After mga 5 mins, dumating na si Jake. Nakapang araw araw lang, feel at home din kasi tong mokong na to eh.
"Oh, parekoy naglalaro na pala kayo eh. Hi guys!" sabay appir!!!
"Ang tagal mo kasi eh!"
"Hello Jake."-Carmie and Athena, sabay pa!
"Ah, sya ba yung Jake? Nice meeting you bro. Im Maru Cheon. Pero Ruru na lang if you want."
"Ah, parang nakita na nga kita pero di ko alam kung saan eh. Im Jake Quaker."
"Ah, madalas ako sa appartment ng tita mo noon. Pati madalas din ako sa school nyo kaso sa gate nga lang."
"Ah oo!"
"Hinihintay ko kasi si Shin na lumabas kapag may practice kami sa tae kwan do class namin."
"Wow, nagtetae kwon do ka?"
"Oo naman, gusto mong sumali?"
"Oo naman! That will be a great opportunity! Ayus ka ah, kaysa dun sa Shin. Ang tahimik kasi nun eh."
Kainis sila, bakit ba lagi na lang si Shin kinocompare nila sa kanya? Ang layo kaya nila! Tsaka bakit ba lahat ng mameet nya niyayaya nyang magtae kwon do? Pero buti naman lahat gusto sumali at interesado. Ako lang ata medyo hindi. Tapos napapasok nya agad sa usapan kahit kakikilala pa lang nya, kaya tuloy nagiging close nya na agad. Haiist!
"Kasali ka rin ba Mickay?"-Jake
"Saan?"
"Sa tae kwon do."
"Ah magiging member pa lang."
"Ayus! Magiging masaya to!"
"Uy ano ba, maglalaro pa ba tayo? Tara na!"
Kainis, lahat na lang ng bff ko close nya na agad. Bat nung kay Shin, iba trato nila? Lalo na tong Jake na to!
Mga lagpas 1 hour na kaming naglalaro ng scrubble tsaka ng kung ano ano.
Adik din netong lalaking to eh, inubos cheese sticks tsaka jelly ace ko! Parang ngayon lang nakatikim! Iba talaga mayayaman, parang wala sa bundok yung mga kinakain!
"Gusto nyo pa ba ng cheese sticks guys?" alok ni ate.
"Ako ate gusto ko pa. Pati yung jelly something na to."-Maru
"Haha, para kang bata! Jelly ace yan!"-Athena
"Ah, basta penge!"-Maru
"Ang kapal din ng muka mo eh noh? Di ka pa nakuntento sa pag ubos ng cheese sticks at jelly ace ko? Uubusin mo ba stock namin?"
"Marami pa naman ata kayo Micks eh?"-Carms
"Carms naman, kelangan ba maubos muna bago ako magreklamo?"
"Okey, no comment!"-Carmie
"Ako din!" sabi naman ni Jake.
"Hindi ka ba pinapakain sa inyo? Diba mayaman kayo?"
"Oo pero di naman kami kumakain netong mga to eh. First time ko pa lang to natikman eh."
"Aw! Kawawa ka naman Maru. Kahit pala mayaman patay gutom din pagdating sa pagkaing mahirap."
"Oo nga. I agree. Kaya Mickay tigilan mo na si Maru."-Athena
"Oo nga ate, tama ka!"-Carms
"Hayaan mo tong si Parekoy, masungit talaga to eh. Baka meron lang to. Haha." Ah ganyanan na?
"Haha, patawa! Bat ba sya kinakampihan nyo? Kung alam nyo lang ugali nyan! HAYNAKOO!"
"Oh, anong ingay yan?"
