Epilogue
(Author's POV)
Ngayon ang huling araw kung saan makikita ang labi ni Sylvester.
Nag tipon tipon ang mga malalapit sa kanya at lahat sila ay naka puti pero ang mga team mates ni Sylvester sa basketball ay mga naka jersey bilang tanda ng alaala nila kay Syl.
May mga nagsisimula ng umiyak lalo na ang kanyang ina at kapatid pero kapansin pansin na tahimik lang sa isang tabi ang kanya nobya na si Carrel.
Kapansin pansin din ang pag dating ng iilang kakilala ni Sylvester isa na doon si Axel at Amanda na sabay dumalo doon.
Lumapit sila kay Carrel at parehas nila yun niyakap pero wala yung reaksyon tulala parin.
Katabi ni Carrel ang kanyang mga magulang na umaalalay sa kanya simula umpisa.
Nag simula na ang padasal lahat ay tahimik na nakikinig. Lahat ay tila parang mga estudyante na nakikinig sa guro.
Hangang sa tinawag sa harap ang ate ni Sylvester para mag bigay ng panayam.
"Good afternoon, una sa lahat gusto ko kayong pasalamatan dahil sa huling araw ng kapatid ko dito sa mundo nandito parin kayo sa tabi nya" pumiyok ang kanyang boses at hindi naiwasang maluha kaya agad syang dinaluhan ng kanyang nobyo.
"Maraming salamat talaga, alam kong masaya si Syl dahil sa pinapakita nyong pag mamahal sa kanya."
"Hindi natin inaasahan na maaga tayong iniwan ng kapatid ko.... Isang malusog at active na binata hindi natin maiisip na kukunin agad sya ni Lord"
"Madami pang pangarap ang kapatid ko pero nakakalungkot dahil hindi nya yun magagawa pa.. sobra sobra ko syang mamimiss—"
Hindi na nya naiwasang humagulgol habang ng sasalita.
"Sobra kitang mamimiss brother .. masakit sa'kin to, masakit para samin ni mommy pero masaya na rin kami dahil kasama mo na si Daddy.... Alam ko naman kung gaano mo na sya kamiss at asahan mo na ako ang bahala kay mommy at hindi ko sya papabayaan"
"Mahal na mahal kita brother mag rest kana dyan ha?"
Muli syang humagulgol maging ang mga tao sa paligid ay hindi rin maiwasang maluha lalo na ang kanilang ina.
Inalalayan sya ng kanyang boyfriend at muli silang umupo.
Hangang sa tinawag si Carrel para mag salita sa harap.
Matamlay sya tumayo aalalayan sana sya ng kanyang ama pero pinigilan nya ito at mag isang pumunta sa harapan.
Bagama't naka shades halata parin ang pagka balisa nya.
"G—"
Sa unang pag bigkas palang nya ng letra hindi na nya kinaya, tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina pa nya pinipigilan.
Pinunasan nya ang kanyang luha at muling tinapat ang mic sa bibig nya.
"G-good afternoon, ako si Carrel ang girlfriend ni Sylvester. Yes boyfriend ko na po sya 1 week ago.
Tama kayong lahat... na in love po ako sa bestfriend ko—" humikbi sya.
"Sobrang mahal ko po sya, sobrang sobra. Kahit hindi naging maganda ang una naming pagkikita noong bata pa kami" mapait syang tumawa.
"Sinabihan ba naman akong siopao yun tuloy na sapak ko sa muka"
Namayani ang mahinang tawanan ng mga tao pero may iilan parin na umiiyak.
"Lumaki kaming mag kasama, dati talaga ayaw ko ng kaibigan pero dahil makulit sya pinagtyagaan ko nalang"
"Mabuti nalang ay makulit sya dahil kung hindi? Hindi ako makakakilala ng taong sobrang bait, mapag mahal sa pamilya, sobra akong asarin at inisin"
Habang ng sasalita sya wala parin patid ang pag luha nya.
"Sylvester.... miss na miss na miss na kita—" muli syang humagulgol kaya naman dinaluhan na sya ng magulang nya.
