Chapter#8.5

3 0 0
                                    

   Naging mahaba ang araw na to para sa akin, hindi ko alam kung bakit pero ang dami kong naging experience today. Uwian na, mga 3 PM na siguro at...

"Mickay? May kasabay ka ba?"

"Ah oo, si Miles?" ewan ko bakit ako umiiwas sa kanya, wala naman talaga akong kasabay dahil si Carmie may pinuntahan, may bibilhin ata.

"Ah diba sasakay pa yun? San ka ba uuwi? Di ba sa apartment, tara lakad na lang tayo."

"Ah si Carmie pala."

"Umalis na kaya sya."

"Ah ganun ba. Ahmm.." pano ko ba to malulusutan?

"Oh, Mickay hindi ka pa ba uuwi? Sa apartment ka diba?"

"Ah oo si Jake nga pala kasabay ko!" sabay laki ng mata at kapit sa braso nya.

"Ah, teka teka! Diba sabi ko sayo ...(kurot sa braso) na sabay nga pala tayo parekoy!"

"Grabe nakalimutan mo na agad ako? Sama mo naman. Diba may bibilhin ka nga?"

"Ah sige, Shin ba? Aalis na kami."

"Sige Mickay next time na lang. Bye!"

   Buti na lang at pinagbigyan ako ni Jake. Bestfriend ko naman to kaya alam kong okey lang. Pero mas close kay Carmie, kasi tong lalaking to pamangkin ni tita Lanie kaya magka apartment na nyan kami. Itong si boy best friend, since grade 3 ata nung naging bbf ko kaya wala lang samin yung mga pang aasar nilang kami daw magkakatuluyan sa huli. Yuck! Ayaw ko kayang maging bf tong si bbf, hindi naman sya panget may itsura naman kaso parang kapatid ko na kasi to eh. Hindi na kami talo, tsaka may pinagnanasaan na kaya to ... si Janelle. Inlababo sya kay Janelle na classmate namin since grade 5. Kaya yung pagiging inlababo nya since grade 5 din. Torpe nga lang tong mokong na to kaya di nililigawan si Janelle. Hindi naman kaya sya kareject reject noh! Bakla ata to eh?

"Ang labo mo naman parekoy! Bat pa kasi ako pa eh."

"Bakit may pupuntahan ka ba?"

"Susundan ko sana si Janelle kanina eh."

"Janelle na naman? Yuck! Stalker ka ba nya? Pagpapalit mo na ako dyan kay Janelle ah? So sya na sasabayan mo, ako hindi? Nagseselos na tuloy ako." nagpout pa ako.

"Para ka talagang bata! Syempre parekoy kita, matatanggihan ba kita?"

"Teka alam ba ng Janelle na yan na halos kasabay ka nya araw araw?"

"Hindi ata."

"Haay, sabi ko na nga ba at ikaw lang ang sumasabay sa kanya. Sya ata never ka pa nyang nakasabay. Torpe ka kasi!"

"Inggit ka lang. Ikaw nga walang nasabay sayo, maliban dun sa transferee. Uyy, may nagkakagusto na sa gbf ko! Pakilala mo sya sakin ah. Kikilatisin ko, basta wag mo kong pagpalit." haha, ang kulet eh noh, eto pinakamagandang relasyon no break up, no love relationship basta parang kami kung umasta pero hindi, bff lang talaga kami.

"Heh! Hindi kaya!"

"Hinaharas ka ba? Sabihin mo lang gugulpihin ko agad, kahit transferee pa yan."

"Ang bad mo naman. Gangster ka ba?"

"Malapit na. Haha, joke!"

"Oy Jake Quaker, hindi magandang biro yan ah! Pag ikaw nagloko break na tayo."

"Break ka dyan wala naman break tong friendship natin ah."

"Sows?"

"Anong sows ka dyan."

"Pwede naman kitang pagpalit noh."

"Kanino naman? Dun sa Intsik na yun? Crush mo noh!?"

"Hindi nga sabi eh."

"Bat namumula ka? May allergy ka ba?"

"Wala! Papasok na nga ako sa room ko!"

   Nagwalk out ako bigla dahil nandito na rin naman kami sa apartment, kaya pumasok na ako sa room namin ni Carmie. Bat wala pa kaya yung babaeng yun? Alam nya naman ata na ngayon kami matutulog dito eh.

CrushMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon