Sketch - 28

11.3K 261 16
                                    

"Wala ng sinabing ibang info si Dr. Enriquez coz yun iba, confidential na daw.." 

"Denise? Hello Denise?" Hindi ako nakapagsalita, nashock ako sa revelation nya. 

"Ah..Sorry nawala ako sa sarili ko.." 

"Bakit naman? Is this guy someone you know?" 

"Actually, yes, uhmm..Diana, thanks for the info, i dont want to sound rude,but I need to go.." 

"Okay,okay..Bye..You take care okay?" *CLICK* Nawala na si Diana sa linya. 

Now everything makes sense.. 

"My Heart will lead the way.." exactly what Xylan said in my dream.. 

But...Hindi ba aware si Zar sa mga pangyayaring ito? Na part of him si Xylan? 

Sabagay, ang nakwento ko lang, namatay ang boyfriend ko at nagiba ako ng image dahil sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nya.. 

Bakit hindi nya madistinguish na ako ang babae sa memories nya? This is kinda confusing huh? 

Teka, is this kind of phenomena possible in the first place? After replacing an organ of a person with a dead person's organ, all the memories of that dead person is retained? Imposible.. 

Inopen ko ang PC ko, I searched for answers, ang hirap maghanap ng ganitong incident lalo na kung hindi mo alam kung anong term nito.. 

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko..Si Kuya Dave, may dalang isang box ng pizza. 

"Denise! Guess what, nagpadeliver si Ma ng pizza! Chibog na!" 

"Later.." one liner kong sagot kay Kuya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa pc, I'm just too preoccupied with this matter.. 

"Woah, studying during summer? So not like you Denise..Anong meron?" Tinignan ni Kuya ang ginagawa ko sa PC. 

"Effects of transplant, dead person organ to a person, how morbid can you get Denise?" 

"Kuya, may narinig ka na bang ganitong case? Trinansplant sa isang tao ang organ ng isang patay na tao, tapos yun memories nung patay na tao na yun, nalipat sa taong nakatanggap nung organ? Specifically, the heart.." 

Binaba ni Kuya ang pizza box sa kama ko, at umupo sya. 

"Hmmmm.." Napahawak sya sa baba nya. Naalala ko ang isang lesson namin sa psych before, though madaming conspiracies concerning that theory, I made a research about it..It's very interesting kasi.." 

Umupo ako sa tabi ni Kuya at kumuha ng isang slice ng pizza, mukhang may alam sya sa ganitong scenario. 

"Way back 1920's, there's this woman, Dominica Woodward, nagpakasal sya sa childhoood sweetheart nyang si Kristian Brendon..Unfortunately, hindi talaga sya mahal ng asawa nya, naging lasenggo ito at sinaktan lang ang asawa nya, yet, minahal pa din sya ni Dominica..Naging saksi nito ang kapatid ni Kristian na si Vincent Brendon, who really is her childhood sweetheart in the first place..Mahal na mahal nya si Dominica, pero nagparaya sya dahil ang alam nya, mahal talaga ni Dominica ang kapatid nya.. After nun, dahil sa sobrang bisyo, inatake sa puso si Kristian, and in the same time, si Vincent naaksidente..Before his death,Vincent offered his heart to his brother para sa ikasasaya ni Dominica, so the heart transplant was done..and Kristian wasnt the same person again.." 

Sketch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon