Chapter#6

4 0 0
                                    

(Saturday)

"Wow! Awesome! Nice pick Mickay! Good job!"

"Wow! Lahat na ata sinabi mo ah? Diba sabi ko naman sayo na maganda? Well, well, well .. Ako pa ba!? Im great than great!"

"Oo na! Bute na lang at may discount tong apartment ah? Teka sabi mo dadaan tayo dito kahapon? Ay oo nga pala umalis ka, saan ka pumunta non? Ganda talaga! Maganda pa sa kwarto mo!"

"Kwarto ko? Bat kwarto ko na naman napagdiskitahan mo!? Malinis naman kwarto ko no! Pumunta muna ako sa library may hiniram lang akong book."

"Ah okey. Malinis lang pero mas maganda to!"

"Oo na! Sure ka ba na tatagal tayo dito? Parang di naman tayo nagkakasundo lagi eh."

"Hindi yan! Think positive! Ngayon lang to noh, pati super close na natin para na kaya tayong magkapatid!"

"True! Nga pala, sa lunes ng gabi nalang tayo matulog dito. Ayusin muna natin to hanggang bukas, pagandahin pa tsaka linisan. Linggo naman bukas diba? Tapos last day na nun natin sa bahay bukas! Yahoo!!"

"Natatakot ako, baka ma-homesick tayo?"

"Hindi yan! All is well! Nandito naman ako kaya bakit ka mabobored? May mga kapitbahay din tayo! May bagong friends na naman nyan! Excited na ako! Sana may wifi sila tsaka namimigay ng pagkain."

"Pagkain na naman? Nako ah? Baka naman tumaba tayo dito! Anyway kain na tayo?"

"Sige kain na tayo! Kanina pa ako gutom eh! Ang tagal mo kasing magsabi eh."

"Tara ayusin na natin yung mesa, tapos may dala akong ulam dyan tsaka rice."

"Ah oo tapos ma---- may tao." then tinuro ko.

"Saan? (0_O    ) Oh my G! (O_____o   )"

"Di-di-di ba i-i-i-ikaw yung boy sa--"

"Yes I am! Hey, this is so cool. Who is my tita's inaanak?" pano ko ba naman makakalimutan tong guy na to eh type ko nga eh. Konti lang.

"Ah, Me! Teka tita mo si Tita Lanie?" nagraise ako ng right hand.

"Ah no, she's one of my parents friend pati isa sya sa mga favorite family friend namin that's why I call her tita. Ah eto nga pala pinapaabot nya." may inabot syang tupperware.

"Whats this?"

"Open it:)"

"Wow, favorite! Astig talaga si tita oh. Sinigang!!!"

"Huy! Wag kang maingay, please. Nagigising kaluluwa ko."

"Hahaha, nakakatuwa talaga kayong tingnan dalawa. Siblings ba kayo?"

"Hoho. Hindi pero parang ganun na nga."

"I dont understand. You are not siblings but yet you are like that. Am I heared right?"

"Pwede ba wag ka na ngang mag english!" sabay pa kami ni Carmie.

"Why?"

"Kasi mauubusan kami ng english sayo! Wala pa man din kaming dalang dictionary, baka palalim na ng palalim english mo eh! Hindi na namin mahukay! Nosebleed!!"

"Ah okey, marunong naman akong mantagalog pero konti lang"

"Anong mantagalog naman!? Managalog."

"Sorry for that. Anyway dito pala kayo nakatira? Small world."

"Ah kakalipat lang namin ngayon. Actually, inaayos pa lang namin gamit namin eh. Taga dito ka ba?"

"Not yet, I wish ... but anyway kinakausap na ni mommy si tita sa paglipat ko dito bukas."

"Really? Edi ibig sabihin kapitbahay ka na namin nyan!? How cute. Welcome new friend! We are newbies here!"

"Wait, makikisabat na ah? Anong cute don Mickay? Baka sya yung cute?" panira naman to oh. Sabay siko ko sa kanya.

"Ah eh kasi magiging friends na tayo, ang liit talaga ng mundo oh. Wala ba kayong napapansin?"

"Like what?"

"Kapag kakain na, nagkikita kita tayo. Pagkain nga naman oh? Layo nang nararating."

"Oo nga noh!?"

"Anyway guys, tara kain na tayo!"

"Tara!"

"Kain na tayo ahmm...??"

"Ah, Im Shin Huang from China but I'd migrated here in Philippines."

"For what reasons naman?"

"Hmm, for business purposes."

"Ah okey, kaya pala muka kang intsik eh! No offend ah, sabi nila mga intsik masusungit eh."

"Hindi rin, bakit ako? Masungit ba ako?"

"Ay hindi naman, siguro naging judgemental lang ako. Sabi kasi nila eh. Edi nag iisang anak ka lang nyan? Diba one child policy don?"

"Ah, oo. Basta!"

"Hanung bashta?"

"Never mind. Swallow your food first. Anyway, do want some help?"

"Nooo! Okey na us! Dont worry men!"

"Okey I have to go. Thanks to your time, both you. hěn gāo xìng rèn shi ni." (nice to meet you.) winave nya pa yung hand nya.

"Huh ano daw!!?" wow, sabay na naman kami ni Carms.

"Ewan! Ikain na lang natin to!"

"Teka, Micks himala ata na hindi mo tinanggap yung alok ni ano nga yun Sichu? Ah basta yun, yung pagtulong nya? Why? Eh kita mo ngang di pa natin nagagawa yung iba."

"Ano ka ba naman oh! Hindi ba nagloloading yang utak mo? Baka mamaya makita nya pang nakakalat panty ko or mo or bra or kung ano man yang hindi nya dapat makita dahil spg, remember boy pa rin yan. Kahit mukang mabait baka kalait lait naman yung ugali. Wag papadala sa maamong mukha!"

"Oo nga noh? Di ko nga naisip yun, nahypnotize na ata ako nun ah?"

"Hey, akin na sya noh!?"

"Akala ko bang hindi mo sya crush?"

"Type lang nga, bakit same lang ba yun? Di ba hindi?"

"Arrg. Akin na lang!"

"Oh sige na nga sayo na. Hindi ko naman sya pinagnanasaan noh, aanhin ko naman yang mga boys na yan!? Nakakadiri! Pweee! Mga chickboy! Manloloko! Selfish!"

"OA mo naman, bakit nagkabf ka na ba para maloko? Naramdaman mo na ba yun? Bakit naman sila naging kadiri diba nga type mo sya?"

"Pssh, hindi kaya!" :/

CrushMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon