Sketch - 20

10.8K 238 12
                                    

“Sige, samahan na kita papunta doon..” 

“Thanks Ronan” 

Nagtaxi na kami pabalik sa amin dahil sa sobrang lakas ng ulan. Magkakasakit sya sa ginagawa nya! 

Pagdating ko sa basketball court, hindi na ako nagpayong pa at lumabas na agad para puntahan si Zariel. Dahil sarado na yun court, sa labas na lang sya nagantay. 

“Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?” 

Ng marinig ni Zar ang boses ko, agad syang tumayo at lumapit sa akin.. 

“Please, if you won’t let me explain, just allow me to apologize..” 

“Does this mean so much to you na kelangan mo pa magantay ng ganito katagal at magpaulan?” 

“Yes.” Matigas na pagsabi ni Zariel. “Your forgiveness means a lot to me. And so are you. You mean so much to me Denise..” 

“Si Dericka din diba, inantay mo ng ganito katagal..So pareho kami?” 

What am I saying? Ako at si Dericka naman talaga ay iisa. Ako ba talaga ang nagpapagulo sa sitwasyon na ito? 

“Okay, attracted ako kay Dericka noong una coz…” 

“I thought she was you..” 

What?! 

“Ikaw na din ang nagsabi na I’ll never be like Dericka..Paano mo nasabi yun?” 

“Ewan ko…” 

“Hindi sya makasagot coz he’s still confused between you and Dericka. Baka gusto nya kayong pagsabayin…” 

“Wag kang makisali dito!” 

“Enough!!!” 

Tumakbo na ako papasok ng dorm. Litong lito ako. Hindi kay Rio at Zar kundi sa sarili ko. Sino na ba talaga si Denise? 

Pagpasok ko sa kwarto, sumalubong sa akin si Lhian na nagaaral para sa biology exam nya. 

“What’s the matter Denise? Basang basa ka!” 

Humiga ako sa kama ko at nagtakip ng mga unan. Kelangan ko muna makapagisip magisa. 

Kinabukasan, hindi ko akalain na ako ang magkakasakit. Nagaalala si Kuya sa akin, masyado na daw siguro akong nastrestress. Naisipan nyang ibalik na muna ako sa amin. 

Okay lang sa akin na umabsent ng ilang araw at umuwi na muna sa amin. I guess I need a break from all these guys na gumugulo sa akin.. 

Pagkatapos ng class ni Kuya Dex, hinatid nya na agad ako sa amin. Masamang masama pa rin ang pakiramdam ko. Walang hinto ang pagubo ko nung nasa biyahe pa kami. 

“WELCOME BACK! MADENG!” Nagulat ako ng pati si Kuya Dave ay umuwi rin pala. 

“Denise! Alam mo bang pasok ang banda ko sa battle of the bands sa TV?!” 

“Denise, may pasalubong akong PSP sayo! Diba matagal mo ng kinukulit sa akin yun?” 

“Salamat sa mainit na pagtanggap sakin pero masama pa ang pakiramdam ko..Pwedeng doon na muna ako sa kwarto?” 

Naging seryoso ang mukha nila. Nilapitan ako ni Mama at inakbayan. 

“Sige, inayos naming ang kwarto mo para sayo..” 

Pagpasok ko, 

Balik sa dating ayos ang kwarto ko. Napuno ng anime at nba posters ang mga pader. Ang cap collection ko na pinatapon ko na, andun ulit. Balik dark blue ang bedsheets ko. Yung higanteng Spiderman figure ko, nasa tabi na ulit ng PC ko. Yung basketball ring ko binalik din nila. 

“Ma? Ano nanaman ba ito?” 

“Anak-“ 

“You know how much I despise my old self! Bakit ba pilit nyo pinagpipilitan na bumalik ako sa dati?” 

“Kasi yun ang Denise na anak ko. Parang hindi na kasi kita kilala. Akala mo ba matatahimik si Xylan sa mga pinagagawa mo? Malamang ngayon sinisisi nya din ang sarili nya sa tuwing nagkakaganyan ka at tinatatak mo sa isip mo na ikaw ang may kasalanan ng pagkawala nya..” 

Sa totoo lang, si Papa ang ganito magsermon. Madalas, dinadaan sa biro ni Mama ang pagsaway sa akin. Ngayon ko lang sya nakita na ganito magsermon.. 

“I’m sorry Ma..” 

Walang imik na lumabas si Mama sa kwarto ko. Hindi ko na napigilan umiyak dahil sa mga sinabi nya. Bakit ba hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko? Bakit di ko matanggap na wala na si Xylan? 

Sketch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon