sakit sa mga Mata nya.
"S-solidad, kausapin mo naman ako." Nag mamakaawa nyang Sabi habang sinusundan ako.
Sakto na kakabukas lang ng pinto Ng elevator at kakapasok lang ng tatlong babae. Pumasok ako at pumwesto sa harapan.
Pumasok din si Terron at naramdaman ko ang tingin nya sakin bago naglakad papasok pa papunta sa likod dahil may nakapwesto na sa tabi ko.
Habang bumababa ang elevator, nararamdaman ko ang tingin nya sa likod ko.
Nang bumukas ang elevator, mabilis akong lumabas. "Solidad." Tawag nya sakin pero tuloy tuloy lang ako palabas ng condominium.
"L-let's talk, please." Nag mamakaawa nyang Sabi at Hinawakan ang kamay ko.
Agad akong huminto at tinignan sya. Mas napuno ng sakit ang mukha nya at dahan dahan na binitawan ang kamay ko.
"Ayaw ko sa lalaki." Malamig ko lang na Sabi sakanya at tinalikudan sya.
Mabilis akong pumara ng taxi at pumasok sa backseat. Hindi ko na sya tinignan at hinintay nalang na umandar ang sasakyan.
Pero napatingin ako sakanya ng umikot sya papunta sa driver seat at kinatok ang bintana ng driver.
Binaba ng driver ang bintana. "Ano po yun, Sir?" Tanong ng driver Kay Terron.
Hindi muna sumagot si Terron at may kinuha sa loob ng coat nya. "Here." Sabi ni Terron at inabot ang Susi ng kotse nya. "Take my car, just let me drive this." Seryosong Sabi ni Terron.
Nagulat ako. Nababaliw ba sya? Tanong ko sa sarili at napahinga nalang ako ng malalim.. pero Wala na akong paki.
Nagtatanong syang tinignan ng driver Kaya napatingin muna sakin si Terron. "ayaw nya sa lalaki." Sagot lang ni Terron.
BINABASA MO ANG
My Hot Gay Boss [COMPLETE]
General FictionWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #6: My Hot Gay Boss A man hater is being stuck with her Hot Greek god like Gay Boss that have lots of lover. Comfortable working as a secretary in the company with only women employee.. and her boss is by heart a...