(Mickay's POV)
"Dito ka na lang matulog, please? Pumayag na naman si mama eh, ang lakas lakas kaya ng ulan. Ayaw mo ba sa sofa?"
"Ah, okey lang po ba talaga tita?"
"Basta dito ka sa sofa, baka magtalo pa kami ni tita Lanie mo pagpinabayaan ka namin."
"Sige na nga po."
"Yeheyyyyy!! Dito matutulog si Shin! Dito matutulog si Shin!"
"Para ka talagang bata Mickay!"
"Ate naman!"
"Tita oh si Mickay lumalandi na!"
"ATE!!" nakahawak pa rin ako kay Shin. "Hindi Shin, dont dont, dont wag mo syang paniwalaan!"
"Oh, ano naubusan ka ng english noh?"
"Hindi po kaya."
"Matulug na nga kayo! Nakakahiya sa kapitbahay, around 8 na."
"Ma, ang aga pa eh, mauna ka na."
Si mama talaga oh, ang aga aga eh. Ang lakas pa kasi ng ulan kaya dito muna si Shin.
"Sige matutulog na ako, maaga kasi kami bukas ng mga classmates ko eh."
"Ah sige ate, goodnight. Susunud din ako later. Oh, Shin magsalita ka naman, magkwento ng buhay mo something like that."
"Ano ba gusto nyong malaman?"
"Ako meron, bakit di ka pumasok dun sa Roosevelt Academy? Di ba mas maganda ata dun?"
"Ahm, may iniiwasan ako dun sa school na yun. Pero friend ko sya, ang labo noh? Friend mo pero iniiwasan mo. Isa pa may dahilan ako ng pagpili ng school na yun, may isa kasing babae na gusto ko pang makilala."
"Sino naman? Classmate ba natin?"
"Oo. Actually..." papalapit sya ng papalapit bago nya sabihin yung next.
"Actually kausap ko na sya ngayon, gusto pa kitang makilala Mickay. Hindi ko alam kung bakit pero may something sayo. Okey lang ba kung kilalanin pa kita?" sa mga sinabi nya parang sya lang naririnig ko, parang hindi ko naririnig yung tv namin. Parang ang tahimik.
"Teka" tinulak ko sya ng medyo mahina. "Almost one month pa lang ata tayo magkakilala eh, gusto mo na agad akong kilalanin? Sa ginagawa mo ngayon di mo pa ba ako kinikilala? Sabihin mo nga sakin, nagugustuhan mo na ba ako?"
"Hindi ko rin alam. Pero dahil may connection tayo sa isat isa mas napapadali saking magustuhan ka. I dont know! Sorry sa mga sinasabi ko."
"Hindi kita magets, diba friends lang tayo? Kung pwede siguraduhin mo muna yang nararamdaman mo," tapos tinuro ko yung dibdib nya kung san nakalocate yung puso nya "dahil hindi sa lahat ng oras pwede mong sabihin nararamdaman mo." then iniwan ko syang mag isa sa sofa.
Napaaga tuloy pagtulog ko, actually di ako makatulog ng maayos, di ako makatulog sa mga sinabi nya. Sya na ba talaga? Napaka awkward na tuloy namin.