Sabay naming hinarap ang kamatayan...
-0-0-0-
Malamig at madilim. Nanakit pa ang buong katawan ko. Patay na ba talaga ako?
Sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Nasilaw ako sa ilaw at puting pintura ng kisame. Teka, asan ba ako?
"Denise? Anak? Buti at nagkamalay ka na! 3 araw ka ng walang malay! Salamat sa Diyos at nagising ka na!" Si Mama yun. Andun din ang tatlo kong kuya.
Buhay ako! Pero si...
"Ma, si Xylan?"
Tumungo lang si Mama at umiling, alam ko na agad ang ibig sabihin nun.
"Xylan, mangyari man yun, hindi pa din kita iiwan..."
Ipagpatawad mo, kung hindi ko natupad ang pangakong yun.
-0-0-0-
Matapos ang 1 taon, tuluyan ko ng iniwan ang imahe ko bilang ang boyish na si Denise. Napagisip-isip ko na kolehiyala na ako, hindi na naayon kung ganun pa ako pumorma at kumilos. At higit sa lahat, galit ako sa Denise na yun. Ang Denise na hindi tumupad sa pangako nilang dalawa ni Xylan. Wala akong ibang masisi sa pagkawala nya kundi siya lang.
Huling hiling nya na idonate ang kanyang kamay kung sino man ang nangangailangan. Si Diana na nagasikaso nun. AKo na kasi nagasikaso ng panlibing nya. Gusto ko sana makilala ang taong nakatanggap ng kamay nya ngunit hindi na ako nagkaroon pa ng oras para gawin yun.
Napansin ni Mama na maraming ala-alang dala ang lugar namin at dahil nakapagipon-ipon na din si Papa, napagdesisyunang lumipat na kami ng lugar at ganun na din ang aking eskwelahan. Hindi na ako sa Central East University magaaral kundi sa St. Anthony's College Of Architecture and Fine Arts. Naiwan sila Brix at Collins sa Central East University pero nangako naman kami sa isa't isa na magkikita paminsan-minsan.
Ano na nga ba ang bagong Denise? Eto,nagpupumilit magpalda at maghigh heels. Gustuhin man maglaro ng dota o basketball kasama ang barkada, mas pinipiling tumambay na lang sa bahay. Nagaaral na din magmake-up. Ewan ko ba, ayoko lang talagang makita ang dating Denise. Ayoko na talaga.
"Anak, don't be too hard on yourself. Wag pilitin ang ayaw."
"DUHHH. Mom naman! Before, pinipilit mo akong magpakababae, ngayong nagpapakababae, ayaw mo na."
Sabi ko kay Mama habang hirap na hirap ako sa pagpantay sa blush-on ko.
"DUHHH. Jusko anak, para ka ng si Melanie! Naalala mo? Yung maarteng naging dahilan kung bakit ka nakick out nun highschool?" Nakapamewang na si Mama, halatang naiinis sa inaarte ko.
Onga no? I do sound like Melanie. Remember? KAPATID NI BRIX? Musta na kaya yung mean girl na yun?
"Ma, please, I don't want to recall any of my highschool memories. Okay?"
"Ewan ko sayo anak, ibang-iba ka na talaga..."
At tahimik syang lumabas sa aking kwarto.
Oo Ma, ibang iba na talaga...
BINABASA MO ANG
Sketch 2
HumorAno kayang mangyayari kay Denise pagkatapos sa nangyari sakanila ni Xylan? Habang buhay ba siyang magluluksa dahil sa pagkamatay ni Xylan? Matututo kaya siya mag mahal ulit ng iba? Abangan ang part 2 ng love story ni Denise...