"Namimiss ko na yung pangangasar mo sa'kin... namimiss ko na pag tinatawag mo akong siopao... namimiss ko na ang pagiging over protective mo sa'kin... miss na kita—"
Hinagod ng kanyang ina ang likod nya para patahanin, hinawakan ng kanyang ama ang mic pero kinuha nya ulit yun at muling ng salita.
"To my bestfriend, my boyfriend mahal na mahal kita. Masakit sa'kin na iniwan mo ako hindi ko alam kung pano ako mag sisimula ulit, hindi ko alam kung kailan hihinto tong sakit sa puso ko o titigil pa ba to?
Alam kong hindi ka magiging masaya kung pag papatuloy ko maging malungkot kaya pipilitin ko parin maging...
masaya kahit wala kana. Hindi ko mapapangakong mag mahal muli ng iba pero susubukan kong maging masaya, iiyak ako pero pipilitin kong maging masaya"
"To my Sylvester you will always my bestfriend my love and my boyfriend. I will cherish the moment when I'm with you. I won't say goodbye. I love you so much Syl"
Inalalayan sya ng magulang nya na muling umupo.
Nag patuloy na ang seremonya at hangang sa kinailangan na nilang lahat na mag paalam kay Sylvester.
Isa isa silang ng lagay ng bulaklak sa kabaong ni Sylvester.
Tuluyan ng binaba ang kabaong ni Sylvester at tinabunan ng lupa.
Walang patid ang kalungkutan at iyakan ng mga tao dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Hangang sa mag gabi na, isa isa silang ng paalam sa pamilya ni Sylvester hangang sa naiwan ay Si Carrel ang mga magulang nito, Si Stacey na palaging nasa tabi ni Carrel at sila Silver.
Mag lumapit sa kanilang isang lalaki at may tinuro, lahat sila ay tumingin sa parating.
Isang batang lalaki kasama ang kanya ina. Kapansin pansin na may benda ang braso ng bata.
Tumayo silang lahat para salubungin ito.
Lumapit ang mag ina sa mommy ni Sylvester at nag umpisa ng umiyak at humingin ng tawad.
Ang batang ito ay ang iniwasan ni Sylvester sa daan hindi napuruhan ang bata tanging bali lang sa braso pero ang nasawi ay si Sylvester dahil sumalpok ito sa puno.
Durog ang motor ni Sylvester, hindi nakatulong ang helmet nito sa lakas ng pagka banga nito.
Pinatahan ng ina ni Sylvester ang ginang dahil alam naman nito na wala silang kasalanan.
"Hindi mo kasalanan, walang may kasalanan"
Habang abala sila sa ginang, lumapit si Carrel sa batang lalaki at pumantay ito doon.
"Anong pangalan mo?" tanong nya sa bata.
"Leon po" sagot nito.
Hinimas nya ang buhok ng bata.
May dinukot ang bata gamit ang maayos nyang kamay mula sa bulsa nito at nilabas nya ang isang kwintas na may pendant na buwan.
"Nakita ko po yan na pagka gising ko galing sa aksidente. Hindi ko rin po alam kung bakit nasa kamay ko po yan pagka gising ko. Ang sabi po ni inay hindi ko daw po yan binitawan simula nung aksidente"
Kinilatis ni Carrel ang kwintas at muling ng simulang tumulo ang luha nya ng may mabasa sya mula doon.
You're my person Carrel Saavedra
Napahawak sya sa bibig nya at hindi na nya namalayang napa upo na sya sa damuhan.
"Bakit ka po umiiyak? Dahil po ba na wala si Kuya? Sorry po—"
Maging ang bata ay umiyak na din kaya naman kinabig ito ni Carrel at mahigpit nya itong niyakap.
"Shhh wala kang kasalanan, salamat... salamat dahil hindi mo binitawan ang kwintas na ito. Sobrang salamat"
Parehas silang walang humpay ang pag iyak.
Sylvester iingatan ko to katulad nalang sa pag iingat mo sa bata to, katulad nalang sa pag aalaga mo sa'kin noon. Mahal na mahal kita.....
(Tweet about your reaction to this story then tag me. Doon nyo ako awayin peace ✌🏻)
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020