Chapter 19
Nag aayos ako ng sarili ko dahil may lakad kami ni Axel ngayon plano namin pumunta sa isang restaurant na sinasabi nyang masarap daw ang mga pagkain.
Nang maka receive ako ng text mula sa kanya na nasa baba sya mas binilisan ko pa ang kilos ko dahil nakakahiya naman kung mag hihintay sya sa'kin.
Dali dali akong lumabas ng paalam na ako kila mama kahapon pa dahil alam kong hindi ko sila maaabutan ngayon.
Pag labas ko ng gate nakita ko agad si Axel na naka sandal sa kotse nya at naka abang sa'kin.
"Let's go?"
Tumango ako sa kanya, pinag buksan nya ako ng pinto tsaka ako pumasok.
Habang nasa byahe kami napansin kong nasa likod ng sasakyan nya ang kanya camera na tila parang isang tao na may sariling upuan. Mahal na mahal talaga nya yan kaya ganun nalang ang panghihinayang nya ng akalain nyang na sira ko ang camera nya.
"Gusto kang makilala ni mommy as in gusto ka nya makita" punong puno ng galak nyang sabi.
"Talaga? Ako din naman ay gusto na syang makita. Sige i-set na natin yan"
"Ngayon sana after natin kumain okay lang ba?"
Bahagya akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na ngayon, pero wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nya tutal mag kikita at mag kikita din naman kami.
Pag dating namin sa restaurant hindi mo naman matatangi na maganda talaga ito at mabuti naman ay tama sya sa suot ko ngayon.
Umupo na kaming dalawa at sya na din ang ng order, hinayaan ko na sya dahil nasabi nya na madalas sya dito.
Pag dating ng mga pagkain namin alam ko kung ano ang unang gagawin nya kundi ay ang mag picture muna.
Minsan ng dadalawang isip na ako kung talaga ba na gusto nya ako dalin dito o para maka pag picture lang sya.
Sa wakas natapos na syang mag picture sa iba't ibang angulo ng mga pagkain, napailing nalang ako.
Nag simula na kaming kumain at masasabi kong napaka sarap ng mga ito.
"Try this"
Nilagay nya sa pingan ko ang isang dish na hindi ako familiar pero ng tikman ko to talaga naman masarap.
"Masarap?" tanong nya.
Tumango ako ng naka ngiti habang ngumunguya pa.
"Thank you for bringing me here. I'm so happy"
"No problem hindi lang dito kita dadalin madami pa akong alam na lugar na may masasarap na pagkain"
"I'm so excited!"
Mahina syang tumawa at inabot nga ang kamay ko na naka patong sa lamesa.
"Basta ikaw"
"Thank you"
Tinapos na namin ang aming pagkain. Nakita kong ng mamasid si Axel sa loob ng restaurant habang hawak ang camera nya, mahina akong tumawa.
"Go ahead, hihintayin kita dito"
Sa una ng taka sya pero agad din yun napalitan ng ngiti. Tumayo na sya at pumunta kung saan.
Napansin kong iniwan nya ang cellphone nya sa lamesa.
Naisip ko kagabi na baka sya ang ng sabi kay Amanda ng tungkol kay Stacey dahil sya lang naman ang sinabihan ko pero alam kong hindi nya magagawa sa'kin yun dahil nakikita ko naman na seryoso sya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020