(Monday)
Its monday, hate day ko in life. Feeling ko kasi lagi na lang nagsisimula lahat, pagpasok sa school, sa work at ito ang pinakabusy na day, ang monday bow. at lazy day to para sa akin.
Maaga akong nagising tidetch(today) dahil nauna na naman akong gumising sa alarm clock ko ng 1-2 minutes kaya hinintay ko na magring na lang yung alarm clock ko. Nakakatamad talaga kasing pumasok lalo na pagwala kang inspirasyon.
"Teka bat di nag aalarm tong alarm clock ko? 5:59 AM na diba? Macheck nga... Oh my G!!! 7:05 na?!! Akala ko 5:59! 6:59 pala yun?! Ganun na ba kalabo mata ko? Bali 6 mins na akong nagmumuni muni? Gosh, baka malate pa ako nyan!"
"HOYYY MICKAY??!! HINDI KA PA BA BABABA? ANONG ORAS NA PATI PAPASOK KA BA?" naks naman si ate oh, nanggising pa eh anong oras na, dapat kanina pa eh! Tsk! Alam nya naman oras ng paggising ko eh.
"OO ATE! WAIT BABABA NA AKO!"
After kong magmumog sa taas bumaba na ako.
"Oh bat ngayon ka lang ata nagising?"
"Ay hindi, bakit kasi di mo ko ginising ate eh, ang daya mo talaga. Si mama?"
"Ah pumasok na si tita."
"Aga ata? Anmeron?"
"Ewan ko din eh."
"Ate konti lang kakainin ko, diet ako eh. Tsaka eto pa ata yung ulam kagabi eh, Aiiissshh mama talaga oh."
"Sabi kasi ni tita yan na lang daw eh, initin ko na lang daw tsaka maaga nga syang pumasok diba kaya di sya nakaluto."
Dapat kasi nagluto na lang ng hotdog or ham tong si ate Athena eh. Sabagay baka malate din sya.. Teka mamaya pa ata pasok nito eh, di kami same kasi college na sya. 2nd year college na si pinsan at sa bahay namin tumitira, naaksidente kasi both parents nya kaya sya na lang natira kaya dito na sya nagistay at parang kapatid ko na din. Matagal na yung car accident bata pa lang sya mga... ewan!
Tapos ko nang gawin mga daily routines ko sa bahay kapag may pasok: kain, ligo, bihis, konting ayos at mabagal na kilos kapag maaga dahil nakakatatamad talaga.
Pinili kong magcommute na lang muna dahil malelate na nga ako 10-15 mins kapag naglakad ako, 5 mins naman kapag sumakay ng jeep kaya sakay na lang. May discount naman sa student eh, piso nga lang.
Nasa dulo ako ng pinto ng jeep at may nasa harap ko ang babaeng mistisahin. Kaseatmate ba tawag dun? Basta yun, nakaupo yung dalawang girl sa harap ko na magkalayo tapos may boy naman na nasa dulo kaya malapit sa driver ng jeep na sobrang layo sakin dahil sa haba ng jeep. Kaline ko yung boy bali 2:2 yung ratio namin sa upuan at kami lang apat ang pasahero kaya maluwang.
"Bayad po!"
Inaabot ko sa babaeng nasa harapan ng upuan ko na medyo malayo ng konti sa akin, pero dedma lang si ate. Di ako pinansin, bingi ata. And then, may nag abot ng kamay, si boy. Kaso ang nakakatawa at ang problema, hindi ko sya abot at hindi nya rin ako abot dahil nga nasa magkabilang dulo kami pero magkaline. Inistretch ko ng maigi yung kamay at halos buong katawan sa layo at pati rin sya inistretch nya na rin kamay nya sa layo ng distansya namin. Natatawa tuloy ako, kasi halos mahiga na ako sa pagbibigay lang ng bayad kasi ang tamad kong umusog para lumapit.
Tinitingnan ko yung mga pasahero pati yung boy dahil inaalam ko yung school nya, naka uniform kasi sya na kamuka ng sa boys namin baka kasi schoolmate ko. Sa bagay halos paraparehas lang naman uniform ng boys sa village na yun, logo lang hindi.
Nagulat ako ng bigla syang tumayo, baka bababa na sya pero umaandar pa yung jeep eh. PERO HINDI, hindi sya bumaba akala ko lilipat sya sa tabi nung girl pero sakin sya tumabi. Mga wala mang ruler yung pagitan namin ngayon, at dahil don mas naobserbahan ko pa sya. Muka syang koreano o baka koreano talaga? Naku kung sinuswerte ka nga naman, crush ko mga koreano eh, at mapute, cute, chinito, gwapo, may salamin na vans na color purple yung side at inayos nya pa buhok nya pero nakaside lang sya sa akin. Ngayon, feeling ko nasa LRT ako, siksikan pero hindi. 4 nga lang kami diba? Yun yung nafifeel ko that time, sobrang hot ng paligid ko tapos napasandal na lang ako. Kinikilig ba ako o natatawa? Kasi yung girl sa harap namin, alam kong tinitingnan kami, nagatataka siguro sya na baka magkakilala kami. Ang cute kasi ata naming tingnan, parehas na nakasalamin at student. Wow.