Chapter#12

4 0 0
                                    

"Mickay"

"Mickay"

"Mickay!"

"MICKAY!!"

"Huh ano?" sabay inat.

"Gising na po kayo at malelate ka na nyan."

"Huh? Anong oras na ba? Mga 6:30 lang naman."

"Maaga pa pala eh, maya na."

"Maaga ka dyan."

"Ay si Shin pala!!!" biglang bangon ko.

"Wala na! Nauna na kaya, 5 AM pa lang umalis na. Buti pa sya may isip na umuwi kahit gigising sya ng maaga, di tulad ng iba dyan."

"Ate Athena naman?"

"May nangyari ba kagabi?"

"Kagabi? Wala kaya!!"

"Oh, bat galit ka? Eh, kasi hindi man lang sya nagpaalam sayo na aalis na sya."

"Bakit bf ko ba sya?"

"Sabagay hindi. Mag ayos ka na nga!"

"Oo na."

   Daily routine sa umaga was done! Bat parang tamad akong pumasok ngayon? Sabagay tamad naman talaga akong pumasok ng umaga. Pero hindi eh, diba dapat ganahan ako dahil may nalilink na sakin? Ayyy ewan!!!

"Oh, bat ginulo mo buhok mo? Susuklayin mo tapos guguluhin!" Baliw ka ba?"

"Hindi. Tamad ata akong pumasok."

"Hindi mo namimiss si Shin?"

"Bat ko mamimiss yun? bf ko ba yun?"

"Bakit kapag sinasabi ko si Shin lagi mong sagot 'Bakit bf ko ba yun?' diba friends kayo? Di ba pweding mamiss ang friend? bf lang ba? Ang labo mo ah."

"Oo na malabo na paningin ko."

   Umalis na agad ako, sumakay ng jeep at may nakitang lalaki. Hindi basta lalaki, sya ata yung nakasakay kong nakasalamin dati na purple. Remember? Eto na ba tinatawag nilang destiny? Sabi kasi ni Hannah kapag nakita ko daw ulet yung lalaking to, destiny na daw to. Maniniwala ba ako o hindi?

   OMG lumapit ulit sya, hindi kaya sya na talaga? Eh, pano si Shin?

"Para po!" bumababa na agad ako sa kanto dahil di ako makahinga kapag katabi ko yun, baka mamatay ako. Bumibilis kasi tibok ng puso ko. May sakit siguro ako?

   Nasa tapat na ako ng school pero napatingin ako sa isang lalaking nakatayo sa harap ng gate at mukang may hinahanap. Maaga pa naman kaya tiningnan ko ulet. My Gosh!!!! Yung lalaking nakapurple na salamin! Yung mukang korean! Sya nga! Pano na to, saan ba sya dumaan? Sa kabilang kanto? Nauna pa sya sakin eh, baka tinitingnan nya kung nakapasok na ako? Sweet naman. O baka hindi!!? Assumera ba ako? O baka stalker ko to? Ang gwapo naman!!?? Matanong nga...

"Ah, excuse me, stalker ba kita?"

"Stalker? Excuse me, Im not interested with your fucking life."

   Not interested? Ibig sabihin assuming lang ako? Huhuhu.

"Ah, sorry naman! Pano ba naman kaya nakita kita sa jeep tapos nakita pa kita dito, tapos lumalapit ka pa sakin kapag nasa jeep, so ano yun?"

"Ikaw bata ka assumera ka, malapit na lang kasi bababaan ko kaya lumalapit ako. Problema don?"

"Ah, wala! Sabi ko nga feelingera ako!"

"Teka, anong year ka na?"

"Bakit interesado ka? Kala ko ba youre not interested to me?"

CrushMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon