Chapter#8

18 0 0
                                    

   Pagdating ko sa room, yes wala pa advicer namin. May inaasikaso daw kasi. May new comer ata eh. Ah basta, kaya nakipagkwentuhan muna ako sayang naman yung time kung palalampasin. Kinuwento ko kina Hannah at Carmie yung tungkol sa jeep, kaya ayun todo kilig naman yung mga mahaharot! Cloud9 daw! Hahaha. Para ngang impyerno sa hot eh. jk! Jeepney love story daw? haha. I like that.

"May I call your attention please, we have a new comer  for this day. He's nice and handsome, so girls dont panic! Im sure he'll gonna be our escort for this year. Please proceed Mr. Huang."

"Kainis naman oh, may new comer na naman. Panibagong pakikisama na naman to."

"May sinasabi ka Mickay?"

"Wala!"

"Uy, gwapo daw eh sabi ni teacher."

"Talaga? Hindi ko kasi narinig eh."

"Oo daw eh."

"Ah, sya lang pala eh... TEKAAA? O___O ?? SIYA NA NAMAN!!? Akala ko bang 2nd year sya?"

   Hiyawan mga girls nung tapos na syang magpakilala. Ang lupet talaga nito oh.

"You may sit there." Tinuro nya yung left side ko. Wow, magiging seatmate ko pa sya? This gonna be exciting! Pareho daw kasing malabo mata namin eh kaya bagay daw kaming magsama sa harap.

   Natapos ang two subjects namin nang hindi ko sya kinakausap. Ang dami kasing tanong na gumugulo sa isip ko. Sabi nya 2nd year sya, eh bat nandito sya? Classmate ko pa. Kaya siguro lumilipat sya ng apartment at kay tita pa. Coinsidence lang ba lahat ng to? Sa bagay halos student kasi mga nag uupa kay tita kaya di malayo. Assumera lang talaga ako.

   Break na pagkatapos ng two subjects kaya pwede na akong dumaldal. Nasa tabi ko lang sya at mukang may sinusulat, ano naman kaya yun? Ah basta, tapos humarap ko sa kanya. Ano namang tatanong ko? Ah alam ko na.

"Shin, bakit mo sinabi na 2nd year ka? Hindi mo ba alam na bawal magsinungaling? Sa China ba pweding maging liar?"

"Hahaha, hindi noh. Niloloko lang kita non, sasabay na sana akong pumasok sayo kanina dahil alam akong magkabatch tayo. Kaso hindi mo ko hinintay."

"Ay sorry, ikaw naman kasi eh. Bat alam mo pa lang magkabatch tayo? Stalker ba ki--" napatakip ako bigla ng bibig. Grabe ano na naman ba tong sinasabi ko?

"Hindi. Haha, sinabi lang sa akin ni tita, hindi ko naman alam na magiging classmate tayo pati maging seatmate. Small world talaga, right?"

"Yeah, you're right."

"Oh, Shin! Classmate ka pala namin eh, welcome! Carmie nga pala."

"Yeah I already knew you."

"Talaga? Ganun na ba ako kasikat?"

"Feeler ka naman Carms!!"

"Joke lang eto naman oh. Tara break!"

"Sasama ka ba Shin?"

"Ah, hindi na. May sinusulat pa ako eh."

"Ah ano ba yan?"

"Journal ko."

"Sige bye na lang."

   Bibili na lang ako ng sandwich at juice, isang fries, at biscuit.

"Ang dami mo na mang binili Mickay!? Mauubos mo ba yan? Kala ko ba diet ka tsaka tipid?"

"Hayaan mo na lang muna New year resolutions ko, ngayon ko lang naman ata yun susuwayin."

"Ano bang problema? Alam ko kapag may problema ka matakaw ka eh."

"Sira, matakaw talaga ako. Pinipigilan ko nga lang eh, tataba ba ako ng ganto kung hindi ako matakaw? Edi ang dami ko pa lang problema kaya mataba ako ganun? Grabe ka naman."

"Tumigil na nga kayo, ang ingay nyo eh. Nga pala Mickay kilala mo pala yung Shin na yun? Pakilala mo naman ako oh! Ang wafuuu nya eh! Crush ko na sya."

"Grabe ka naman Hannah, ako muna papakilala nya bago ikaw noh. Diba Mickay?"

"Rica talaga oh, haha. Sige sabay ko na lang kayo papakilala mamaya pag dating natin."

"Yun oh! Good. Hingin mo na rin number." nabulunan ako bigla.

"*Ubo*ubo*ubo. Grabe naman kayo! Nung sabado ko pa lang ata sya nakilala eh, diba Carms?"

"Ah, oo. Gwapo nga sya, type ko na rin ata eh."

"Ah, bahala kayo. Sainyo na!"

"Nagseselos ka ba? Crush mo sya noh?"

"Hindi ah?"

"Eh bat nagbablush ka?" hinawakan ko bigla pisngi ko.

"Huh? Di kaya, bahala na nga kayo." tapos iniwan ko na sila, ang gulo kasi nila eh. Puro kalandian mga chismis.*sigh.

   Hindi pa man ako nakakalayo sa canteen, may bumangga na naman sa akin. Pader ba ako? Invisible para di makita? Multo? Ang labooo!

"Naman eh! Hindi naman kita inaano dyan eh."

"Boooo!"

"Ang epal mo talaga Vincent! Feeling mo ikaw si Vincent ng Ghost Fighter? Kapal mo!"

"May sinasabi ba ako?"

"Hayysst! Wag mo na ngang sirain araw ko!" tapos tumakbo na ako. Ang bad talaga nyang Vincent na yan eh. Di ko naman inaano lagi akong pinagtitripan! Muka ba akong katrip trip?

CrushMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon