"Mamaya na, kakatulog ko pa lang eh. Bakit mo ba ako kinakalabit?"
"Hoy Mickay gumising ka na dyan, nakakahiya."
"Eh, kakatulog ko pa lang ate eh. Hahahaha, tigilan mo ko! Stop tickling!" ano ba yan!
"Isa! Tigilan mo ko."
This time, dumapa naman ako para magstretching, tapos napadilat ako bigla ng may humampas sa ulo ko.
-_____- >>> O________O OMC!!
Nagtakip ulit ako ng kumot dahil parang nanaginip ako. Nasa ulunan ko sya at pinapanuod akong matulog? OMC totoo ba yun? Bat nandito sya sa room ko? Ang aga aga pa eh! Tulo laway pa man din ako! Nakakahiya!
"Hoy, bangon na! Anong oras na kaya noh? 7:48 na! Pupunta pa tayo ng TH eh! Tulo laway." pinunasan ko agad laway ko.
"Hoy bakit nandito ka sa room ko? Wala na ba akong privacy sayo?"
"Sabi ni ate gisingin na kita eh. Hirap ka daw kasing gisingin."
"Oo na! Umalis ka muna! Labas!"
"Hahaha, oo na. Kala mo naman pagnanasaan kita."
"Labas!" buti na lang may banyo ako dito sa kwarto kung hindi bababa pa ako.
Maru's POV:
Ano na bang oras? Mapuntahan na nga yung babaeng yun. Nagtext naman ako sa kanya kagabi kung anong oras ah? Ang sabi ko 7:30 kami magkikita sa main gate. Babaeng yun oh!?
"Where are you going? Huh?"
"Sa TH, why?"
"Ah, dun na naman? Ano bang natututunan mo don huh? Pakikipag away?"
"Kelan ka ba naging concern sakin? Huh, MOM? Bago yata yan ah?"
"Son, para sayo din naman ginagawa ko ah? Is that your father's taught?"
"Atleast si dad, sinusupport nya ako sa bagay na gusto ko. Di katulad nyo, is this what you called tough love? Grabe feel na feel ko."
"Wait, we need to talk."
"For what? Wala na mom, wala na."
Then I left her. For what purposes kung makikipagtalo na naman ako sa kanya?
After kong maglakad papunta kina Mickay, hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa kong pagsundo pa sa kanya. Makapagdoor bell na nga lang.
After kong magdoor bell, lumabas si ate Athena. Wala daw si tita kasi maaga pa daw work nun.
"Halika samahan na lang kita kay Mickay at ikaw na ang gumising. Hirap gisingin ng babaeng yun eh."
"Okey sige."
Umakyat kami sa taas, siguro dito kwarto ng babaeng yun. Tapos pumasok kami sa may kwarto ni Mickay.
"Hoy Mickay gising!"
"Mamaya na, kakatulog ko pa lang eh. Bakit mo ba ako kinakalabit?"
"Hoy Mickay gumising ka na dyan, nakakahiya." tapos umalis na si ate at iniwan kami.
"Eh, kakatulog ko pa lang ate eh. Hahahaha, tigilan mo ko! Stop tickling!" haha, sarap pagtripan ng babaeng to. Ang daming kiliti.
"Isa! Tigilan mo ko." tapos dumapa sya. Haha, kala nya siguro si ate Athena. Pagdapa nya, hinampas ko sya sa ulo. Aba ayaw pang bumangon? Tapos nung nakita ako nagtakip ulit ng kumot. Haha, gulat na gulat. Sarap kunan ng picture tong babaeng to. Tulo laway pa man din.
"Hoy, bangon na! Anong oras na kaya noh? 7:48 na! Pupunta pa tayo ng TH eh! Tulo laway." drooling girl!
"Hoy bakit nandito ka sa room ko? Wala na ba akong privacy sayo?"
"Sabi ni ate gisingin na kita eh. Hirap ka daw kasing gisingin."
"Oo na! Umalis ka muna! Labas!"
"Hahaha, oo na. Kala mo naman pagnanasaan kita."
"Labas!" tapos lumabas na ako.
Naku maliligo pa yun, matagal pa naman maligo mga babae. Baka malate kami nyan eh. Sabagay wala namang late late sa TH eh.
"Oh, Ruru kain ka muna."
"Ay hindi na ate, kumain na ako eh. Manunuod na lang ako dito sa sala."
"Okey, sabi mo yan eh."
After 25 mins, sawakas lumabas na rin! Ang tagal grabe!
"Oh, bat ang ---" iba ata sya ngayon, ang ganda ng bihis. Bagay sa kanya. Baka naman akala nito magdedate kami?
"Ano?"
"Wala, sabi ko tara na."
"Bye ate!"
"Oh, kain ka muna."
"Ah, hindi na. Busog pa ako. Kakain din ako mamaya sa labas."
"Okey, ingat!"
"Sige ate!"
Sabi ko na eh, akala nya magdedate kami. Ayaw kumain eh. Baka magpalibre pa to. Puro credit pa man din dala ko.
"Hoy, baka kung ano iniisip mo ah? Baka akala mo magdedate tayo, feeling ka."
"Bakit may sinabi ba ako?"
"Ah, wala. Ineexplain ko lang. Punta pala muna tayo sa mall may bibilhin ako."
"Okey, pero sandali. Hindi talaga kita magets. Akala ko ba kailangan kitang layuan?"
"Sabi nya lang yun. Hindi ko sinabing gagawin ko. Sino ba sya para diktahan ako sa bagay na ayaw nya? Kaibigan ko ngang naturingan pero dahil sa iisang bagay nagkagulo."
"Ano ba yun?"
"Basta, masyado ka pang inosente para malaman ang mga bagay na ginawa namin."