Prologue
Habang inaayusan ng buhok si Carrel ng kanyang mommy hindi maalis sa muka nya ang pag busangot.
"Carrel you need to be friendly, may bago tayong kapitbahay balita ko meron din syang anak na kaedad mo na pwede mong maging kaibigan, so don't be mataray" paalala ng ina dito.
"But mom, whay do i have to be his friend? I'm contented with my toys"
Kinuha nga sa gilid ng lamesa ang manika nyang malaki at may mahabang buhok dahan dahan nya itong sinuklayan gamit ang sarili nitong suklay.
"Mas maganda parin may kaibigan ka at mag laro sa labas hindi yung palagi ka nasa loob ng bahay"
Tapos ng ayusan si Carrel ng kanyang ina at pinaharap nya nito at inayos nito ang pink nyang dress.
"Promise me, don't do anything wrong and just be friendly anak. Okay?"
Walang kabuhay buhay syang tumango sa kanya ina.
"Okay! Let's go!"
Hawak hawak sya ng kanyang mommy papunta sa bahay ng bago nilang kapitbahay.
Sa edad na anim na taong gulang wala sya kahit isang kaibigan palagi nyang kasama ang kanyang mommy at ang mga laruan nya.
Nag doorbell na ang mommy nya at agad din naman ito binuksan ng kapitbahay tsaka sila pinapasok sa loob ng bahay.
"Magandang hapon sa inyo, ito nga pala pa welcome namin sa inyo dito sa subdivision natin"
Inabot ng kanyang mommy ang niluto nitong ulam sa isang ginang.
"Nako ng abala kapa mukang tamang tama na dito kami lumipat dahil ang babait ng kapitbahay namin" masayang puna ng ginang.
"Naka sanayan na namin i-welcome kapag may bagong kapit bahay"
"Salamat sige maupo kayo"
Tumingin ang ginang sa kanya "Ang cute naman ng anak mo. Hello I'm Tita Ester! How about you ? what's your name?"
Saglit syang natahimik pero kinalabit sya ng kanyang mommy kaya napilitan syang sumagot.
"I'm Carrel Saavedra"
"And I'm Sylvester Fuentes"
Tumingin sya sa batang kakababa lang galing sa taas, halos ka edad lang nya ito. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kamay akmang hahalikan nya ito ng bawiin nya ito at hindi ng dalawang isip na suntukin ang kanang mata ng batang lalaki.
Napaupo ang si Sylvester sa sahig.
"Carrel!"
"Sylvester!"
Dinaluhan ng dalawang ginang si Sylvester na halos mamilipit sa sakit habang naka hawak sa kanyang mata.
"Manang pakuha po ng ice pack, ayos kalang anak?" Tanong ng ginang sa kanyang anak.
Tumayo ang mommy ni Carrel at lumapit ito sa kanya.
"I told you not to be rude! Bakit mo sya sinuntok!?"
Ginalaw galaw nya ang kanyang palad.
"He's so bastos, he's trying kiss my hand and I don't like it"
"But i was trying to be nice!" ang sagot ni Sylvester habang hawak parin ang mata nya na mag ice pack.
"Well that's not nice"
"Carrel stop it!"
Humingi ng paumanhin ang mommy ni Carrel sa mommy ni Sylvester.
"Pasensya kana sa anak ko may paka mataray talaga yan nasanay kasi na walang kaibigan palaging nasa bahay. Nako unang araw ng pagkikita natin ganito pa ang nangyari"
"No it's okay, mali din naman ang anak ko masyadong mabilis" She laughed "Ganyan kasi tinuturo ng daddy nya sa kanya, medyo romantic kasi si mister"
Nag usap pa ang dalawang ginang samantala ang dalawang bata ay masamang nakatingin sa isa't isa.
Tinaasan ng kilay ni Carrel si Sylvester samantalang si Sylvester naman ay kinunutan nya ito ng noo.
Hindi rin ng tagal ay ng pasyang umalis na ang mag ina at umuwi sa kanilang bahay.
"Salamat ulit sa pagkain sa susunod ako naman mag luluto"
"Nako wala yun ano kaba. Sige una na kami, Carrel mag babye kana"
Pumadyak si Carrel at tumingin sa mommy nya.
"Why we need to say goodbye eh malapit lang naman ang—"
Hindi nya natuloy ang kanyang sasabihin dahil tinakpan ang bibigya ng kanyang mommy.
"Pasensya na masyado na syang madaldal. Sige una na kami"
Tumawa si Tita Ester "She's so cute right Sylvester?"
Tumingin sya kay Sylvester at hinihintay ang magiging sagot nito.
Habang hawak ni Sylvester ang mata nya masama syang tumingin kay Carrel.
Umiling sya "Of course not mom, she's look like a siopao"
Mabilis din tinakpan ng kanyang mommy ang bibig nya.
"Grabe na mga kabataan ngayon no?"
tatawang sabi ni Tita Ester."Kaya nga ganyan nagagawa ng mga gadgets. Sige mauna na talaga kami baka ano pa masabi ng mga anak natin.
Habang nakatakip parin ang bibig ni Carrel at hinila na sya ng kanyang mommy papunta sa bahay nila pero pilit nya tong inaalis.
Binitawan ng ginang si Carrel ng makarating ito sa bahay nila.
"Mommy ang bad nya! Muka daw ako siopao!"
Tumakbo palabas si Carrel pero inabutan sya ng kanyang mommy at bunuhat papasok sa loob.
"He's just mad, kasi sinuntok mo sya. And that's bad Carrel. Wag ka mananakit na tao"
"But mom!"
"No but's! Go to your room ang change your clothes. Akala ko pa naman magkakaroon ka na ng kaibigan"
Padabog na umakyat sa kwarto nya si Carrel.
"I hate him! How dare he to call me siopao?"
"I hate him so much!"
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020