Nakarating na kami nila Carmie sa loob ng room namin, nang may mamukhaan ako... May itsura sya, hindi literal ah? Matangkad, hindi gaanong payat dahil physical fit sya, mukhang mayabang, at playboy. *think! think! *click! I know na!! ^_^ LAGOT!! O___O
"Huwaaatt!? Si ano! si ano! Si Mr. Shunga! Bat nandito sya? Wag nyong sabihing classmate natin sya?!"
"Huh? Sino? Sinong Mr.Shunga?"
"Yun! yun oh!" Sabay turo ko.
"Ah, si Kian ba kamo?"
"Kian? What a name!? Bat kasection natin sya?"
"Aba ewan!? Baka may ibubuga naman? Teka bakit Shunga?"
"Eh kasi kanina, binangga ako nyan eh!! Ang shunga shunga as in!!"
"Baka naman nabangga? Helerr! May difference po kaya yung binangga at nabangga."
"Whatever you say, shunga pa din sya."
"Crush mo lang sya nyan eh? Uyyy!?" tapos siniko siko nya ako.
"Hindi ah!? Ang kapal naman nya kung sya magiging first love ko!!?"
"First love agad? Masyado kang assuming ah?"
"Heh!!"
Pagkasabi ko nun ng malakas, napaharap si shunga ay Kian pala... yung tingin na yon, parang galit na natatawa. Then he smiled at me na evil smile.
Oh uh!! Lagot! lalapit sya, what am I going to do? Im sure na gagantihan ako ng mokong na to. Sinabihan ko sya na flower eh. Ano ba?!! Mokong naman ngayon? ano ba talaga??
Wala na akong choice kaya pumikit na lang ako... at hinihintay yung next step nya.
"...."
May naramdaman akong dumaan sa gilid ko. pero di ko pinansin.
"Mickay??"
"Hmmfn?"
"Mickay?"
"Oh?"
"Mickay dilat na!?"
Pagkadilat ko, walang Kian na nanakit sa akin.
"Ano ba!? Ang aga aga natutulog ka ng nakatayo!?? Puyat ka ba?"
"Ah .. hindi naman." tapos hinanap ko yung Kian na yun.
Nakita ko sya nakikipaglandian na agad sa iba.. aba matinde!!? Kakapasok lang nanlalandi na? Haay, wala na akong pake kung maglandian sila. Ang mahalaga ngayon, wala na sa kanya yung nangyare. Sa tingin ko di nya ako gets nung sinabi kong flower sya kaya wala na sa kanya yun. Flower talaga oh?!
Pagkaupo ko, bigla nang dumating si Mrs.Yambao at nagpakilala na bilang adviser namin. Kelangan din daw muna naming magpakilala para fair daw dahil orientation daw naman ngayon. Haissttt!! Hassle!
Haayy nako! Kainis! Eto na hate ko eh, ang magpakilala sa harap ng mga tao. Kaasar naman talaga tong life na to oh? Sarap manapak! Hindi naman sa nahihiya ako o kung ano pa man. Ayaw ko lang talaga na magpakilala pa, lalo na kapag sasabihin pa habits mo tsaka address mo hala hindi pa nakuntento! pati birthday pa! Ayos na sakin yung name na lang. Halos kilala na naman nila ako eh, mga transferees lang naman ang hindi kumikilala. Top#1 kasi ako sa klase namin kaya syempre yung mga tranferees nun magtatanong.
Hindi naman sa pagmamayabang, may disadvantage din kasi pag top1 ka. Gaya ng ... hindi ka pweding bumaba sa grades mo, dapat ipush mo pa! Kasi pagnangyare yon, nakakahiya, nakakawalang dignidad! De joke lang. Eto pa, tanong ng tanong ng scores katapos ng exams, kasi ikukumpara yung sa kanila. Then, pagmataas yung sa kanila .. lalaitin ka. Bat daw ganon? Mataas pa daw sila? Edi sila na!!? Plastikan lang ang peg? Hate na hate ko pa naman yung mga ganun.. Mga matataas ang lipad at tingin sa sarili. Nagmamagaling sa madaling salita. Tapos imbis na mag FB ka, text or what chuchu eklabu, irereview mo na lang kasi may exams, tas kapag di ka pa nakasagot sa recitation, sabay sabi ng teacher mo na "Eto ba top1 nyo? di halata." Edi sya na!! Eto pa matindi, lagi ikaw ang leader. Di ba pwedeng vice leader? Teka meron ba non? Eto pa ang malupett!! Nang dahil sa top top na yan, nagkakasiraan mga friendship nyo tapos may mga plastikan pa gusto laging may lamangan. Mabuti na lang at di kami ganyan ni BFF.
Gusto ko, kung pwede lang sana, pumasok na lang tayo sa school para matuto, maging masaya at lumigaya! Edi kung ganyan, ang saya saya ng life!!
Eto naman mga advantages ng pagiging top1... Magiging proud sayo parents at family mo, tapos may scholar ka pa. Tapos dadami friends mo kasi makikikopya. Tapos makikilala ka. Tapos, tapos, tapos?? Oh diba wla na? Napaka konte. Wewewait? SONA ko ba to? Haiissstt! Dami ko kasing ayaw sa school eh. Sarreee!!
"Next." sabay turo sakin ni Mrs.Yambao. "Huh? Ah oo nga pala!" sabay tayo sa harap
"Ahmm. Im Mickay Rama, 14 years old. Thats it, thank you." as simple as that.
Yung iba naman ... "Hi to each and everyone, Im Petrang Kabayo. Pet for short. My hobbies are watching T.V, reading books, browsing facebook and playing sports. I live in Baryo Kabayo and Im 14 years of age. I do believed in saying that, Every flirt is Dirt." Oh diba? Where na u? Dito na me! De joke lang.
After introducing ourselves, nagrecall lang kami sa mga last discussion namin nung 2nd year. At kung hanggang saan ung knowledge namin. 3rd year na pala ako ngayong school year.
Next subject namin ay Filipino, and to tell you guys, bored na nga yung subject bored pa yung teacher. Haaiiisstt! Im too bored! So I decided na makinig na lang the whole period sa mga chismosa kong classmates, kasi yung filipino teacher namin walang tinuturo kundi yung talambuhay nya.
Sa pakikinig ko sa mga classmates ko, yung about sa dating fourth year na naman yung issue. Anong issue don? Ang babaw nila. Di sila maka get over, muntik na daw kasing nagpakamatay yung girl na yun. At alam nyo ba ginamit nyang chemical? Chlorine! Wahaha! Magpapakamatay na nga lang yun pa! Kung ako sa kanya tatalon na lang ako sa upuan! Hindi ba talaga sila magsasawa kakachismis? Ipapakain ko na sila sa sawa eh.