Sketch - 5

12.5K 300 45
                                    


"Pero sa itsura mo, parang hindi ikaw ang Denise na kwinekwento sa amin ng Kuya mo." 


"Syempre, ano ka ba, kolehiyala na sya, di na bagay sa kanya kung aasta pa din syang parang lalake diba?" 


Ngumiti na lang ako. At lumapit sa bag ko. 


"Teka lang ha, maliligo muna ako. Sobrang init kasi. Kwentuhan ulit tayo mamaya ha?" Kinuha ko ang sabon,shampoo,conditioner at twalya sa bagpack ko at binitbit palabas ng pinigilan ako ni Lhian. 


"O magdala ka na ng flashlight at baka makaistorbo ka pa ng ibang natutulog pag binuksan mo yun ilaw sa hall."Hinagis ni Lhian sa akin ang Hello Kitty nyang flashlight. 


Madilim na sa corridor at medyo tahimik sa ibang kwarto. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa comfort room ng may humawak sa balikat ko. Amoy alak siya. Obviously, lalake. Nako! Alam ko na balak nito,kaya hindi na ako nagdalawang isip pa.. 


"YAAAAAAAAH!" 


Hinila ko ang kamay nya at hinagis sa floor. BWAHAHA! Hindi pa din kumukupas ang galling ko sa Judo! Ayos! 


Tinapat ko ang flashlight sa mukha ng salarin na nawalan na ng malay. 


Teka.... 


"ZARIEL?!" 


-0-0-0- 


"Za-Zariel?" Nanginginig ang boses ko. Tinapat ko ang flashlight sa mukha nya. Naku po! Sya nga ito! 


"A-aray..." 


Nako, ano ng gagawin ko. I can't leave him here. Alam ko na, ihihiga ko na lang sya sa couch sa lobby. Hindi ko naman kasi alam kung saan ang kwarto nya. 


Grabeng hirap ang dinanas ko sa pagdala kay Zariel sa lobby. Dahil tumalsik ang flashlight ko at di ko naman pwedeng buksan ang ilaw, habang dala-dala ko sya sa isang kamay, pinangkakapa ko naman yung kabilang kamay ko. Grabe, ginagawa ko ito sa kabila ng lahat ng pinagagawa nya saken! 


"HAY SALAMAT! O sya, matulog ka na dyan. Nako, di mo talaga maalis ang paginom sa mga college boys." 


Bumalik ako sa paliguan at inumpisahan ko ng maligo. Dun ko lang napagtanto-tanto ang lahat.

KADORMATE KO SI ZARIEL! Napakamalas ko diba? And on top of that, maaring narecognize nya na ako ang naghagis sa kanya kanina! I am soooo dead! 


Magulo ang utak ko nun gabing yun. Sigurado akong di matatahimik ang buhay ko with Zariel around. I can't transfer to any dorm either kasi nakapagfullpayment na si Mama dito. 


Oh well, itulog ko na lang ito. 


Sketch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon