"Hindi mo ba pupuntahan si Shin sa airport?"
"Carmie naman, pamasahe ko? Pati hindi ko kaya alam papunta don, ang mahal ng taxi noh."
"So, magtyatyaga kang hindi sya kausap ng ilang months? 2 months lang naman po kaya!! Ang tagal diba? Feeling mo nga yung one week nyong di pag uusap one month na eh."
"Ano ba, hayaan mo nga sya. Kinausap ko na kaya sya kahapon."
"Ansabe?"
"Sabi ko ingat sya tsaka mamimiss ko sya"
"Ayiieee! Papahiramin nalang kita ng pamasahe, dali punta ka na!!"
"Wag na nga. Nakakahiya lang isa pa baka naka alis na yun."
"Hindi pa yan! Tiwala lang."
"Tiwala ka dyan. Naka move on ka na ba kay Sheriff?"
"Aba oo naman! Ako pa!!?"
"Sus, nung last monday nga lang uminom ka pa ng alak! Lalaki lang ah?"
"Natauhan na ako noh. Tsaka wala lang yun. Pampaalis lang ng sama ng loob sa kanya."
"Sabi mo ah?"
"Oo nga kaya umalis ka na."
"Hoy panget, hindi ka ba pupunta sa airport? Hahayaan mo na lang bang umalis si Shin ng malungkot at may dinidibdib?"
"Teka bat alam mo tong bahay namin I mean apartment?"
"Malamang kapitbahay mo lang si Shin. Feeling ka naman"
"Paki mo ba kung pupunta o hindi ako?"
"Bahala ka, konsensya mo na lang yan. Sa bagay di naman mahirap sa boys na umalis tsaka madami naman yung makikilalang chicks don."
"Kinokonsensya mo talaga ako eh noh? Umalis ka na nga!"
"Sure?"
"Cheee! Tara na nga Carmie!"
"Teka Mickay san ba tayo pupunta?"
"Sa South V.!"
"As in sa South Village?"
"Oo sa amin nga, ang kulet!"
"Taga dun din po kaya ako friendster, eh. Medyo war pa naman kami ng mama ko."
"Sinabi ko bang sa inyo?"
"Hindi."
"Oh, bat pinuproblema mo? Bilisan mo na nga lang!"
"Teka di mo man lang ba inaalala yung apartment natin? Di pa kaya naka lock yun tsaka iniwan pa nating bukas at eto pa! nandun pa yung lalaking gwapo!"
"Bayaan mo, di naman yun magnanakaw kasi mayaman na yun. Pati itetext ko na lang si Jake na isara yun. Dont worry about that friendster. The ugly monster was still there."
"Sinong ugly monster? Is he/she that freaking ugly?"
"No, because in his very handsome face, the 99.9% was a freakin GMRC!"
"Huh? Pati GMRC sinasama mo, loko ka. Tsaka teka bat ba tayo nag iingles eh nosebleed na nga tayo wrong grammar pa."
"Para masanay, nuh ka ba? Naturingan tayong scholar tapos bobo sa english na yan? Wag ganun! Sayang baon!"
"In thing? You have a point!"
"In thing?"
"English ng sa bagay. Hahahaha!"
"Hahaha, nakakatawa! Corny brad!"
When we already at home, kumain muna kami syempre, miss ko na kaya luto ni mama. Tapos naglaro ng Scrubble at syempre Im always the champion! Hohoho:x XOXOXO.
"Andaya talaga neto oh!?"
"Ang sabihin mo Carms, loser ka lang. Hahaha, pati pala si ate Athena isama mo na rin."
"Yabang!! Feeler ka na ah?"
"Totoo naman kaya"
"Ah, bahala kayo! Ayoko na! Kakain na lang ako." tapos tumayo si Ate Athena then dumiretso sa kusina."
"Si ate talaga oh, di matanggap na loser."
"I heard that! Wag ka nga. Gutom lang ako kaya talo."
"Sus, oh Mickay pano ba yan, sure na yan na umalis na si Shin."
"Si Shin umalis??!! As in yung pumunta dito?! San pumunta?"
"Sa China ate, magbabakasyon ata, ewan!"
"Ewan ka dyan. Kelan sya umalis?"
"Kanina lang."
"Oh bat di nyo pinuntahan? Tumambay talaga kayo dito eh noh? Eh kung pinuntahan nyo edi mas moment yun!?"
"War ata sila ate eh."
"War ka dyan, tapos na world war 2 noh? Ano yan pang 2.1? Ang corny nyo ah. Bakit kayo ba?"-Athena
"Hindi." >_<
"Oh yun naman pala Mickay eh! Wala ka naman palang karapatang magmalaki, eh di naman pala kayo."-Athena
"Bakit may sinabi ba ako? Tsaka sino ba kinakampihan nyo?"
"Wala."
"Kailan sabay ko? So ganon, iwanan sa ere? Pinagtutulungan nyo ata ako eh."
"Ang babaw mo naman! Para yun lang oh."
"Hay nako ewan! Nakakapikon tong araw.na to ah!? Lahat kayo kinokonsensya sa hindi ko pagpunta dun. Mag ano ba kami? Di ba magkaklase lang naman kami at simpleng magkaibigan? Bat ba binibigyan nyo ng issue yon?" tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Oh san ka pupunta?"
"Magpapahangin"
"Teka lang!"
"Dont follow back, okey? Just let me be."
"Okey? Pero san kapupunta?"
"Sa labas."