Napaupo ulit ako sa sobrang shock. I had no idea na tatay na pala ni Zariel ang kaharap ko. Nakakahiya dahil pinagkamalan ko pa syang DOM!
“Okay lang yun iha, nakakatawa ka pala tulad sa mga naikwekwento nila.”
“Ikaw pala ang bagong napupusuan ng anak ko. Hindi ko akalain na iibig pa sya ulit..”
Speechless ako. Wala naman akong nararamdaman para kay Zariel. Paano ko kaya ito sasabihin sa tatay nya?
“Sana pagbigyan mo ang anak ko. Minsan na lang kasi sya magmahal sa isang tao. Hirap sya magtiwala sa iba lalo na sa mga babae.”
“Opo, naobserbahan ko nga po yun kaso-“
“Alam mo bang may mas malalim pang dahilan kung bakit ayaw ni Zariel sa mga babae?”
“Ito ay dahil sa kanyang ina..”
“Mahirap pa ako noong makilala ko ang ina ni Zar na si Mariel. Kahit hirap sa buhay, masaya naman kami. Hanggang sa maipanganak si Zar. Naging sunod-sunod ang kamalasan namin dahil nawalan ako ng trabaho at nagging masakiting bata si Zar..Naisipan kong mangibang bansa para maiahon ang pamilya naming sa kahirapan. Noong panahon na iniwan ko sila, pinagbubuntis naman ni Mariel ang isa pa naming anak. Wala pa akong maipadalang pera noon at dahil desperado na, may nakilalang ibang lalake si Mariel na may kaya sa buhay. Pinagmalupitan sya ni Mariel at ng bago nitong asawa.Ng maipanganak ang kapatid ni Zar naglaho na parang bula si Mariel. Kinuha ng social worker si Zar at dinala sa DSWD. Hindi na rin naming nalaman kung ano ang nangyari sa kapatid na lalake ni Zar na may problema pa sa puso noong ipinanganak. Simula noon, nagkaroon na ng sama ng loob si Zar sa kanyang ina..”
“Nagalala ako dahil nawalan kami ng komunikasyon ni Mariel. Dahil nakapagipon na rin ako, bumalik agad ako dito at mabuti na lang nagging madali ang paghahanap ko kay Zariel.”
“Lalong lumaki ang galit nya sa mga babae ng makilala nya ang una nyang girlfriend. Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya pero ang sabi niya, iniwan daw sya nito..”
“Ayokong lumaki si Zariel na mali ang pananaw tungkol sa mga babae. Sana, ikaw ang makapagpabago sa kanya..Mukha ka namang mabait na bata Denise..”
Matapos kong marinig ang kwento ng buhay ni Zar, nakaramdam akong ng awa sa kanya. Nawala ang lahat ng inis ko sa kanya dahil sa mga ginawa nya sa akin noon.
“Sige po, susubukan ko.”
-0-0-0-
Pinagisipan ko mabuti kung ano ang gagawin ko kay Zar. Pero hanggang ngayon, gulong gulo ako.
Kinabukasan, gusto ko na agad kausapin si Zar. I really don’t know if I should give him a chance..Bahala na..
Dahil napaaga ang pagpasok ko, nakita kong wala pang tao sa classroom.
May nakita akong oslo paper na nakapatong sa upuan ko. Agad ko itong pinulot at…
BINABASA MO ANG
Sketch 2
HumorAno kayang mangyayari kay Denise pagkatapos sa nangyari sakanila ni Xylan? Habang buhay ba siyang magluluksa dahil sa pagkamatay ni Xylan? Matututo kaya siya mag mahal ulit ng iba? Abangan ang part 2 ng love story ni Denise...