Chapter#15

1 0 0
                                    

   More than 2 hours din kaming nagkukulitan sa park, tapos nilibot namin buong village. Ang gulo nga eh, away bati kami tapos magtatawanan tapos mag aaway na naman.

"Tara hatid na kita sa inyo, madilim na yung langit oh? Mukang uulan." Totoo ba to? OMC!

"Ako hahatid mo?"

"Oo bakit? Responsibility namin yun dito na maging nice to everyone. Kala mo kung ano noh? Yuck! Wag ka ngang mag isip ng kung ano ano."

"Wala naman akong sinasabi ah?"

"Tara na! Turo mo kung saan tsaka para na rin malaman ko kung saan kita susugurin once na hindi ka umattend bukas."

"Bukas!!?"

"Oo kaya!"

"Oh My Crush! Sige na nga. Wag mo na pala akong ihatid sa bahay, baka kung ano pa isipin ng mga yun eh. Madudumi kasi isip ng mga kapitbahay namin eh, hindi pa nalilinis."

"Paki ba nila? Affected ka naman? Pati isa pa wala naman tayong relasyon ah? Nag iisip naman siguro mga kapitbahay nyo diba? Iniisip naman siguro nila na hindi ako pumapatol sa pangit? Right?"

"Oo na! Ipamuka pa sakin eh! Tara na nga!"

   Nagkwentuhan kami habang naglalakad papunta samin. Nakakainis nga lang minsan kasi inaasar nya ako. Pero ang cute nya nga. Grabe di ako makapaniwala! May kasama akong gwapo habang naglalakad dito sa village maliban kay Shin. Mas bet ko ata kapogian nito kaysa kay Shin eh. Bat ba lagi kong iniisip yun? Kaso nga lang opposite sila ni Shin, di ko mapigilang pagkumparahin yung dalawa eh. Ewan ko ba bakit nagkakasundo tong dalawa. Ay hindi pala! Ay ewan! Ang gulo eh noh?

"Ay teka, di ba may salamin ka nung nakasakay ka sa jeep nung one time?"

"Ah yun ba, pamorma ko lang yun. Bakit mas bagay ko ba may salamin?"

"Ah hindi, kahit ano naman ata bagay sayo."

"Talaga? Sabi ko na nga bat crush mo ko eh."

"Anong connect?"

"Kasi napopogian ka sakin."

"Kapal!"

"Teka eto na ba bahay nyo?"

"Oo, sige pwedi ka ng umalis!"

"Umalis? Ako? Di mo man lang ba ako papakainin? Papainumin? Papakilala? Grabe ka rin eh noh."

"Sige na, baka kung ano pa isipin nun. Sabi ko naman sayo wag mo na akong hatid eh."

"Akong bahala."

"Teka bat nagdodoorbell ka? Umuwi ka na nga."

"Pag umuwi ako baka di mo magustuhan. Hmm?"

"Mickay ikaw na ba yan!?"

"Naku nandyan na si Ate Athena. Sige na alis."

"Ayaw!"

"Haynako para kang bata."

"Oh Mickay may kasama ka pala. At gwapo pa. Sino ba talagang bf mo? Yung pumunta dito nung nakaraan o yan? Haba ng hair ah?"

"Ate! Wala noh, ano ka ba. Hindi ko nga alam bakit ako nilalapitan ng mga to eh."

"Oh pasok muna."

"FRIENDSTER!!!" ^___^ "UY SORRY KANINA AH?"-Carmie

"Wala yun, at may kasama ka agad? Eto yung lalaki nung nakaraan diba?"

"Ah oo."

"Sorry for interruption, Hello girls nice meeting you. Maru Cheon but you can call me Ruru from Roosevelt Academy and from this village." ah Ruru pala palayaw nito.

CrushMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon