Pumunta kami sa mall pero di pa rin nagsasalita si Shin. Ano bang nakakahiya don eh may twalya naman ako.
"Wait, nakita ko ata si Janelle?"-Jake
"Who's Janelle?"-Shin
"Classmate natin. Wait lang mga guys."-Jake
"Ano ka ba Jake? Si Janelle lang pala eh."
"Wala syang kasama parekoy, eto na ata pagkakataon."
"Pagkakataon ka dyan, eh kung lapitan mo kaya."
Hindi nga nya nilapitan pero nakita kami ni Janelle kaya pinuntahan kami. Tapos, umalis sila ni Jake dahil may bibilhin daw si Jake sa Cyberzone. Kahit wala naman!! Dun daw kasi pupunta si Janelle. Magtatapat na ata tong baklang to eh. Kaya ang ending, kami lang ni Shin naiwan. Buti nga at sinama to ni Jake eh, edi iniwan ako nun mag isa? Nag usap ata tong dalawa eh. Nakakabingi na tuloy yung katahimikan. Paikot ikot lang kami sa mall.
"Ah, Shin? San mo gustong pumunta?"
"Sa National Bookstore"
"Wow, talaga? Same pala tayo nang pinupuntahan dito sa mall eh. Kala ko wala ng lalaking mahilig sa books."
"Bat mo nasabi?"
"Wala lang. May favorite akong basahin don, yung Forbidden Love. Dun ko lang nababasa yun sana nga lang dipa nabili."
"Bakit di mo bilin?"
"Wala akong pera.. 540 sya eh. Makapal kasi, pero gusto ko pa ring basahin kasi nakakarelate ako."
"What does the story all about?"
"About sya sa babaeng broken family kaya napilitan syang magmahal dahil hindi nya yun ramdam sa tatay nya."
"Ganun ba yung life mo?"
"Hindi naman masyado, pero parehas kaming broken family at may similarities kami tungkol sa life namin. Tapos may nahanap syang boy na hindi pweding maging sila."
"Why?"
"Kasi magkapatid sila sa nanay. Tapos nun hindi ko pa nababasa yung next chapter kung nagkatuluyan ba sila o may nagawa ba sila para sa pag-ibig nila. Pero sana nga sila."
"Sana nga."
Nang makarating kami sa national, dumiretso agad ako sa favorite area ko.. para tingnan kung nandun pa yung gusto ko. Kaso walang nakabukas, nabili na ata tapos 3 na lang yung nandun. Sayang!
"Hala, pano ko to mababasa?"
"Gusto kong bumili." tapos kinuha nya yung dalawa.
"Oh bakit dalawa binibili mo?"
"Bakit masama?" sa pagsabi nya nun, parang nakita ko yung ibang side ng Shin. Hindi ko pa talaga sya kilala, pero bakit sumasama na ako sa kanya? Classmate ko lang naman sya eh.
"Oh bat ang sama ng tingin mo?"
"May bibilhin ka pa ba?"
"Ah wala, wala na kasi yung gusto kong basahin. Walang pweding basahin dito eh, lahat binebenta."
"Tara sa counter."
"1,080 pesos po sir."
Ang yaman talaga siguro nito, 2 books lang binili higit 1 thou na? Hindi nga nya alam kung maganda talaga eh.
"Uy, kwento mo na lang sakin yung story ah, o kaya pahiram mo ko pagtapos mo."
"Eto sayo yung isa."
"Talaga? Kala ko bibigay mo sa iba."
"Kanino naman?" habang tumatagal parang naiinlove ako sa kanya. Yuck bakit ba ako nag aassume? Inlove agad?
"Gf?"
"Wala ako nun. Nawalan pala ako. Basta, sabay nalang natin tong basahin. Anong chapter ka na ba?"
"Chapter#15 pa lang ako."
"Sige sisimulan ko nang basahin mamayang gabi." nawalan ng ano? gf? Sa gwapo nyang yan? Hay nako.
Pauwi na kami sa apartment, nang busog! Haaay, grabe treat nya lahat. Ayos din si parekoy eh, alam mga gusto kong kasama. Mga galante!
"Bukas pala uuwi muna ako sa bahay, may kukunin ako eh. Gusto mo bang bumisita?"
"Sure. Wala naman akong practice eh."
"Practice saan?"
"Tae kwon do"
"Talaga? Ayos ka ah, gusto kitang kasama."
"Talaga?!"
"Ah, oo syempre mapagtatanggol mo ko diba?"
"Yun lang?"
"Oo meron pa ba?"
"Ah wala na."
"Tsaka galante ka kaya masarap kang kasama."
"Thanks."
"Pero hindi pala ako uuwi sa apartment, matutulog muna ako dun. Miss ko na kasi sila mama. Okey lang ba kung ikaw lang mag isa uuwi dito?"
"Okey lang."
"Thanks! Wala kasi si Carmie bukas, uuwi rin sya kaya wala akong kasabay. Tapos si Jake naman pupunta daw sa dabarkads nya, magdodota ata. Di na nagbago yun!! Ikaw ba nagdodota?"
"Hindi, wala akong hilig dyan. Ginagamit ko kasi yung internet sites sa good purposes."
"Are you gay?"
"Hindi naman ibig sabihin na wala kang dota gay ka na."
"Sabagay. Astig ka nga eh, nagtetaekwondo ka pa."