Chapter#4

4 0 0
                                    

"...."

"Mickay?"

"Yes? Teka! Sino ka?"

"Ako ang yong conscience."

"What? Pinagloloko mo ba ako? Ahhh! Mommy may monster!"

"Im not a monster to eat you. Yuck!"

"Eh sino ka?" hindi ko masyadong maaninag yung muka nya, dahil hindi sya malapit sa akin at dahil na rin ata wala akong salamin? Ay ewan! Parang ang blurred kasi eh.

"Ako nga ang yong konsyensya!"

"Eh bakit lalaki ka? Di ba dapat babae ka?" sa tono ng pananalita nya, obvious naman na lalaki sya at sa tindig nya.

"..."

"Teka? Wag mong sabihing bakla ako? Oo pinangarap kong maging lalaki pero hindi sa gantong sitwasyon at pagkakataon."

"Hindi."

"Ang bitin naman ng sagot mo!? Ano? babae ba ako o lalake? Nga pala bat ko tinatanong eh babae naman talaga ako? Teka may salamin nga pala matingnan nga. Anong use nito kung di gagamitin diba?" tapos tumingin ako sa salamin. Whole body, and I said Mirror mirror on the wall ... joke!

"Aaahhhh! Bakit ganto? Ang ikli ng buhok ko? Lalaki na nga ako! Pero bakit ang wafuuu ko! Di naman ako ganun kaganda ah? Ah basta! Pogi pala ako paglalaki, lalaki na lang ako! Pero hindi eh! Naiinlove ako ... sa sarili ko? Bakit naman ako maiinlove sa sarili ko? Ang gulo! Siguro dahil ngayon lang talaga ako nakahanap ng pogi? Eh bat sarili ko pa? Ay nako, siguro masyado lang akong believe sa sarili ko! Tsaka isa pa, bakit ang linaw ng paningin ko? Diba wala nga akong salamin?"

"Wahahaha! Baliw! Near sighted ka!"

"Ay oo nga pala! Teka bat ka tumatawa?" dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Whahahaha!"

"Aaaahhhhh!!" pagtingin ko sa salamin iba na itsura ko! Babae na ulet! Waaaa! Nooo!

"Wahahaha!"

"Sino ka ba talaga! Please! Tell me!"

"Wahaha! Uto uto! Ako ang yong....."

Thursday Morning...

Carmie's POV:

   Lalalala, laladidadi katabi ko malandi! Hihihi. Alam nyo, hilig ko kasi talagang kumanta. Music lover kasi ako! Kyaaah! Lalo na yung mga pang international.. choir din pala ako sa simbahan kaya pag weekends medyo busy lalo na pag may practice at kelangan magserve.

   Wait? Kilala nyo na ba ako? Kung hindi pa, wala akong pake.. joke! Ako pala si Carmie Solis at ako ang Bff ng bff ko, si Mickay Rama.

   3 days na yung nakakaraan simula nung nakausap ko si Mickay at nakasama.. Nung pasukan pa yon. Medyo tahimik sya nitong mga nakaraang araw. Ewan ko kung bakit, teka baka may problema sya? Family? Ano naman kaya? Whaaatt!!? Ahhh! Di sya nagsasabi sakin? Bakit ganon sya! Dapat sinabi nya!

   Eh, what if kung hindi pala pamilya? Eh ano naman kaya? Lovelife? Haaay, bakit naman magkakalovelife yon? Wala ngang nanliligaw dun eh, ewan kung bakit! Di naman sya ganun kapanget ah? Hmm, pera? Di naman sila ganun kahirap ... Study? Ihh! Di naman yun masyadong problemado sa studies nya eh. Aaaahhh! ANG HIRAP MANGHULA!! ANO BA TALAGA!?? Good thing at nakita ko syang papasok na ng gate, malapitan nga.

"Mickay!!! Wait lang, hintay!" tapos lumingon sya at hinanap ako.

"Mickaaayyy!!" this time winave ko yung kamay ko para makita nya, malabo pala mata nito.. may salamin naman sya ah?

CrushMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon