"AYUN SYA!" Napalingon ako. Mukhang boses ni Zariel yun a!
Si Zariel nga! Patawid ang buong barkada nya sa court! OMG! I can't let him see me!
"Pare, sila Zar un ah.."
Nataranta na ako. Patakbo na ako pero sinabihan ko muna si Kuya.
"Kuya! Kuya! Please act like you don't know me! Kunwari di kita kapatid! Basta! Taga malayong lugar kamo ako! Napadayo lang dito! Ha! Promise? Promise?"
"Okay! Okay!" Mukhang pati si Kuya nataranta na dahil sa akin at hindi na nagtanong pa!
Tumakbo na ako palayo ng court. Hindi na ako lumingon. Dere-deretso hanggang sa mapagod.
Nun napansin kong nakalayo-layo na ako, umupo ako sa bench at naghabol ng hininga, saka napaisip.
Paano ko masosolusyonan ang isang problema na tulad ni Zar?
Then suddenly, I had an idea...
Para maiwasan na mapagtripan ni Zariel,
I HAVE TO PRETEND TO BE THE OLD DENISE!
Parang akong isang superhero at si Zariel ang super villain na di dapat makaalam ng identity ko! Medyo aloof dapat ako sa kanya pagdating sa dorm!
Tama, sasabihin ko na sa mga kadormates ko at kila Kuya ang plano ko!
Naisipan ko ng bumalik sa dorm. Wish ko lang wala sila Zariel kundi, patay ako!
Nakita ko si Ursula na nakaupo malapit sa entrance ng dorm. Nakataas pa ang dalawang paa sa desk nya. Andun din sa desk yun logbook namin.
Dapat ibahin ko pirma ko, yun tipong di mababasa. So pumirma ako ng kakaiba dun sa logbook.
"Kapatid ka ni Dexter hindi ba? Ano ulit pangalan mo?" Tanong ni Ursula sabay higop sa kape.
"De-De-ricka po!" Oh yeah, nice name huh?
"Ah okay. Wag kang sakit ng ulo dito tulad ng Kuya mo ha!"
"Opo! Opo!" At saka nagmadaling umakyat ng kwarto.
Nakausap ko na ang buong dormates ko. Ganun din sila Kuya. Umoo naman sila. Hindi rin kasi basta-bastang course ang Architecture no. Alam kong hindi ako makakapagaral ng maayos kapag nalaman ni Zariel na dito ako nagdodorm dahil hindi nya ako patatahimikin.
Simula ngayon, si Denise at Dericka ay iisa! KUmbaga, si Darna at Narda ay iisa din! Okay, enough with the superhero feeling.
-0-0-0-
Kinabukasan, okay na okay ang araw ko. Puro major subjects, at dahil industrial design si Zariel, obviously, di ko sya magiging classmate ngayon.
Mahirap ang buhay ireg, wala akong permanenteng kaibigan yun agad naisip ko. Pero nagulat ako nun makita ko ulit sa Archi3 class ko yun lalake na nagayosng takong ko nun isang araw!
Umupo sya sa dulo at isolated sa ibang tao. Mukhang introvert sya ah. Pero naglakas loob ako lapitan sya at kaibiganin.
"Hi! Nalimutan ko magthank you last time. Thanks ha?"
Matagal bago sya sumagot.
"Wala yun.." Sabi nya ng hindi man lang ako tinitignan. Busy sya sa pagdradrawing ng isang anime character. Si Ran Fujimiya ng Weiss Kreuz. Ang galing, naalala ko pa, 1st year highschool ako nun huli ko itong napanood.
"Uhmmm...Archi din course mo?"
"Uhuh.." Gosh! What a stupid question! May iba pa bang course na kumukuha ng Archi3?
Matatapos nya na yun drawing. Ang lupit nya sa shading. Kahit ordinary mongol pencil lang ang gamit nya.
"Alam mo, fave ko din yan si Aya dati! Este si Ran pala! Ang sad dahil all his life, revenge lang ang laman ng isip nya."
Napatingin sya sa akin. Tapos sinabing,
"Kahit sino naman siguro, kapag harap-harapang sinaktan ang kapatid mo, wala ka ng ibang iisipin kundi harapin ang taong nanakit sa kanya.."
Woah! Tama ba narinig ko? Like, more than 3 syllables ang sinabi nya?
"Well, sa bagay, sinagasaan ni Reiji Takatori ang walang kamalay-malay na si Aya. Pero I think, mali pa din yun dahil there's more to life than revenge diba?"
Hinila bigla mula sa drawing pad nun guy yun ginuhit nya. Nakakagulat, akala ko mapupunit. Sayang. Akin na lang kung pupunitin nya din lang.
"You want it? Sayo na lang..Kung gusto mo.." Inabot nya sakin yun drawing nya. Woah, mukhang nabasa nya yun nasa isip ko ah!
"Talaga? Thanks ha! Denise nga pala!" Tinanggap ko yun drawing nya at inipit sa workpad ko.
"Rio."
"Rio? Alam ko mas ginagamit sya as a girl's name diba?"
Binalik nya yun drawing pad nya sa bag nya at tinago na din yun pencil sa bag nya.
"Andyan na yun prof. Baka pagalitan tayo pag nahuli tayong nagkwekwentuhan."
Napatingin ako sa platform, oo nga no! Andun na nga sya!
Ayos yun prof namin. Hindi boring magturo. Akalain mong ang mga numero at linya, naiiugnay nya pa sa buhay nya. Tawanan lang kami ng tawanan habang nakikinig sa kanya. Minsan, di ko matiis na tignan si Rio, nakatulala lang sya. Alam mong nakikinig sya, pero NR palagi. Walang emosyon. It's either yuyuko lang sya o kaya titingin sa platform. He really reminds me of someone...
Xylan...
BINABASA MO ANG
Sketch 2
HumorAno kayang mangyayari kay Denise pagkatapos sa nangyari sakanila ni Xylan? Habang buhay ba siyang magluluksa dahil sa pagkamatay ni Xylan? Matututo kaya siya mag mahal ulit ng iba? Abangan ang part 2 ng love story ni Denise...