"Good morning Mickay!"-Jake
"Anong good sa morning aber?!"
"Bat ba umagang umaga napaka bitter mo?"
"Tsk."
"Hoy Carmie, ampalaya ba inulam nyo kanina? Bat ang bitter netong best friend mo!?"
"Ewan ko nga din eh, baka may alam mo na?"
"Anong alam ko na?"
"Yung kada buwan?"
Jake> (?_?) > Thinking.
"Ah! May utang sya sa bumbay tas binabayaran nya kada buwan kaya ganyan sya kasi nasingil sya ganon?"
Ang tanga din naman nitong si Parekoy oh!
"Jusme! Sadyang tanga ka lang ba o bobo?! Haist!"
"Ano nga kasi yon? Hindi kita magets."
"Wag mo nang alamin. Grabe ka."
"Ano nga kasi yon?"
"Walaaaaa! Hoy Micks, ano bang problema mo talaga? Kagabe ang saya saya mo lang huh? Meron ka nga siguro noh?"
"Tsk! Oo na meron na! Ano bang pake nyo!? Psh! Bwiset!"
"Ano ba kasing meron meron na sinasabe nyo?"-Jake
"Manahimik ka na lang pedeeee!?"
"Tsk. Sige Carmie puntahan ko muna si Janelle. Maya ko na lang puntahan tong si Parekoy pag okay na sya."
"Okay, sige."
"Ikaw na bahala sa kanya huh? Di ko talaga kayo magets."
"Hahahaha, sige na nga."
Pinuntahan ni Jake si Janelle gaya nga ng sabi nya. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung sila ba ni Janelle o hindi. Wala na akong balita sa mga kaibigan ko. Ewan ko ba kung bakit. Haaay.
Speaking of meron, oo meron ako ngayon pero hindi naman ako ganito dati. Kalimitan, parang wala lang. Parang hindi ako babae pag nagkakaron, pero minsan masungit ako kahit wala. Di ko na rin magets sarili ko. Parang may gusto akong makita, kaya naiirita ako. Pero hindi ko talaga alam kung sino o ANO?!
"Hoy, hoy, hoy! Ano na naman bang drama to? Hindi ka naman ganyan pagnakakaron ah?"
Nga pala, simula nung magbreak sila ni Sheriff lagi na nya akong sinasamahan. Buti na lang. Bwahahaha!
"Ewan ko nga rin eh."
"Haynako. Anyway, may sasabihin ako. Importante."
"Ano?"
"Lilipat na ako ng simbahan sa pagchochoir ko. Baka kina tita ko. Malapit lang kasi yung simbahan don eh. Tsaka medyo nagbago mga ka-choir ko, di ko na sila matagalan."
"Sooo?"
"Baka, hindi na ako sumama sayo sa pagrerent sa apartment. Lilipat na lang muna ako kina tita."
"Huh?! Kelan!? Ang bilis naman ata?!"
"Ah, hindi pa naman ngayong month. Tsaka pag iisipan ko muna ng mabuti yon."
"Wag mo nang pag-isipan! Wag mo ng ituloy yan!"
"Hahaha, ikaw talaga. Magfofocus muna ako sa pagchochoir para alam mo na. Para medyo mas makalimutan ko pa yung sa amin ni Sheriff."
"Sige na nga!"*Pout
"Hahaha, para kang bata!"
"Oh, pano pala mama mo? Alam nya na ba to?"