One month na ata ang nakakaraan, one month na rin akong nagtataka. Bute na lang at sabado ngayon. Nung hapon kasing ako lang mag isa sa apartment, may nagtext sa akin.
*Flashback:
From: +6393583...
Hi Mickay!
wow, istorbo kumakain ako eh.
To: +6393583...
Shinu toh?
Fr: +6393583...
Si Shin to.
To: +6393583...
Aba, niloloko mo bako!? Kumakain ako kaya shinuh toh nasabi ko tapos sasabihin mo ikaw nga si Shin? Wala naman akong kilalang Shin ah!
Fr: +6393583...
Ikaw ba si Mickay Rama?
To: +6393583...
Oo bakit.?
Pagkasent ko nun may kumatok. Kaya binuksan ko, nakita ko si Mr. Huang.
"Oh bakit?" *Gulp.
"Narereceive mo ba text ko?"
"Text? Nagtetext ka sakin?"
"Oo, katext nga kita bago ako pumunta dito eh." napakafluent tlaga nitong managalog oh, konti lang daw? Niloloko ata ako nito eh.
"Ah, ikaw ba yung Shin? Ay Shin nga pala pangalan mo sorry. Sige save ko na lang bye."
"Teka, ahm."
"Ano?"
"Ah wala sige goodnight."
"Hello? 4:00 pa lang ata noh?"
"Ah, basta.. zài jiàn"
"Ano?!!"
"Sabi ko bye."
"Mahirap bang sabihing bye?"
"Ahm, hindi?"
"Oh, bakit hindi na lang bye?"
"Wala lang? Sige di na ako magmamandarin."
"Good! Pati wala ka naman sa China noh."
"Ah kasi..." tapos pinagsarhan ko sya ng pinto.
"Haaay, istorbo."
Teka parang ang sungit ko naman ata? Wala naman syang ginagwa sakin ah. Bakit ba ang bitter ko?
*End of Flashback.
Bakit ba iniiwasan ko si Shin?
"Aaaaaahhh!!!"
"Huh bakit napano ka!!!??"
"Eh kasi ang bitter ko eh."
"Sus, kaya wala kang lovelife eh!"
"Naiinis talaga ako kelan ba ako magkakaron ng maayos na lovelife? Ganun ba talaga ako kapangit? Hindi naman siguro diba? Naiinip na ako! Pakiramdam ko ako ang bida sa fairytale ko pero bakit walang lovelife?"
"Natural imagination mo lang yan, maghintay ka lang.. at pagna-inlove ka di mo mamamalayan na nafofall ka na pala."
"Expert talaga to sa love oh, musta na pala kayo ni Sheriff? Yung boyfie mo."
"Ah eto, feeling good pero minsan sa sobrang tagal namin magkasama parang nakakasawa din."
"Almost 1 year ba naman yung relasyon nyo panong di ka magsasawa, tapos nagagawa mo pang magkacrush sa iba. Matindi ka rin eh noh?"
"Crush lang naman noh."
"Pati pano kung mag asawa na kayo? Edi mas magsasawa kayo? Diba ang love walang katapusan yan?"
"Ahhh, oo nga noh. Parang natatauhan tuloy ako. Bat pa nga ba ako nagtsatsaga sa kanya kung ngayon pa lang sawa na ako. Diba? Dapat ang love, endless yan!"
"Pano ba naman kaya hindi kayo legal, mga illegal kayo kaya di nyo tlaga feel isa pa masyado pa kayong bata noh. Enjoy your life! Do what you want!"
"Eh, kung magbreak na kaya kami?"
"Sira ka ba!?? Ganun ganun na lang? Ang tagal na ng relasyon nyo tapos nung kinausap kita natauhan ka bigla? Aba hindi naman ata tama yan? Baka bugbugin pa ako ng Sheriff na yun dahil prinovoke kita na hiwalayan sya."
"Sabagay.... Mahal ko pa rin sya kahit nakakasawa, parang nakakamartir! Nga pala aalis kami ni Sheriff today, sama ka?"
"Ano ka ba, date nyo yan noh.. Si Jake nalang kasama ko, nandyan lang naman yan sa kabila."
"Haha, si Jake na lang lagi mong kadate eh. Palibhasa walang lovelife. Sige, aalis na ako naghihintay na kasi si Sheriff sa mall eh. Bye."
"Sige, aalis ka na nga lang manlait ka pa. Sige ingat."
Haay, ako na naman mag isa. Kelan ba ako makakahanap ng boy na lagi akong dinadalaw at nililibre sa mall? Haay, lagi nalang kasi akong nag iilusyon eh. Puntahan ko na nga lang si Jake.
"Ay kabayo ka!"
"Ano ba naman to oh, kabayo ba ako? Ang gwapong kabayo ko naman.?"
"Kapal! Pupuntahan pa lang sana kita eh, buti pumunta ka na."
"Magpapasamahan sana ako eh."
"Saan? Sa mall?"
"Pano mo nalaman?"
"Eh, papasamahan din ako eh. Umalis si Carmie kasama ni Sheriff."
"Wow, sila pala?"
"Jusko! Matagal na, ang bobo nito oh. 1 year na nga eh."
"Edi 1 year na rin akong bobo? Joke! Kala ko kasi break na sila, tara alis na tayo. Nakabihis na nga ako eh"
"Ako din naman nakabihis na."
"Nang pang alis. Sige na magbihis ka na. Dito lang ako sa sala."
"Maliligo pa lang ako eh. Sandali lang promise!"
Pumunta agad ako sa banyo sa sobrang pagmamadali. Mga 15-20 minutes siguro ako naligo.
Patay! Nalimutan ko twalya ko sa sala! Shocks! Lagot ako nito, alangan pumunta ako sa sala nang naked. Hello, nandun po kaya si Jake, kahit na bbf ko yun lalaki pa din sya.
"JAAAKKEEEE! PAKUHA NAMAN NG TOWEL SA SOFA! PLEASE!!!"
"AYAW! PUMUNTA KA DITO."
"BALIW KA BA!??"
"JOKE, NANIWALA NAMAN TO OH. SANDALI LANG MAY TUMATAWAG."
Yun oh, nakuha ko na din towel ko. Pero parang ibang kamay nakita ko eh, parang ang puti. Pumuti ba si Jake? Parang ang ... basta!
Ngayon naman sa kwarto ako magbibihis dahil sanay talaga akong sa kwarto magbihis. So, madadaanan ko yung sala. Bayaan mo na, si Jake lang naman. bbf ko naman yun.
"Im done!!" paglabas ko nakatwalya lang ako. Wala si Jake. Good! Pero nakita ko naman si Shin! Oh no! ^_^ >> O_O
"Sorry!" Nanlaki mata nya pero agad din naman siyang tumalikod.
Agad naman akong pumunta sa kwarto para magbihis dahil nakakahiya.
After ilang minutes lumabas na ako.
"Oh, ang tagal mo naman pala!" -Jake
"Bat, bat nandito si Shin?"
"Ah niyaya ko sya. Pasalamat ka nga sya pa nag abot sayo ng twalya eh. May tumawag kasi, si mama."
"Ano sya yun!?? Ang tamad mo! Bat di mo sinabi na naliligo ako."
"Bakit ano bang nangyari? Wag mong sabihing nakatapis ka lang?"
"Oo?"
"Hay nako! Yun lang pala eh. Kala ko naked ka na."
"Ah!!! Tara na nga."
