Sketch - Ending

15.5K 451 112
                                    

Zar's POV

Well, what can I say? Obviously, okay na lahat...And my sis? We're good..Napagusapan na ang lahat ng dapat pagusapan..Babalik ulit ako sa pagaaral..Gusto ko man ikwento ang nangyari sa iba tulad nila Dex,Cynthia,Marilyn,Ronan atbp, wala na akong time..YUn sa amin na lang muna ni Denise ang ikwekwento ko..Galing ko diba? Haha! Ang tunay na pagmamahal ko kay Denise ang nagdala sa amin ng tagumpay! Kaso, may problema kaming haharapin ngayong dalawa..Ewan ko kung paano nya pa nagagawang maging matatag sa mga panahong ito..Kung may magagawa lang ako para- 

"Zariel! Tama na pagdaydream mo! Ano bang ginagawa mo? Kailangan natin isugod sa ospital si Denise!!!" 

Pababa si Rhea ng hagdan nun, sobrang natataranta.. 

"Teka..Hindi..Hindi maari ito..Masyado pang maaga..Anong gagawin natin?!" 

"Zariel, walang maitutulong ang pagtataranta..Kahit ako, nagulat..Kanina nya pa iniinda sa akin ang sakit..Pero lalo daw lumala ngayon ang sakit..Hindi ko malaman ang gagawin.." 

"Tumawag ka ng doktor! Ihahanda ko na ang kotse!" Hindi ko maiwasan na hindi mataranta.. Alam kong masakit ang pagdadaanan ni Denise.. 

Eto na ang araw na kinakatakutan ko..Diyos ko, alagaan mo si Denise..Sa inyo ko na sya pinapaubaya.. 

Dumating si Ate Rhea na may dalang dalawang cups ng kape. Umupo sya sa tabi ko, nakabantay lang kasi ako sa labas ng delivery room. 

"Zariel, umayos ka nga! Kanina ka pa di mapakali dyan eh!" 

"Nakakainis, hindi ko man lang masamahan si Denise dun.." 

"Eh ano magagawa natin, takot ka sa dugo, mamaya himatayin ka pa dun, isa ka pang alalahanin.." Inabot sa akin ni Ate yung kape at humigop ako ng konti.. 

"Sabagay.." Matagal na kasi ang takot ko sa dugo, kaya nung pinakukuha ako ni Papa ng nursing, malaki ang pagtanggi ko. 

Maya-maya'y lumabas na ang doktor mula sa delivery room. Napatayo ako at tinanong ang kalagayan ni Denise. 

"Mr. Villarosa, Congratulations, your wife just gave brith to a healthy 7lbs. baby girl!" 

-0-0-0- 

"Miss, ibigay mo na ang bag mo ng di ka masaktan.." 

"Huh? Kahit hindi ko ibigay ang bag ko, di ako masasaktan..Dahil kayo ang bibigyan ko ng sakit sa katawan!" 

Lumapit ang dalawang lalake na may hawak na patalim..Unang lumapit yung lalakeng may cap na balbas sarado. Sasaksakin nya na sana ako, pero, yumuko ako, binunggo ko ng malakas ang kanyang sikmura gamit ang ulo ko at saka ko hinawakan ang bewang nya at hinagis sya sa kumpol ng basura. 

"Yan ang SUPER ULTRA ELECTRO MAGNETIC TACKLE KO!" 

"Hindi ka uubra sa akin!" Sabi nung matabang may hawak na swiss knife. 

Sinugod ako ng lalake mula sa likuran ko, pero naunahan ko sya at hinawakan ko ang dalawang daliri nya at saka binend ito hanggang sa makarinig ako ng malakas na *CRACK* 

Napangiwi sa sakit ang lalake, hinigit nya yung kasama nya mula sa basurahan at tumakbo ng walang imik. 

"Mga duwag! Bumalik kayo dito! Sakit ng katawan hanap nyo diba!" 

Mga bwisit na ito, lakas-lakas ng loob mangholdap, mga wala namang binatbat.. 

"Ano masasabi mo ma? Galing ko diba? Sabi ko sayo, hindi ko na kailangan ng tulong eh.." 

"Oo na, ikaw na magaling..Tara na at malalate ka sa first day mo.." Yan ang Mama ko. Ang kilabot na Denise Buendia ng dati kong school na St. Anne's at ang bago kong school na CSDA. Idol ko talaga sya..Ang kulit ng kwento ng buhay nya, halos parang di kapanipaniwala. 

Napatingin ako sa orasan ko, oo nga pala! Nakakainis talaga! Sinayang lang nila oras ko! 

Sumakay na kami ng trycicle ni Mama para makarating agad sa school. Nagkiss na ako at nagpaalam na.. 

"Bye Xyza! Umiwas ka sa gulo, kung pwede lang?" 

"Oo ma! Bye!" 

Pumasok na ako ng gate at huminga ng malalim, huwoooh! First time ko sa isang school na panay lalake, nagradeschool kasi ako sa exclusive school..Kaya ngayon lang talaga ako makakasalamuha ng mga lalake. 

But it doesn't mean na wala akong alam sa mga lalake. For me, they're just mere weaklings..Ilang beses na ako napaaway sa mga lalake pero wala pa talaga akong nakikitang katapat ko.. 

I hate it when they make girls cry, and I hate it when girls cry for them..Like, does the world revolve on them? Definitely not.. They're just a menace to the society..The world doesn't need them.. 

Habang naglalakad ako paakyat ng classroom ko, nakita ko ang isang lalakeng payatot na may salamin, you know the geeky loser type, mukhang pinagiinitan sya nung mga lalake. Well, like I care..Dere-deretso lang ako sa pagakyat..Ng biglang tinulak nung malaking lalake yung payatot na lalake, nahulog sya sa harapan ko at napayakap sa akin..Nagpagulong-gulong kami sa hagdan at....Siguro alam nyo na ang nangyari! 

The End? Or a new beginning? For now, THE END!

Sketch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon