Sketch - 6

11K 282 14
                                    

Si Mama naman! Nakakainis! Gusto ko ng umiyak nun..Hindi nya kasi ako naiintindihan..Nakakabadtrip talaga! 

"Woah, who's this cute guy? Your boyfriend?" 

Napalingon ako kay Karisse, hawak nya yun picture frame na may picture namin ni Xylan. 

THIS IS JUST TOO MUCH! NAIINIS TALAGA AKO KAY MAMA! BAKIT KAILANGAN NYA PANG PAKIALAMAN LAHAT NG GAMIT KO! 

"Ha...Wala yan..Ex ko..Patay na.." Binalik ko lahat ng nagkalat na damit sa maleta ko. 

"Oh, sorry about that Denise.." 

"Okay lang yun.." 

Pero sa totoo lang, hindi okay. Nagpalit agad ako ng damit at bumaba papunta sa lobby. Eto nanaman ako, suot ang cap,loose tshirt at shorts ko. Back with the old Denise. Ang Denise na ayaw ko ng balikan.. 

Lumabas ako ng dorm para magpahangin. Nakita ko yun basketball court na katapat ng dorm namin! Natutukso ako maglaro, pero hindi. Manonood na lang ako. 

tumawid ako at pumasok sa basketball court. Akalain mong si Kuya Dex pala ang naglalaro kasama mga kadormates nya! 

"O, how's your first night sa dorm? Hindi mo ba pwinerhisyo mga kadormates mo?" 

"Chicks?" Tanong nun kadormate nya na nagpupunas ng pawis. 

"Nah, she's my only sis! Denise!" Hinagis ni Kuya sa akin yun bola. Nasalo ko naman. "Haha. Kung ibang babae ka, nadala ka na siguro nun bola. Mga tsong, basketball is definitely my sister's game. Would you believe na mas madalas nya ako talunin dito?" 

Mukhang namangha ang mga kadormates ni Kuya. Parang ayaw nilang maniwala. Ako naman, nahihiya. Si Kuya naman kasi, kinelangan pa banggitin yun. 

"You must be kidding Dex.." 

"Denise, pakitaan-" 

"NO WAY KUYA. You know that basketball is NO LONGER my game. Siguro limot ko na ngayon pati pagdribble.." 

"Onga naman, highschool days pa ata nun naglalaro sya ng basketball..Maybe she's into something else na ngayon..Syempre, dalaga na sya.." 

"Ipapahiya mo ba Kuya mo?" 

HAY NAKO! LIKE I HAVE A CHOICE?! 

"Okay. Isang beses lang ito Kuya. ISANG BESES LANG." Striness ko talaga yun words na 'isang beses' dahil ayoko na talagang maglaro ulit. Hinagis ko papunta sa mga kadormates ni Kuya yun bola. 

Sinimulan na namin ang laro. Mukhang kampante masyado ang mga lalakeng ito. Binalik sakin yun bola. Hindi pa mahigpit ang pagbabantay sakin. 

Takbo agad ako at nilampasan silang lahat at saka nag 3 point shoot. Napanganga silang lahat. Hindi nila akalaing aabot yun bola sa basket dahil malayo ako sa basket. 

Humigpit ang depensa. Ano? Edi natakot agad kayong lahat! 

Hinarangan ako nun pinakamatangkad sa kanila. Nagkunwari akong mag 3-3point shoot ulit, 

As expected, tumalon sya para harangin ang bola. 

Too bad, fake yun. Binounce ko yun bola para dumaan sa ilalim nya at saka kinuha ulit. Lumapit ako sa basket at naglay-up. SHOOT! YEAH! 

Lalong uminit ang laban. Parang mas tinuunan nila ng pansin yun depensa dahil hindi na nila ako maawat sa pagscoscore. 

Tumagal ng mga 15 minutes ang laro. 18-26. 

Nakipagappear ako sa mga kadormates ni Kuya. Ayaw man nila aminin, masakit para sa kanila na matalo lang ng isang babae. 

"I told you guys..Hindi basta-basta ang kapatid ko.." 

Ngumiti ako. Then I suddenly realized, 

'Basketball is STILL my game.' 

Sketch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon