49: True Story of Past

5.5K 103 17
                                    

[Daniela's Point of View]

I was granted with one month leave from hospital dahil valid naman ang reason ko na mag fo-focus muna ako sa therapy ko. Honestly, ginawa ko lang yun na rason to heal myself. Para hindi ako masyado mastress sa trabaho and about our current situation ni Timothy.

Unlike what I told Tim, hindi ako kay na mama tumuloy. I asked kuya Davien if he have a place that he could lend pero wala. Ate Avah told me na si ate Melanie daw merong condominium na hindi na nagagamit. Wala nang nakatira since ate Melanie moved with kuya Noah and ang family naman ni ate Melanie ay doon nag e-stay sa pinatayo nyang bahay.

When I came to ate Mel, she gladly lend me her place. Lahat sila nagtanong kung bakit umalis ako sa bahay. I didn't tell them the whole story pero sinabi ko na may away mag-asawa kami. Hindi naman na nagtanong sina kuya at sina ate. They also promised me na hindi nila ipapaalam kay mama.

On my second day since I left home, binalikan ko ang mga bata na nakita namin ni Tim na palaboy-laboy. Fortunately, hindi sila lumalayo ng spot na yon. They are wearing the clothes na binili ni Tim for them ang kaso ay masyado nang madudumi ang damit nila kaya I bought another pair for them.

After they change clothes, pinakain ko sila sa fast food restaurant and then sinakay ko sila sa sasakyan ko. Dinala ko sila sa kumbento, sa ampunan where ate Avah and ate Melanie grew up. The nuns and children on the convent welcomed them warmly.

Araw-araw sa loob ng dalawang linggo, pumupunta ako sa simabahan. Minsan ay naaabutan ako ni Mother Segunda na nagdadasal sa altar, minsan naman may kausap sya na mga deboto about something.

Sobrang gumaan ang loob ko after two weeks dahil na din sa tulong nina Mother Segunda and ng mga bata doon. Tuwing hapon, bandang alas tres ang oras ng dalaw ko sa simbahan at lagi akong may dala para sa lahat ng bata na inaalagaan nila.

My whole two weeks was filled of prayers, faith, peace, I feel connected to God dahil I spend so much time in the church. I feel blessed kahit na ang bigat ng mga pinagdaanan ko ng nagdaang mga araw.

Two weeks is over. Today is already Monday and Tim must be already expecting me to come home. Pero bukas ko pa plano na umuwi dahil medyo nakukulangan ako sa two weeks. I missed my life na walang trabaho, walang asawa. My longing for this set up became my driving force to stay longer than what I promised to my husband.

It's already 4:08 on the afternoon when I finished praying. I lit up one candle saka ko ito itinirik sa tabi ng ibang kandila.

"Walang palya ang buong dalawang linggo mo na pagdarasal at pagtitirik ng kandila, anak. Pwede ko bang malaman kung ano ang araw-araw mong dinadalangin sa Panginoon?"

Napaligon agad ako nang may marinig akong boses.

"Mother Segunda... Magandang hapon po." I greeted with a smile and I unconsciously bow my head.

"Akala ko ay nakaalis ka na." Nakangiti pati ang mata ni Mother Segunda as she look at me with grace. "Katulad na katulad mo ang kuya Davien mo, hija. Noong panahon na nasa malayo si Avah, palagi din syang nagdarasal dito. At nagtitirik din sya ng kandila diyan mismo sa kinatatayuan mo."

"Talaga po? Hindi ko po alam yon ah." I chuckled then I scratch my nape.

Mother Segunda continued her storytelling.

"Ang palaging dalangin ng kuya mo noon ay ang pagbabalik ni Avah. Alam mo bang tinupad iyon ng May Kapal? Ano man ang ipinagdarasal mo, siguradong diringgin iyan ng Diyos." Mother Segunda stated with a wide smile.

Sana nga... Sana magkaanak ako. I wish God will hear my wish. My desire to bear my own children.

"Hayaan mo, anak, isasama ko sa aking panalangin ang iyong ipinagdarasal na makamit."

Since ChildhoodWhere stories live. Discover now