Chapter 12

49.9K 1.2K 85
                                    

Chapter 12
***

"Sol?" Gulat nya ulit na tawag sakin. "Anong ginagawa mo dito? Kamusta na? Mas gumanda ka." Aniya at nandiri ako ng tignan nya ako Mula ulo hanggang paa.

Mukhang nakalimutan na din nya ang kasama nyang babae na Masama ng nakatingin sakin pero agad ding nagliwanag ang mukha.

Napalingon ako sa umakbay sakin at si Terron Yun na madilim ang mukhang nakatingin Kay Fred.

"Sino Yan, Sol?" Maangas na tanong ni Fred habang nakatingin Kay Terron.

"Asawa ko." Sagot ko sakanya at nag angat ng tingin Kay Terron. Lumambot ng unti ang mukha nya.

"Kilala mo ba to?" Tanong naman ni Terron.

Tinignan ko si Fred Mula ulo hanggang paa na may pangdidiri. "Hindi." Sagot ko at tinignan si Terron. "Balik na tayo." Sabi ko sakanya Kaya nakangiting inalalayan ako ni Terron na mag lakad palayo.

"Kala mo Kung Sino ka Sol?" Tanong ni Fred Kaya napahinto kami sa paglalakad at agad na dumilim ang mukha ni Terron.

"Iwan mo na yang babae na Yan. Baka madali ka din." Sabi ni Fred at tumawa. "Ilang lalaki na ang nalandi nyan at sasabihin na pinag samantalahan sya." Natatawang Sabi ni Fred Kaya natigilan ako.

Agad na tumalikod si Terron at kwinelyuhan si Fred.

"T-terron." Naiiyak Kong tawag sakanya. Tumigil si Terron sa pagsuntok Sana Kay Fred at agad akong nilapitan.

"Shhh. Hindi naman ako naniniwala, honey butter." Pag tahan nya sakin ng mabasa ang tingin ko sakanya.

"At Alam ko na puro kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig nya." Sabi ni Terron at madilim na tinignan si Fred.

"Kaibigan mo ba ang mga yon?" Tanong ni Terron at tinignan ang table malapit lang sa table namin.

Nakatingin sa gawi namin ang mga kaibigan nya.

"Rinig ko Top player ka daw sa Enchanted Forest? Pinaka magaling pa nga daw sa Asya?" Nakangising tanong ni Terron.

Alam ko na ang ibig nyang sabihin. Hindi ko pa nakikita si Terron na mag laro ng totoo. Nakikita ko lang syang mag laro pag kaylangan lang i-test ang bagong game na ilalabas ng Olympus.

"Hinahamon mo ba ako?" Mayabang na tanong ni Fred.

"Oo." Agad na Sagot ni Terron. "At pag nanalo ako, bawiin mo ang sinabi mo sa asawa ko." Madiin na Sabi ni Terron.

Tinignan muna ako ni Fred bago binalik ang tingin Kay Terron. "Kung may pag asa ka." Mayabang nyang Sabi.


Binayadan ni Terron ang isang bakanteng lamesa Kung saan pwede silang mag laro ni Fred.

Inalalayan nya akong umupo sa isang bakanteng upuan at napatingin ako sa harap namin.

Masamang nakatingin samin si Fred at nasa likod nya ang mga kaibigan nya habang ang babae nya sa gilid nya.

Umupo sa tabi ko si Terron, sa harap ni Fred. "You okay? Want something?" Tanong ni Terron sakin.

Inilingan ko lang sya at madiin nya lang akong tinignan at inayos ang nagulo Kong buhok.

"Let's start." Asar na Sabi ni Fred at matalim kaming tinignan.

Nag handa na sila sa Laban nila at Hindi ko Alam Kung bakit kinakain ako ng kaba.

Siguro dahil Hindi ko pa nakikitang mag laro si Terron.

Mas kinain ako ng takot ng makita ko ang character ni Fred. Sa nakikita ko, pinag halong Ares, god of war at Zeus, god of thunder ang character nya.

My Hot Gay Boss [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon