Chapter#13

3 0 0
                                    

   Dumaan ang 3 subjects na hindi ko pa rin kinikibo si Shin, katabi ko pa man din sya. HAYNAKO.

   Bute na lang at recess na, kaya nauna na akong bumili sa Canteen. Gutom na kasi ako noh!

"Recess na ba?"

"Ewan!"

"Eh, bat kumakain ka na?"

"Edi gumaya kayo!" mga kaklase kong to oh, mga inggitera! Idol ata ako ng mga to eh.

"Bat di mo ko hinintay?"

"Bakit nagpapahintay ka ba Shin?"

"Ah, hindi? Pero kahit na, sana tinreat kita."

"Talaga?!! Tara sa canteen, nagutom ulit ata ako eh."

"Hahahaha, okey."

   Tinreat nya nga ako, galante talaga to oh.

"One of my favorite person... SHIN!!"

"Talaga?"

"Oo, mapaglibre, gwapo, mabait, matalino, almost perfect na nga eh."

"So, do I have a chance to have you?"

"Agad agad? Maybe, di ko pa kasi nakikita ibang side mo eh, pati baka mala gangster ka pala, kamukha nung Maru na yun." napatigil sya nung binanggit ko name ni Maru.

"Si Maru?"

"Oo, bakit may problema?"

"Ah, wala."

"Yun naman pala eh, kwento mo nga naging childhood nyo."

"Sure ka?"

"Oo. I wanna know him."

"Do you mean, you are interested with him and the worst, do you like him? I thought I was the winner."

"Huh? Pinagsasabi mo? Sabi ko lang, ikwento mo childhood nyo."

"Kukwento ko na lang kapag nasa mood na ako."

"Wait lang!"

   Lalaking to oh, ganyan ba sya kagentleman? Nang iiwan ng babae?

   ***Uwian na, si Carmie kasabay ko sa pag uwi dahil wala ata sa mood si Shin kanina pa.

"Hoy PANGET!"

"SINONG PANGET!!?"

"IKAW!"

"MAS PANGIT KA!"

"And so? People know whats real."

"People mo mukha mo!" pero ang cute nya. Kainis!

"Sino sya Mickay?" tanong ni Carmie

"Ah, wala! Panget na nga, panget pa ugali."

"Panget ka dyan, ang cute nya nga eh. Ang Wafuu! Pakilala mo ko!"

"Sira ka ba? May Sheriff ka na, tas pagpapalit mo tong mokong na to?"

"Mickay!! Iwanan na nga kita dyan! Pupuntahan ko pa pala si Sheriff eh, pinaalala mo pa kasi eh! Tsk!"

"Ayaw mo nun? Pero teka wag mo kong iwan!"

"Sige babaaayyy!!"

"Ahhh, bat iniwan ako nun!"

"Panget ka kasi."

"Ikaw kasi eh! Wala tuloy akong kasabay!"

"Kasalanan ko bang naging panget ka?"

"Are you kidding me? Mas panget ka pa nga sakin eh!"

CrushMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon