3 PM natapos yung klase namin kaya naman gaya na lang nang napag usapan namin ni Mickay, sasamahan ko syang bumili ng dreamcatcher. Pumunta kami sa kakilala ko na si Kuya Garry na gumagawa ng dreamcatcher, pero hindi lang basta ginagawa yun ah? Ginagawan nya talaga yun ng ritual pero ewan kung lang kung effective yun kasi di naman ako mahilig maniwala sa mga ganyan.
Tapos nung nakabili na kami ni Mickay, kumain muna kami sa isang fast food. Hulaan nyo saan? Sige wag na pala, edi sa McDonalds! Favorite talaga namin ni Mickay tong fastfood chain na to. Ang daming memories!
*Flashback:
"Oh, magready na kayo sa party! Bawal ang walang gifts!" lagot ako! wala akong gift kay Mickay.:(
"Huh? Eh pano po yan wala po akong gift?"
"Hahaha, ayus lang yun baby, wala ka pa namang pera pambili. Hayaan mo na si mommy mo."
"Talaga po tita?"
"Yes, nagbibiro lang ako kanina. Ayus lang na walang gift atleast nag attend kayo. Am I right Mickay?"
"Maaa! Gusto ko ng gift eh!"
"Huh eh sorry wala akong dala."
"Edi umalis ka na! Get lost!"
"Stop Mickay! May dala naman yung mama nya kaya wag kang ganyan."
"Okey! Anong gift?"
"Basta mamaya na, madami pa kaming bisita. Go play with Carmie. Behave okay?." tapos umalis na si Mrs. Rama.
"Yes mama."
"Hi Mickay! Happy birthday!" bati ko sa kanya.
"Hello? Ahm Im sorry kanina, pwede ba tayong maging bff? Wala kasi akong bff dito, see? Lahat sila enjoy ako lang hindi tsaka isa pa malapit lang bahay nyo sa amin kaya pwede naman siguro tayong maging friends. Kung okey lang!"
"Ah o----"
"Kung ayaw mo okey lang, pero friends naman mama mo pati si mama ko. So why it can be?"
"Hin----"
"Please?"
"Oo na! Bff na tayo! Di mo pa nga ako pinapatapos eh!"
"Talaga? Thank you! Tara samahan mo kong maglaro sa side na yun oh!?"
"Tara! Wait magpapaalam muna ako kay mama."
"Sige samahan na kita."
*End of flashback.
Ang kulit ni Mickay noh? Bata pa lang ganyan na talaga yan. Natatawa nga ako pag naaalala ko yun, ang bilis namin naging bff pero kahit mabilis, matagal naman pagsasama namin. 8 years old sya nung magbirthday sya McDo na to, at 9 naman ako nun. Now, teens na kami .. 14 sya tapos ako 16 na, ang bilis nga naman talaga ng panahon oh!
"Hoooyy! Carmie! Anong order mo? Yung usual ba o iba naman?"
"Yung---"
"Kanina pa kita kinakalabit tsaka kinakausap pero tulaley ka lang tas may pangiti ngiti ka pa."
"Ah kasi---"
"Siguro iniisip mo nanaman crush mo noh!? Share mo naman!" tapos siniko nya ako.
"Waaiiit lang! Patapusin mo muna kaya ako! Hindi ko na nasabi eh!" wow, nakakahiya! Lahat ng people nagsitinginan sa amin! Patay!
"Huy. Wag ka ngang mag iskandalo dito. Baka palabasin tayo ng di oras eh." binulong nya sa akin yun ng medyo mahina pero dinig ng katabi namin.
"Ay sorry. Ah oo yung usual nalang orderin mo dali! Para di na nila tayo tingnan! Nakakahiya!"
